You are on page 1of 16

ORGANISASYON NG PASALITA AT

PASULAT NA KOMPOSISYON
CILO 3 (Maorganisa ng wasto at maayos ang mga
pasalita at pasulat na komposisyon)

Good order is the foundation of all things.


- Edmund Burke

Hindi na mapasusubalian: Ang makrong kasanayang pagsasalita at pagsulat ay


napakahalaga sa buhay ng tao. Kaiba sa pakikinig at pagbasa na mga kasanayang reseptib,
ang pagsasalita at pagsulat ay mga ekspresib at prodaktib o mga kasanayang ginagamit sa
pagpapahayag ng ideya o kaalaman at damdamin o emosyon.

Kaya nga sa pagtuntong pa lamang ng isang bata sa paaralan, unti-unti nang nililinang
ang mga kasanayang ito bilang pagpapatuloy sa mga una nang natutuhan ng isang bata sa
kanyang tahanan at kapaligiran. Sa pag-aaral ng Retorika at Diskurso, napakahalaga ng
dalawang ito dahil ito ang mga batayang midyum ng larangang ito.

A. Kaisahan
Ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan
ng isang komposisyon. Subalit may mga pagkakataon naang paksang ating gagawan
ng pagtalakay ay lubhang malawak at masaklaw. Isang halimbawa ay ang paksang
pag-ibig. Lubhang malawak ang paksang ito na nangangailangan ng paglilimita. Sa
paglilimita rito, maaaring paksain ang Ang Pag-ibig ng Diyos sa Tao. Sa ganitong
sitwasyon, hindi na maipapasok pa ang tungkol sa pag-ibig ng magulang sa anak, pag-
ibig ng lalaki sa babae at iba pa.
Buhat sa isang limitadong paksa, maaari na ngayong bumuo ng isang paksang
pangungusap na maaaring matagpuan sa alin mang bahagi ng talaan. Ito ang
mgsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap.
Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng isang komposisyon, kailangang
magkaroon din ng kaisahan ang ideya, layunin at tono sa pagsulat upang
mapagdugtong-dugtoong ang mga kaisipan nang malinaw at maayos sa
pamamagitan ng mga hiblang tagapag-ugnay.
Pansinin ang kasunod na ilustrasyon.

Makakatulong din sa pagpapanatili ng kaisahan ang semantic mapping bago


magsalita o magsulat. Sa pamamagitan nito, matitiyak na ang mga sumusuportang
detalye ay hindi lumalayo sa pangunahing kaisipan.

Pansinin ang kasunod na halimbawa:


B. Pagkakaugnay-ugnay o Kohirens

Ito ang aytem ng Retorika na tumutukoy sa pangangailangan ng kakipilan.


Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa isang komposisyon kung mahusay ang
pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay rito. Sa pamamagitan nito,
magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng komposisyon.
May mga salitang ginagamit upang magkaroon o kaya’y mapanatili ang ugnayan ng
mga salita at pangungusap sa komposisyon. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Paggamit ng mga panghalip na panao at mga panghalip na pamatlig.

Halimbawa:
Isa sa pinakamahalagang tuklas ng tao ay ang komunikasyon, kapag inalis ito, para
na nating pinahinto ang ikot ng mundo.

Nakilala ko ang isang babaeng nakahandusay sa ibabaw ng tulay, mataba siya,


gusgusin at maikli ang buhok.

2. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng karagdagan


Halimbawa:
Iyan ang ngiti- pampalakas-loob, pamawi ng lungkot, pang-alis ng alinlangan at
pamuno ng pagmmahal.

Bukod sa tatlong uri ng talata na binaggit kaugnay ng kanilang posisyon sa loob ng


sulatin o akda, may isa pang uri ng talata.

3. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat


Halimbawa:
Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan at ng mamamayan sa bansang ito ay
hindi lamang nagsasaad ng ligaya at tuwa.
Ngunit ni wala isa mang tuminag sa mga nakikiramay. Parang may kinakailangang
bagay na di inaasahang mangyayari.
4. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan
Halimbawa:
Dahil sa magandang pakikisama, nakaaamot paminsan-minsan ng kung ano-ano si
Aling Marites sa kapwa tinder.
Bunga nito ay may pagkakataong higit na pinapanigan ng alipin ang kanyang
Panginoon kaysa kapwa niya.

5. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunud-sunod ayon sa panahon.


Halimbawa:
Samantala sa halalang 1969, naulit na naman ang pagbangon ng mga patay para
makialam sa eleksyon.
Pagkatapos naming ubusin ang kalahating lata ng matatabang talaba, kaagad
naming pinuntahan ang sinasabi ni Mark.
6. Bukod sa mga nabanggit, makatutulong din sa pagpapanatili ng ugnayan ng
paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at maging ang pag-uulit ng mga
salita.
Halimbawa:

Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi. Sapagkat ang mga
palad na nagbigay at nandidiring mapadiit sa marurusing na palad na wari bang ang maninipis na
kamay lamang ang malilinis..

Maraming siga-siga sa Sapang Nabao. Ngunit pawang basta-basta lamang ang mga ito
kung ihahambing sa pagkakasiga ni Kleto. Si Kleto ang siga sa Sapang Nabao.

Sapul nang hapong makabili si Daniel ng sampaguita sa dalagang si Irene ay kung bakit
ang larawan ng magandang dalaginding na ito ay di maalis-alis sa kanyang gunita. Gabi’t araw ay
kanyang napapangarap ang dalaga. Oras-oras ay kinasasabikan niyang makita. Lahat ng ganda at
rikit ay nagdaan sa paningin ni Daniel buhat sa mababa hanggang sa mataas na lipunan, ngunit
ang katutubong ganda ni Irene ay tila bukod-tanging napasulat sa kanyang balintataw. Sa mga
unang sandal pa lang mamalas ni Daniel ang larawan ng mabait na dalaginding ay ganap nang
nagpaunawa na yaon ang gandang kanyang hinahanap.

Anu-ano ang mga salita na inuulit sa tatlong talata? Anu-ano naman ang mga salitang
magkakasingkahulugan ang mga ginagamit dito? Napansin mo ba ang mga ito?
Narito ang iba pang halimbawa ng talatang nagpapakita ng pagkakaugnay. Salungguhitan
ang mga salitang ginamit upang mapanatili ang ugnayan ng mga salita st pangungusap sa
loob ng talata. Ipaliwanag din kung ano ang ugnayang ipinakikita ng bawat salita.

Ang bawat taong isinisilang ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagamapanan sa


daigdig. Iba’t-iba sa bawat panahon. Sa unang pagkakita sa liwanag, nakapakaw na sa kanya ang
isang tungkulin bilang isang anak at kapag nagkaroon pa ng mga kapatid, nadaragdagan pa ang
tungkulin bilang kapatid. Gayundin sa panahon ng pagiging ama at ina. Kung bibigyan pa ng
mahabang buhay at sumapit na magkaroon ng apo, nakamit niya ang pinakamataas na
tungkuling pampamilya, ang maging lolo o lola.

- mula sa Tungkulin ng Tao


ni Dominador G. Tiamson

Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam ng pananghalian. Pagkakain


ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera.
Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil
sa malabis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang
makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap.

-mula sa Ang Kalupi


ni Benjamin Pascual

Inalok siya nang inalok at pinakaing mabuti ng kanyang ina. Animo’y nagkandagutom
siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang nasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa
ulam. Tipid na tipi dang subo ng kanin. Ang ulam nila’y kamatis at bagoong na may talbos ng
kamote, isang mangkok na burung mustasa at ilang pustang piniritong bangus. Maya’t maya’y
sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso’t pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa
buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkakaroon ng mumo sa dulang. Noong araw
hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsang isang buwang nilagang
karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki’y
dumarami ang subo ng mga bata, dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama’t ina. Siya naman
ay napapagaya na sa kanila.

- mula sa Kinagisnang Balon


ni Andres Cristobal Cruz
C. Diin o Empasis

Ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang


komposisyon. Mauuri ito ayon sa mga sumusunod:

1. Diin sa pamamagitan ng posisyon. Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang


pangungusap sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set ng mga pahayag
o talata. Kung gayon, ang pamaksang pangungusap ay maaaring matagpuan sa
unahan, sa gitna o hulihang bahagi. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
Pamaksang Pangungusap sa Unahan ng Talata

May kapanatagan ding dala ang kulay berde. Nakapagpapaalala ito sa atin ng kabukiran,
kabundukan at kagubatan, ng kalikasan at kasaganahan ng mapagpalang pagkalinga ng Maykapal
sa kanyang nilikha, gaya ng naantig sa atin sa pagtanaw ng malawak na kaparangan, matatayog
na bundok at mga burol na tila nagpapalinaw.

