You are on page 1of 1

BUKIDNON STATE UNIVERSITY Salay External Studies Center Salay, Misamis Oriental AHRIZZ G.

MACABABAT Taga-ulat Gng. REBECCA VASALLO Instructress Paglilinaw sa “Ako’y isang TINIG” ni
GENOVEVA EDROZA-MATUTE “ Ang katipunang ito ay isang pag-asa't isang pananalig. Isang pag-asa: na
makapag-abuloy, gaano man kaliit, sa Panitikang sarili na minamal-mahal na noon pa mang panahong
ito'y tinutunghan at minamaliit ng marami.” Ito’y isang koleksyon ng mga Maikling Katha ni Matute na
pinalooban ng mga Maikling kwento at mga sanaysay kung kaya’t wala gaanong iba-iba ang mga
panitikan na nakapaloob sa nasabing AKLAT. ……………………………………………………………………. Si GENOVEVA
EDROZA-MATUTE (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) Siya ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin
siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga
asignaturang pang-edukasyon. Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at
kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay
Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992 Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad
Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa
Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag
sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga
Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga
piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat
niya ...

You might also like