You are on page 1of 2

Kasaysayan ng wikang pambansa

Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng


pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran at
maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.
Oktubre 27, 1936- Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea,
sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad
at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
Batas komonwelt blg.184: mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa
layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral
na wika. “ang wikang Tagalog ang pinili upang gawin salitang pambansa sa pamumuno ni
Jaime C. de Veyra”
Mga impluwensya bakit napili ang tagalog na gawing wikang pambansa:
1. Sinasalita ng maraming tao ang tagalog
2. Hindi nahahati sa mas maliliit at hiwa hiwalay na wika
3. Mas masaraming aklat ang nakasulat sa tagalog kaysa sa ibang mga Diyalekto
4. Wika ng maynila (Kabiserang pampolitika at pang ekonomiya ng bansang pilipinas)
5. Wika ng himagsikan at katipunan.

1950- Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso
tungong Agosto.

1956- naging opisyal ang pagsalin sa wikang filipino ng pambansang awit ng pilipino
1959- nakilala ang wikang tagaloh bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga
Tagalog.
Saligang Batas noong 1973- panibagong pambansang wika na papalit sa Pilipino ay isang
wikang tinatawag na Filipino.
1986- kinilala ang pambansang wika ng filipinas ay filipino
Ebolusyon ng wikang pambansa wila ng Pilipinas
Disyembre 30, 1937- Tagalog ang Batayan ng wikang pambansa.

1940- Ipanag utos na ituro ang salitang Tagalog sa pribadong paaralan at pribadong institusyon
1940- Ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino
1987- Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na
nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong
sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o
Tagalog.

You might also like