-mula sa Di Laging Pasko ang Berde


ni Rene Villanueva

Isa sa pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Dahil sa wika
ay nagkakaunawaan at nagkakalapit-lapit ang mga tao sa daigdig. Ito ang midyum upang
maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang anumang kanyang naiisip, nakikita at nadarama tungkol
sa kanyang paligid.

Paksang Pangungusap sa Gitna ng Talata

Isinilang si Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa isang dampa sa Tanauan, Batangas.
Nagmula siya sa isang angkang mahirap lamang. Ang kanyang mga magulang ay sina Dionisia
Maranan at Inocencio Mabini at bagama’t mga dukha lamang ay kapwa mga huwarang, magulang
sa Tanauan.

-mula sa ApolinarioMabini: Ang Utak ng Himagsikan


ni Rolando A. Bernales
Paksang Pangungusap sa Hulihan ng Talata

Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila, dinakip at ibinilanggo si Mabini
dahil sa kanyang labis na paghanga kay Andres Bonifacio. Nang siya’y palayain, agad siyang
umanib sa pangkat ni Emilio Aguinaldo at kaaluna’y naging kanyang tagapayo at kanang-kamay.
Simula noon, si Mabini ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
Ano nga ba?
-mula sa ApolinarioMabini: Ang Utak ng Himagsikan

Ang bahay ni Ka Inte ay matanda na ring kawangis niya, yari sa mga haluang sangkap,
ang mga haligi’y taga sa panahon, at batibot na tuwirang nilagare sa gubat; ang bubong ay siim;
ang mga dingding at sahig ay malalapad na tabling kulay ala-kastanyas. Nakatayo sa isang pook
na hindi kalayuan sa pinanggagalingang kagubatan. May sariling sakahan si Ka Inte, na minana
sa kanyang ama, na minana rin niyon sa kanyang mga nuno, ngunit ngayo’y wala siyang
mapagmanahan. Si Ka Inte ay hindi nag-asawa kailanman. Matanda na nga ang bahay ni Ka Inte,
matibay pa at matatag sa kabila ng hagupit ng panahon.

2. Diin sa pamamagitan ng proporsyon. Sa simulating ito, ang bawat bahagi ay


binibigyan ng proporsyunal na diin ayon sa halaga, laki, ganda, at iba pang sukatan.

Pansinin ang kasunod na seleksyon. Basahin ito at sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Anu-ano ang mga kasanagang paksa o sub-topics na tinlakay sa seleksyon?
b. Pare-pareho ba ang proporsyon ng diin ng mga kasangang paksa?
c. Ano sa palagay mo ang naging batayan o sukatang ginamit sa pagbibigay-diin dito?
Ako ang iyong inangbayan. Binubuo ako ng mahigit sa pitong libong pulo na
nahahati sa tatlong bahagi, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Sa lawak ng aking mga lupain
ay matatagpuan ang mga bukirin, bundok, gubat, ilog, lawa at look. Sa aking mga bukirin
ay makapagtatanim ng sarisaring halamang inyong mapag-aanihan ng mga pagkain. May
mga kayamanan ding makukuha sa mga kagubatan ko bagama’t mabiils na itong
nababawasan.

Oo, sagana ako sa mga likas na kayamanan. Ngunit higit sa lahat, lubha pang
mahalaga kaysa rito ay kayong aking mga anak. Kaybilis ng inyong pagdami at kaybilis din
ng inyong pag-unlad sa maraming bagay.

Nagugunita ko noong matagal nang panahong lumipas nang dumating sa aking


dalampasigan ang mga unang dayuhang maliliit, maiitim at may kulot na buhok. Sinundan
sila ng iba-iba pang dayuhang may kani-kaniya ring kultura. Ang pagsasalin-salin ng lahi na
naganap sa mahabang panahon ay nagbunga ng isang lahing maipagmamalaki sapagkat
sila’y matatapang, matiyaga at maibigin sa kalayaan. Nasubok ang kanilang katapangan
tuwing may magnanais na lumupig sa kanila. Ilang beses silang nasakop ng ibang bansa
subalit sila’y nagtagumpay rin at nakamit ang kalayaang kanilang minimithi.

