You are on page 1of 1

Reaching the Star

Prologue

Halos lumipad na ako sa nilalakaran ko. Sinong hindi, ilang minute na lang at malelate na ako sa klase ko.
Hindi ako pwedeng malate lalo’t ang professor ko sa araw na ito ay si Ms. Balyena, este Valiara pala.
Ayaw na ayaw noong may nalelate sa class niya. Isa pa, ako ang nakatoka na magrereport ngayong araw.

Hindi pa man nagsisimula ang araw ko ay pawisan na ako sa pagmamadali. Bitbit ko pa ang research
paper kong pinagpuyatan ko kagabi. Kung bakit kasi hindi ko na rinig na nag-alarm ang alarm clock ko.
Patuloy ako sa pagsingit sa mga naglalakad ding mga estudyante. Maya’t maya rin ang tingin ko sa wrist
watch ko.

Sa hindi inaasahan ay may nakabunggo akong tao. Grabe kala mo ay pader ang nabunggo ko dahil sa
tigas ng dibdib nito. Sa lakas ng impact ay napaupo ako at nabitawan ang mga dala ko.

Kung minamalas ka nga naman. Pero hindi ko na ininda ang sakit na naramdaman ko sa bandang
buwitan ko at agad akong kumilos.

“Sorry, sorry. Malelate na kasi ako.” Bukambibig ko habang nagmamadaling pulutin ang mga nabitawan
kong gamit. Hindi ko na nga tiningala ang taong nakabungguan ko.

“It’s ok. Here, let me help you with that.” Napatigil ako sa pagpulot ng mga gamit ko nang marinig ko ang
boses niya. Undestatement kung sasabihin kong familiar ang boses niya dahil lahat naman ay kilala ang
boses na iyon. Samantalang ang taong nakabunggo ko ay nakikita ko sa peripheral vision ko na
nagpupulot ng iba kong gamit. At hindi nga ako nagkamali. Si Railey Mendoza nga ang taong iyon.
Nagtataka kayo kung sino siya? Ayaw kong sabihin. Itanung ninyo sa kanya.

“Here.” Napabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit siya. Shete, hindi ko napansin na nasa harap ko na
pala siya.

“T-thank you. P-pasenxa na.” Yes na uutal ako.

“It’s ok. Let me help you stand.” Aniya.

At yun nga nakatayo ako sa tulong niya. Feeling ko ay nag-slow-motion ang paligid. Yung tipong
pakiramdam ko ay may sumasaliw na love song sa paligid habang yung paningin mo sa kanya ay
nagliliwanag.

“Hey, are you ok?” Just with that nabalik ako sa normal.

“Ha? Ah, eh y-yes, I’m ok. Pasensya ka na ulit.”

You might also like