You are on page 1of 1

Basahin ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay.

Finish Line
Abril,2005 nang makapatapos ako ng kolehiyo,BSE,nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na
sina Aling Auring at Mang Primo. Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok
sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang bagyong signal kuwatro. Kung hihilahin pabalik ang
nakaraan, ako'y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap makapasa sa entrance exam sa
RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa
qouta course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik ako ngunit wala akong
duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka-GMA telebabad). Nakapasa ako. Namuhay
nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga propesor para sa ulat at grado.
Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong hinabol. Hinabol ko ang
pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila noon. Humahabol ako
sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking mga
kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako'y nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na rin
ako. Nalimutan ko kasi noon ang akin ID. Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol
upang marating ang finish line. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan--- ang
diploma ko. Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban. Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa
aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang aking paghahabol, "Sir, kaya
pala lagi kang pawisan sa harap ng klase," biro pa ng mga mambobolang Filipino major. "Parati
tayong may hinahabol. Iyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng
paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong guro pero babalik at
babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong mag-aaral.
Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili," dagdag-hirit ko sa
kanila. "Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas."

You might also like