Ako ang iyong Inangbayan. Ang aking kabuuan ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi.
Kayong mga anak ko, ang kayamanang tinatamasa ninyo, ang malayang pamahalaang
itinatag ninyo at ang lahat ng bagay na nasa paligid ninyo ay siyang aking kabuuan. Ako
iyon….ang iyong Inangbayan.

3. Diin ayon sa pagpares-pares ng mga ideya. Ang paglalahad ng mga ideya sa


pamamagitan ng pagpapares-pares ng mga ito ay nakapgbibigay ng malinaw na
pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay. Makatutulong ito sa
pagpapahayag ng barayti ng mga implikasyon.
Madali lamang maisagawa ito. Kadalasan, ang pagpapares-pares ng mga ideya ay
nagagawa sa pamamagitan ng paggamit ng salitang at at o.

Basahin ang kasunod na seleksyon at tukuyin ang mga ideyang pinagpares-pares dito.
Marahil ay hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang patuloy na pagyurak sa mga
karapatang pantao (human rights violations). Lahat ay nagkakaisa na maging hanggang sa
kasalukuyan ay umiiral ang ganitong Sistema at kalakaran sa ating lipunan. Ngunit ang
pagkakaiba ay nasa ginagawa ng bawat tao upang mapag-isa ang bayan tungo sa ikalulutas
ng suliraning ito. Kung gayon, kinakailangang magkaroon ng pagkakaisa ang mga palaisip
(thinkers) at mga palagawa (doers). Halimbawa, ang mga tinatawag nating academic
minds o intellectuals at maging ang mga spiritual pioneers o mga moralists kasama ang
iba’t-ibang sektor at indibiwal na kumikilos sa isyung ito ay dapat manguna bilang isa
upang maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang mga bagong ideya ng pagtanaw sa
realidad. Sa pamamagitan nito, ang isyu ukol sa pagyurak sa mga salalayang karapatang
pantao ay hindi magiging bukam-bibig at islogan na lang.

Sa ganitong kalagayan, ang pamamahayag ay maaaring gumanap bilang isang


epektibong midyum at instrumento sa ganap na kalutasan ng suliraning ito. Bilang mga
“mata” at “pandinig” ng daigdig, ang panulat ay may kapangyarihan upang imulat ang mga
mamamayan sa realidad na ito tungo sa ganap na pagtakwil sa ganitong umiiral na
sistema. Kung gayon, sa larangan ng pagpapataas ng antas ng kamalayan ng mga tao, ang
mahahalagang papel ay nasa balikat ng mga tagapaglathala at mga editor. Imbes na ilaan
ang maraming pahina ng mga pahayagan sa mga hindi makabuluhang pangyayari sa
midya, tulad ng mga hysteria o di kaya’y sa mga trivia, higit na maraming espasyo ang
dapat ilaan sa mga salalayang isyung panlipunan. Sa bahaging ito, ang responsibilidad ng
mga manunulat ay nasa pagkakawing at pag-uugnay ng mga epekto (effects) at mga
dahilan (causes) particular ukol sa isyu ng human rights violations.

Kung gayon, sa mga katulad nitong isyu, ang mga manunulat ay hindi lang dapat
mag-react sa mga pangyayari nang hindi naghahain ng patnubay. Sila ay dapat maglahad
ng mga solusyon sa mga krisis na ito at maging handa sa mga implikasyon ng kanilang
sariling paninindigan.

D. Hulwaran ng Teksto

May ilang hulwaran ng pagsasaayos ng teksto. Maari itong ibatay sa sikwensya ng


pangyayari, pagkasunud-sunod o kronolohiya ng mga bagay, kaayusan ng mga bagay sa
isang espasyo o sa lohika ng mga impormasyon o datos.
a. Sikwensyal. Sa hulwarang ang mga datos ay inaayos mula sa unang pangyayari
hanggang sa huli o kabaligtaran nito. Pansinin ang kasunod na halimbawa.
Ano ba ang panitikang likha ng EDSA o ang mga libro ng People Power? Masasagot
ito kung ating babalikan ang mga pangyayaring nagpapagalaw sa EDSA.

