You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DIGOS CITY
Digos City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Quarter 2, Week 8

Name: ________________________________ Grade & Section: ________ Date: ____________

Topic: Layunin, Paraan at Sirkumstansya ng Makataong Kilos

Learning Competencies & Code: EsP10MK-IIg-8.3


Napapatunayan na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay nagtatakda ng pagkamabuti o
pagkamasama ng kilos ng tao.

Concept/Short Input:

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa
layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito
ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay. Kaya’t marahil ay nararapat lamang na
mapagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kanyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito upang lubos na
malaman kung paano nagiging mabuti o masama ang kilos.

Mahalaga na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil
mayroon itong katumbas na panagutan na dapat isaalang-alang.Kung minsan,nagkakaroon ng suliranin
sa pagpapasiya dahil sa kawalan ng kaalaman kung ang pinili niyang kilos ay mabuti o masama.kung
minsan dahil sa bilis ng takbo ng isip ng tao ay nakapag-iisip at nakagagawa siya ng kilos na hindi
tinitingnan ang kahihitnan nito.Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang magiging
resulta ng anumang kilos na gagawin.

Upang maging mabuti ang kilos, nararapat itong nakabatay sa dikta ng konsensya batay sa Likas
na Batas Moral. Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa
motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa. Kaya mula sa layunin, paraan, at sirkumstansiya
ng kilos ay madaling makikita o masusuri ang kabutihan kasamaan nito.

Gawain 1: Mag-isip ng isang sitwasyon bilang mag-aaral mula sa iyong karanasan na may
suliranin(dilemma) sa kinakaharap nating Covid – 19 pandemya. Tayahin ang kabutihan o kasamaan
nito batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan nito

Suliranin Layunin Paraan Sirkumstansiya Kahihinatnan


Paghuhusga: Mabuti o
masama ang
kilos? Bakit?

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale
ii
Gawain 2: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik sa iyong sagutang papel.

1. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sakanilang silid at
Kumuha ng 500 piso sa loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren
ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil
.
a. kinuha niya ito nang walaang paalam
b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kanyang mga magulang
d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrerespeto
2. Kung mali ang layunin magiging mali na rin ba ang paraan at sirkumstansiya?
a. Hindi, dahil iba ang paraan at sirkumstansiya sa layunin.
b. Oo, dahil kung masama ang panloob na kilos ay magiging masama na rin ang buong kilos
c. Hindi, dahil layunin lang naman ang apektado hindi ang ibang kilos
d. O, dahil konektado ang mga kilos
3. Binigyan ni Tanya ng pagkain ang kanyang kamag-aral na walang baon. Ginawa niya ito dahil
nais niyang kumopya sa kaniyang kaklase sa pagsusulit sa Matematika.
a. Tama, sapagkat nakapagbigay ka ng pagkain sa kaklase mo.
b. Mali, sapagkat gusto lang niyang mangopya.
c. Tama, sapagkat mabuti ang ipinakita niya sa kanyangkaklase.
d. Mali, sapagkat masama ang kanyang layunin.
4. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ay tumutungo sa
isang .
a. paraan c. layunin
b. sirkumstansiya d. kahihinatnan
5. Paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos?
a. Kapag napagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kanyang isinasagawang kilos
b. Kapag alam niyang may pananagutan siya sa ginawa niyang kilos
c. Kapag nagsusuri siya sa kanyang kilos
d. Kapag nalalaman niya ang tama at maling kilos.
6. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa halip natulungan niya ang mga ito, sinamantala
niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya. Nabawasan ba o nadaragdagan ang
kasamaan ng kanyang kilos?
a. Nabawasan, dahil sa pamilya niya naman ito.
b. Nadaragdagan, dahil sa halip na tulungan ay sinamantala pa niya.
c. Nabawasan, dahil sa matinding pangangailangan.
d. Nadaragdagan, dahil sa sitwasyon ng pamilyang nasunugan.
7. Ang mga nakapagpapala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag
na .
a. Kahihinatnan b. Sirkumstansiya c. Layunin d. Paraan
8. Ayon sa kanya, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin.
a. Sto. Tomas de Aquino c. De Torre
b. Agapay d. Felicidad Lipio
9. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi
galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali
na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hinihingi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin na walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale
Reference: (if there’s any):

https://web.facebook.com/106853351161037/posts/modyul-6-layunin-paraan-sirkumstansiya-at-
kahihinatnan-ng-makataong-kilos-a-ano-/215019073677797/?_rdc=1&_rdr

Writer: MAY ROSE A. NAVARRO


School: DiCNHS – APLAYA EXTENSION HIGH SCHOOL
Division: DIGOS CITY

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DIGOS CITY
Digos City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Name: ___________________________________ Grade & Section: __________ Date: ____________

Topic: Layunin, Paraan at Sirkumstansya ng Makataong Kilos

Learning Competencies & Code: EsP10MK-IIg-8.4

Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may dilemma batay
sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito

Concept/Short Input:

Gawain 1: ANG PANLOOB AT PANLABAS NA KILOS


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon 1: Si Robinhood ay kilala sa kanyang pagiging matulungin lalo na sa mga mahihirap. Ngunit
ang mga binibigay niya ay galing sa pagnanakaw.

Siwasyon 2: Nagkasayahan kayo bilang selebrasyon sa kaarawan ng isang kaibigan mo, kaya inabot
kayo ng gabi sa inyong bahay. Hindi pa rin kayo tumigil sa pagkantagamit ang videoke
kahit natutulog na ang inyong mga kapitbahay.

Sitwasyon 3: Si Mang Gerry ay matulungin sa kaniyang mga kapitbahay. Ngunit lingid sa kaalaman ng
kaniyang mga tinutulungan, na ang perang ibinibigay niya sa mgA ito ay galing sa
pagbebenta niya ng ipinagbabawal na gamot.
Tanong:

Kung ikaw ang nasa sitwasyon, magagawa mo rin ba ang ginawa nila? Pangatwiranan.

Pamantayan sa Pagsagot ng mga Katanungan


10 Ang nilalaman o kabuuan ng pagpapaliwanag ay nakuha ang konsepto at may aral.
8 Ang nilalaman o kabuuan ng pagpapaliwanag ay nakuha ang konsepto pero walang-aral.
6 Ang nilalaman o kabuuan ng pagpapaliwanag ay taliwas sa konsepto pero may aral.
4 Ang nilalaman o kabuuan ng pagpapaliwanag ay hindi malinaw.
2 Ang nilalaman o kabuuan ng pagpapaliwanag ay walang kaugnayan sa paksa o nilalaman.
Reference: (if there’s any):

https://web.facebook.com/106853351161037/posts/modyul-6-layunin-paraan-sirkumstansiya-at-
kahihinatnan-ng-makataong-kilos-a-ano-/215019073677797/?_rdc=1&_rdr

Writer: MAY ROSE A. NAVARRO


School: DiCNHS – APLAYA EXTENSION HIGH SCHOOL
Division: DIGOS CITY

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale
SUSI SA PAGWAWASTO
(EsP10MK-IIg-8.3);
Gawain 2
1. c
2. b
3. b
4. c
5. d
6. b
7. b
8. b
9. a
10. d

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale

You might also like