You are on page 1of 2

Chris Gabriel V.

Ucol
12 STEM 1 – St. Margaret of Scotland

EduAksyon Laban Sa Pandemya: Ligtas na


Balik-Eskuwela, hindi Academic Freeze

Sa matarik at makurbang daan ng edukasyon, paano tatahakin ng isang indibidwal ang hamon
nito kung nakakabit sa kanila ang malamlam na kalagayan, kung saan kahirapan at karukhaan
ang kanilang kaagapay? Paano makaaabot ang isang mag-aaral sa rurok ng katagampuyan
kung ang kalsada ng sistema ay baluktot at mabato?

Ang biglaang pagbabago sa sitwasyon ng edukasyon sa bansa mula sa pisikal na interaksiyon


hanggang sa mundong birtuwal, kasabay nito ang pagtawag sa tinatawag na Academic Freeze.
Habang patuloy tayong sinasalakay ng isang hindi nakikitang kalaban — COVID-19 — ang
internet, bilang isang paraan sa pag-aaral, ay naging isang praktikal na opsiyon. Gayunpaman,
para sa mga nakararanas ng labis na kalupitan ng kahirapan, ang akses sa internet ay
magsisilbi lamang pasanin, kaya't karamihan sa kanila ay iisa lamang ang sigaw, iisa lamang
ang palagay sapagkat biktima sila ng mapaniil na sistema ng edukasyon.

Ang panawagan para sa Academic Freeze ay magsisilbi lamang bilang pansamantalang


remedyo o 'band-aid' na solusyon sa kasalukuyang dinaranas ng ating bansa. Ang paghahatid
ng tamang pagtugon upang labanan ang hamon ng bagong normal ay magiging mabagal at
makupad lamang kung hahayaan nating mangibabaw ang panawagang ito. Isa lamang itong
balakid sa pagtupad ng pangmatagalang polisiya. Isa pa, gagamitin lamang ito ng ilang opisyal
at lokal na pamahalaan bilang pagdadahilan o excuse upang isawalang-bahala ang pagbibigay
ng matulin na kalutasan.

Bilang karagdagan, ito ay kakatig lamang para sa mga mag-aaral sapagkat ang sakop lamang
nito ay ang kabuuan ng mga estudyante kung ito ay ipatutupad. Kung kaya’t, malalagay lamang
sa alanganin ang sektor ng edukasyon, kung saan bahagi ang kaguruan. Maiiwan lamang sa
ere ang kaguruan; tila papasanin nila ang krus at maipapako sila sa mga pangakong hindi
natutupad at nasusuklian.

Bukod sa kaguruan, magiging biktima rin ng Academic Freeze ang mga kawani ng mga
paaralan, boarding house landlords, mga kainan o karinderya, computer shops, at iba pang
sektor na may koneksiyon sa edukasyon. Samakatwid, magiging sanhi ang Academic freeze sa
mapeperhuwisyo ang mga lumiliit na ekonomiya, lalong-lalo na yaong nakatatanggap ng
kakarampot na kita dahil sa kawalan ng hanapbuhay o pagkakakitaan.

Sa halip na Academic Freeze, mas makabubuti pa rin kung titingnan ng gobyerno ang mas
masistematiko at maayos na polisiya, ang “Ligtas na balik-eskuwela.” Ito ay mananawagan sa
pamahalaan upang isakatuparan ang makamasa, siyentipiko, inklusibo, at
makanasyonalismong edukasyon, kasama na ang ligtas na pasilidad at komprehensibong
contact tracing at mass testing. Kasama rin dito ang paglalaaan ng sapat na pansin at pondo sa
mga kagamitan sa pag-aaral o learning resources sa mga mahihirap, walang sapat na
kakayahan, at malalayong lugar o remote areas.

Layunin din ng “Ligtas na balik-eskuwela” ang maibalik muli sa normal ang lahat, lalong-lalo na
ang interaksiyong Face-to-Face. Nakasaad din sa ideya ng nasabing panawagan na ang klase
ay babalik at magaganap lamang kapag ang mga kaso ng COVID-19 ay napatag at nakontrol
nang mabuti. Kung gayon, garantisado ang hindi pag-iral at paglobo ng pagkalat.

Ang kagustuhang maibalik sa normal ang sistema ay hindi pagmamasama sa Academic


Freeze, bagkus, ito lamang ay panawagan sa pang-matagalang solusyon, sa halip na takpan
lamang ang mga butas. Ang Academic Freeze ay isa lamang tugong panakip-butas at tiyak na
iikot lamang nang iikot ang sitwasyon hanggang sa maupod ang tulis ng kalidad ng edukasyon.
Mas naaayon pa rin kung ang ating mga lider na ikonsidera at pangalagaan ang karapatan ng
lahat, karapatan ng mga mag-aaral, kaguruan, at iba pang bahagi ng sektor ng edukasyon sa
pagtamo ng makalidad na edukasyon at makataong pagtrato.

Mga Sanggunian:
Bongabong, R. A. (2020, September 22). The Band-Aid Solution. Issuu.
https://issuu.com/beaconpublications/docs/newsmag2020final_01/s/11028184
Magsambol, B. (2020, November 18). DepEd rejects anew calls for academic freeze.
RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/deped-response-rejects-new-calls-academic-freeze-
due-typhoons
Navarosa, D. B., & Fernando, C. L. (2020, October 24). Education in the New Normal: A Closer
Look at the Philippines’ Learning Solutions Amidst the Pandemic. Medium.
https://medium.com/.../education-in-the-new-normal-a...

You might also like