PInatay si Ninoy Aquino ng pamamahala ni Marcos. Umuwi ang kanyang byuda, Cory
Aquino. Ang pagpatay na ito ay nagpagising sa natutulog na bansa. Ang tila wala ng
pagkatinag na diktadurya ay unti-unitng humina. Tumawag ng isang snap election ang
diktador. Napilitan ang byudang kumandidato laban sa diktador. Siya na isa lamang housewife
ang ang humamon kay Marcos. Gustong dayain ng diktador ang biyuda. Muling nagising ang
mga tao. Dumagsa sa EDSA at doon, sa loob ng apat na araw, naganap ang hindi inaasahan.
Nagtagumpay ang mga tao. Nahirang na pinuno ng bansa si Corazon Aquino.

Ang estraktura ng istorya ng unang teksto ay natapat, halos detalye sa detalye, sa


pangyayaring lumikha sa pinuno na si Cory Aquino. Simula sa pagbabalik sa bayan, sa
pakikipaglaban hanggang sa maluklok sa kapangyarihang dala ng mga hindi inasahang
pangyayari, malinaw na nabuhaay ang modelo ng teksto sa katauhan.

-Mula sa Florante at Laura: Dikonstraksyon ng


pinuno ni Loline M. Antillon

b. Kronolohikal. Sa hulwarang ito, ang mga datos ay inaayos batay sa mga tiyak na
baryabol tulad ng edad, halaga, dami, o tindi. Pansinin ang kasunod na halimbawa.

Ang pag-iisang dibdib nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Relaonda ay
biniyayaan ng labing-isang anak- siyam na babae at dalawang laalki. Sila ay sina: Saturnina, ang
panganay sa magkakapatid na pinalayawang Neneng; Paciano, ang kuya ni Jose na kanyang
tinawag na Uto at naging ikalawang ama; Narcisa, ang ikalawang babae sa magkakapatid na
nakilala sa tawag na Sisa; Olimpia, ikatlo sa mga babae na may palayaw na Ypia; Lucia; Maria o
Biang; Jose na pinalayawang Pepe at naging pambansang bayani ng Pilipinas; Conepcion o
Concah na namatay sa gulang na tatlo; Josefa na kanilang tinawag na Panggoy; Trinidad o
Trining; at Soledad, ang bunso sa labing-isa at binansagang Choleng.

c. Espasyal. Sa hulwaran ito, ang mga datos ay inaayos ayon sa layo o distansya.
Maaring ang paglalarawan ng paksa ay mula sa taas paibaba o kabaligtaran nito,
loob papalabas o kabaligtaran nito, o malapit patungo sa malayo o kabaligtaran nito.
Pansinin ang kasunod na halimbawa.
Namangha na agad ako sa aking nakita pagkabukas ko pa lamang ng pinto. Tumambad
agad sa akin ang larawan ng karangyaan. Sa aking harapan ay tila nagmamalaki ang mga
naglalakihang antigong banga, baul at kung anu-ano pa. Sa likod niyo’y may malaking
eskaparateng kinalalagyan ng mga kagamitang porselana mula sa iba’t-ibang bansa. Sa kanan ng
eskaparate ay naghihintay ang mga upuan at lamesitang gawa ni Kenneth Cobonpue. Sa salas ay
matatanaw ang pasilyong patungo sa kusina kung saan nagaganap ang maliliit na pagtitipon.
Samantala, ang hardin sa labas niyo’y para naman sa mga pagtitipong pangmaramihan.

d. Lohikal. Ang hulwarang ito ay gamitin sa mga tekstong argumentatibo. Inaayos ang
mga datos sa hulwarang ito batay sa lohika, kung gayon, maaaring pasaklaw o kaya
ay pabuod. Pansinin ang kasunod na halimbawa.

