You are on page 1of 1

BUHAY KO NGAYONG PANDEMYA

Sa nakaraang isa’t kalahating taon,


Maraming sinubok ang pagkakataon,
Ang kalaban na ating hindi nakikita,
Nagdulot sa mundo ng pagkabahal.

Hinid tayo pinalabas ng ilang buwan,


Ipinasara ang mga paaralan,
Bawal din ang pakikisalamuha,
Sa bayang tahimik ngunit hindi payapa.

Hindi naging madali ang pamumuhay,


Habang nananatili lamang sa bahay,
Kaya’t sinubukan kong ang pagtitinda,
Bilang magulang ng dalawang bata.

Ang paglabas ay sugal sa kalusugan,


Pag-uwi nama’y takot sa tahanan,
Ngunit pagsuong dito’y ating kailangan,
Nang may maihain sa hapag kainan.

Sa pandemiyang ito tayo may nalungkot,


Sa bawat araw ay palaging may takot,
Ngunit pag-asa ay huwag tayong mawalan,
Para sa’ting magandang kinabukasan.

Pananampalataya ay pairalin,
Kalusugan ay palaging pagtibayin,
Sa’ting bagong mundong walang katiyakan,
Upang lagpasan ang unos na daraan.

You might also like