Nakakikilabot ang mga ideya at teoryang ipinakikita sa Da Vinci Code. Halimbawa,


inilarawan doon si Hesus bilang isang tao at hindi Diyos na nagkarelasyon kay Maria
Magdalena. Inilarawan din sa nobela ang mga Opus Dei, isang ginagalang na kongregasyon ng
simbahang Katoliko, bilang mga mersenaryo at gahaman sa salapi. Ayon nga kay Vice Mayor
Danny Lacuna, ang pelikula raw at ang pinagbatayan nitong nobela ay offensive to the
established beliefs of the Roman Catholic Church. Mapanganib din ang mga ideyang
nakapaloob sa akda sa mga mamamayan. Maaaring akalain ng marami na paktuwal ang mga
ito bagama’t si Dan Brown, ang may-akda ng nobela, mismo ay umaming ang kanyang akda ay
kumbinasyon ng facts at fiction. Ang problema, where do we draw the line? Sa aklat man o
pelikula, hindi nililinaw kung alin ang paktuwal at kung alin ang piksyon. Sino ang aasahan
nating gagawa ng distinksyon? Ang mga karaniwang mamamayan? Kaya nga, sa ngalan ng
katotohanan at pagbibigay-proteksyon sa interes ng publiko, dapat lang na ipagbawal ang
distribusyon ng aklat na Da Vinci Code at ang pagpapalabas ng pelikulang baryon nito (RAB).

E. Ang Paggawa ng Balangkas

Isang sekreto upang matiyak ang isang komposisyon ay magtaglay ng Kaisahan,


Pagkakaugnay-ugnay at Diin ay ang maingat at matalinong pagpaplano nito. Ang paggawa
ng balangkas, kung gayon, ay isang teknik upang makamit ang mga nabanggit na aytem sa
pagsulat.
Sa Senior High School ay tiyak natalakay na ninyo kung ano ang mga balangkas at
ang mga uri nito. Balik-aralan natin ito:
Ang balangkas ay ang pinakakalansay ng isang akda. Ito ang pagkakahati-hati ng
mga kkaisipang nakapaloob sa isang seleksyon ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito.
Ang isang balangkas ay nahahati sa tatlong kategorya: dibisyon, sub-dibisyon at
seksyon. Ang ginagamit na pananda sa dibisyon ay mga Bilang Romano (I, II, III, IV, atbp.), sa
sub-dibisyon ay mga malalaking titik ng alpabeto (A,B,C, atbp.) at sa seksyon ay mga Bilang-
Arabiko (1,2,3,4, atbp.) Kung minsan (o maaaring kadalasan), may paghahati pa sa sub-
seksyon at mailiit na titik ng alpabeto (a,b,c,d, atbp.) ang ginagamit ditong pananda.
May mga balangkas na ring Bilang-Arabiko na ang ginagamit sa dibisyon, sub-dibisyon
at seksyon.
Halimbawa:
1. ________________________________ 2. _______________________________________
1.1. _________________________ 2.1._______________________________
1.1.1.______________________ 2.1.1._______________________
1.1.2._______________ 2.1.2________________
1.1.3_________ 2.1.3_________
May dalawang uri ng balangkas: Paksang Balangkas (Topic Outline) at Pangungusap
na Balangkas (Sentence Outline). Narito ang Paksang Balangkas ng kasunod na seleksyon:

I. Kahulugan ng Fraternity
A. Etimolohiya
B. Depinisyon
C. Ang Sorority at Confraternity
II. Mga Batayang Kaalaman Hinggil sa Fraternity
A. Uri
- Ito ay isang
B. uri ng tayutay na lantaran ang paghahambing ng dalawang bagay, tao,
Layunin
C. Katangian
III. Pahapyaw na Kasaysayan
A. Sinauna at Midyibal na Panahon
B. Sa Pilipinas
1. Fraternity of Odd Fellows
2. Freemason, Lodges
3. Katipunan
IV. Mga Adbentahe ng Pagsali sa Fraternity
A. Dahilan sa Pagsali ayon sa mga Kabataang Mag-aaral
B. Mga Kilala at Matagumpay na Taong Naging Miyembro ng Fraternity/Sorority
1. Sa Amerika
2. Sa Pilipinas
V. Mga Peligro ng Pagsali sa Fraternity
A. Frat Wars
B. Hazing
1. Mga Biktima ng Hazing
VI. Kongklusyon
Basahin ang kasunod na seleksyon na batay sa inilahad na balangkas at pansinin ang
mga kaisipang nakapaloob sa bawat talata upang maging handa sa pagbuo ng pangungusap
na balangkas nito.

Ang Fraternity: Isang Pagtitimbang-timbang


ni Rolando A. Bernales

Ayon sa Wikipedia.org, ang fraternity ay nagnggaling sa salitang Latin na frater na


ang ibig sabihin ay brother. Ang fraternity ay isang kapatiran, bagama’t ang terminolohiya
ay karaniwang nagpapahiwatig ng isang pormal na organisasyon at minsan ay isang
sekretong samahan. Ito ay isang organisadong samahan ng mga kalalakihan, isang
kapatirang dedikado sa intelektwal, pisikal o sosyal na debelopment ng mga miyembro
nito. Ang katumbas nito sa mga kababaihan ay sorority, at ang samahang kinaaniban ng
kapwa babae at lalake ay tinatawag naming confraternity.

Sa mga kolehiyo at pamantasan, ang mga fraternity ay mauuri bilang panlipunan,


panlingkuran, propesyunal at honorary. Ang mga ito ay inoorganisa para sa maraming
layunin. Ilan sa mga layuning ito ay may kaugnayan sa edukasyon o pag-aaral, trabaho,
etika, etnisidad, relihiyon, politika at minsan krimen. Ano’t ano man ang layunin,
makikilala ang isang fraternity sa pamamagitan ng mutual support ng mga miyembro nito
(Wikipedia.org).

Mauugat ang kasaysayan ng fraternity sa sinaunang Gresya at sinaunang Roma.


May mga kahawig ding institusyong nabuo bago matapos ang panahong midyibal na
tinawag na confraternities na samahang kaugnay ng simbahang Katoliko. May mga nabuo
ring samahan ng mga mangangalakal na tinawag na guilds. Ang mga samahang ito ay
kalaunanang nag-ebolb bilang mga purong secular na samahan (Wikipedia.org).

Dito sa Pilipinas, ang mga Espanyol at iba pang mananakop ay nagtatag ng ilang
pilosopikal at praternal na samahan noong 1850, ngunit ang mga ito ay eksklusibo lamang
sa mga Kastila o kanilang kalahi. Noon lamang 1872 lumaganap ang Fraternity of Odd
Fellows sa Pilipinas. Sinundan ito ng Freemason noong 1877 na dinala rito ng mga
Amerikano. Itinatag din ang mga lodges ng mga Piliipino ay ang Katipunan. Naging
pangunahing layunin ng samahan ang magkamit ng kalayaan mula sa mga Espanyol sa
pamamagitan ng rebolusyon (wiki.answers.com).

Sa kasalukuyan, may iba’t-ibang dahilan ng pagsali sa mga fraternity na karamihan


ay nakabase sa mga pamantasan o kolehiyo. Sa mb.com.ph, sinagot ng ilang kabataang
mag-aaral ang tanong na Why do young people join fraternities despite the known risks?
Ayon kay Tristan Zantua ng UST, kapangyarihan at proteksyon ang pangunahing dahlia ng
pagsali ng maraming kabataan sa mga samahang ito. Ayon kay Rchel Geronimo ng UST,
seguridad at suporta ang kadalasang dahilan lalo na ng mga estudyante ng LAW. Isa ring
dahilan ang pagpapalawig ng propesyunal na network, ayon kay Jose Miguel Perez ng UE.
May mga sumasali rin daw para lamang magmukahng astig, ayon kay Myka Cruz ng CEU.
Halos pare-pareho naman ng opinion sina Abigail Reyes ng AdMU, Jermain Sy ng DLSU,
Monica Dugenia ng UP, Paula Arnedo ng DLSU at Jonathan Mendoza ng MIT. Ayon sa
kanila, sense of belonging o need to fit in ang pangunahing dahilan. Brotherhood at legacy
naman ang nakikitang mabubuting dahilan ng pagsali sa mga ito nina Maricon Lorenzo ng
DLSU, Mary Grace Petil ng UA&P, Gezela Tnadez ng UP at Kristine Ponciano ng PLP.

Marami nang matagumpay at kilalang lider o personalidad ang naging miyembro


ng mga fraternity o sorority. Sa Amerika, ilan sa mga halimbawa ay sina si Bill Clinton
(Alpha Phi Omega), George Bush (Delta Kappa Epsilon), Martin Luther King, Jr. (Alpha Phi
Alpha), Condoleenza Rice (Alpha Chi Omega) Franklin Roosevelt (Alpha Delta Phi), Neil
Armstrong (Kappa Kappa Psi) at Pat Riley (Sigma Nu) (www.onlinecollege,org). Dito sa
Pilipinas, karamihan sa mga kilalang tao sa politika, negosyo at iba pang larangan ay
tinaguriang dating mga frat boys/girls. Ilan sa mga halimbawa, karamihan ayon sa
newsinfo.inquirer.net, ay sina Jejomar Binay (Alpha Phi Omega), Juan Ponce Enrile (Sigma
Rho), Serafin Cuevas (Sigma Rho), Renato Corona (Utopia), Nepatali Gonzales II (Aquila
Legis), Franklin Drilon (Sigma Rho), Edgardo Angara (Sigma Rho), Joker Arroyo (Upsilon
Sigma Phi), Pia Cayetano (Delta Lambda Sigma) at Persida Acosta (Epsilon). Ang tagumpay
ng mga taong ito at ng iba pa ay isa ring pang-akit ng kani-kanilang samahan upang
makapag-recruit ng mga bagong miyembro o neophyte at motibasyon o inspirasyon din
ito ng mga nasabing miyembro.

Samantala, may mga tutol naman sa pagsali sa mga fraternity. Pangunahing


dahilan nila ay ang peligrong dulot nito. Karahasan ang nangungunang peligro ng pagsali
sa mga samahang ito. Karaniwan na ang tinatawag na frat wars ng mga
magkakatunggaling fraternity na minsan ay humahantong sa rambol sa loob at labas ng
mga kampus. Halimbawa, ayon sa wikipilipinas.org, dalawampung (20) pamamaril na
nauugnay sa mga fraternity ang naitala ng kapulisan sa gitnang lungsod ng Mandaue
noong Enero hanggang Agosto, 2006. Isa pang peligro ay ang marahas na ritwal sa pagsali
nito. Ito ang tinatawag na hazing. Sa kabila ng pagpasa ng batas noong 1995 laban sa
hazing (R.A. 8049), patuloy na humahaba ang listahan ng mga biktima ng hazing. Marami
na ang nasawi dahil ditto. Bawat isa sa kanila ay may pamilyang naulila at ang bawat isa
ay may pangarap na hindi natupad, may kinabukasang nasayang.

Sa philippinehazing.blogspot.com at newsinfo.inquirer.net ay itinala ang ilan sa


mga kabataang nasawi sa hazing na nalathala sa mga likal at/o pambansang pahayagan.
Ilan sa kanila ay ang mga sumusunod: 2008- Chester Paulo Abracias ng Enverga University
(Tau Gamma Phi); 2009 – Elvis Sinaluan at Glacy Monique Dimaranan (Scout Royal
Brotherhood), at John Daniel Samparada ng Lyceum of the Philippines (Tau Gamma Phi);
2010- EJ Earl Intia ng University of Makati (Alpha Phi Omega), Noel Borja na isang estudyante
ng Alternative Learning System (Tau Gamma Phi) at Menarda Clamucha ng University of Iloilo)
Kapatiran ng mga Kabataang Kriminolohiya); 2011- Nor Silongon ng Notre Dame of Tacurong
College (Tau Gamma Phi) at isang anonimong biktima mula sa West Negros University (Tau
Gamma Phi), 2012- Marc Andre Marcos ng San Beda College (Lex Leonum) at Marvin Reglos
ng San Beda College (Lambda Rho Beta). Marami pang ibang biktima ang hindi dokumentado.
Karamihan sa mga biktima, mapadokumentado o hindi, ay naghihintay pa rin ng katarungan
hanggang sa kasalukuyan.

Ang pagsali o hindi pagsali sa isang fraternity ay isang personal na desisyon.


Nangangailangan ito ng taimtim na paglilimi at kailangang ibatay ito sa mabuti at tamang
dahilan at sa mga mahahalagang konsiderasyon. Kailangan ding gawin ito nang may pag-
iingat, at hanggat maari, nang may gabay ng mga taong mahal natin sa buhay.

-mula sa http://rabernalesliterature.com

You might also like