You are on page 1of 11

11/

12
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
LARANG 11/12
(AKADEMIK)

MODYUL 3

Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng


kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39

1
Aralin
3 Halimbawa ng Iba’t ibang Uri
Akademikong Sulatin

MELC: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39
I. ALAMIN

A. Panimula
Mahalagang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang sulating pang-akademiko.
Sa modyul na ito ay ipapakita ang mga halimbawa upang maging gabay sa mga susunod pang
mga aralin at upang magkaroon ng paunang ideya sa paraan ng pagsulat ng mga ito.

B. Pagtalakay

Mga Halimbawa ng mga Akademikong Sulatin

1. ABSTRAK

Angelo D. Aluyen, Julie Ann A. Calibuso, Cristina B. Madronio, Jovito G. Toralba, Janet M. Taban, at Joyce E. Nacis
““MUNGKAHING INOBATIBONG GAWAIN SA PAGTUTURO NG BUHAY AT MGA AKDA NI RIZAL”Urdaneta City
University”, Mayo 29, 2018.

(Gerdalitz G. Mingarine)
Tagapayo

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang maging lalong mas kawili-wili ang pagtuturo ng Buhay at mga Akda ni Rizal sa
kasalukuyang panahon na siyang makatutulong upang mas lalong kawili-wili interaktibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral
sapagkat ito ay patok sa kanilang panlasa.
Iminungkahi rin sa pag-aaral ang mga angkop na kagamitang pampagtuturo at estratehiya na siyang nakabase sa ika-
21 na siglo sa pagtuturo ng nasabing asignatura upang maging mas makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa
kanilang kawilihan o kagustuhan.
Ginamit sa pag-aaral ang disenyong diskriptib upang mailarawan ang mga tinukoy na salik ng mga suliranin. Ang pag-
aaral na ito ay nakatuon sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Rizal sa Urdaneta City University (UCU). Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng “complete enumeration” tumutukoy ito sa kabuoang bilang ng mga guro na ginagamit para sa
layunin ng pananaliksik. Ito ang ginamit ng mga mananaliksik sa kadahilanang ang mga respondent ay may kakaunting bilang
lamang. Sila ay may bilang na labing anim (16) na mula sa Departamento ng Filipino at Social Studies.
Batay sa mga kapasiyahan, ang mga sumusunod na kongklusyon ay nalikha: 1.) Ang mga Mungkahing Inobatibong
Gawain ay binubuo ng mga paksa o gawain na humahamon sa pagiging mapanlikha, mapanuri, may kakayahang magtimbang
ng mga kaisipan, makabago, lumilinang sa kasiningan sa pag-arte at paghuhusga ng mag-aaral. 2.) Ang lebel ng katanggapan
ng mga gurong respondent sa Mungkahing Inobatibong Gawain sa ay Napakahusay sa mga krayteryang Nilalaman o Content,
Pagkamalikhain o Creativeness Inobatibo o Innovative at Kagamitan o Usefulness.
Batay sa natuklasang mga impormasyon sa mga datos na nakalap, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod upang lalo pang malinang ang kahandaan sa paggawa ng mga inobatibong gawain: 1.) Iminumungkahi ng mga
mananaliksik na gamitin ang Mungkahing Inobatibong na taglay ang mga katangian ng pagiging inobatibo na may malaking
tulong sa mga guro sa pagtuturo gayundin sa mga mag-aaral sa kanilang magaan na pagkatuto. 2.) Ipagpatuloy ang pagrebisa
ng mga gawain kasabay ng pagbabago ng panahon at kurikulum na angkop sa gamit nito sa mag-aaral o pagdadagdag ng mga
ilang gawain na lilinang sa kanilang kasanayan. 3.) Magkaroon pa ng kaugnay na pag-aaral tungkol sa mga mungkahing
inobatibong gawain na naayon sa panibagong kurikulum na hindi lamang nakatutulong sa mga susunod na mananaliksik kundi
maging sa mga guro at mag-aaral.

2
2. LARAWANG-SANAYSAY
Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago ngunit ang kaalaman na kailangan
nating matutunan at linangin ay matatagpuan sa mga aklat na siyang huhubog at magiging gabay
natin sa ating pagkatao.

Ang aklat ay isang kayamanang ating maibabaon sa ating isipan at maipagmamalaki


magpakailanman.

(Kuha at ideyang paksa ni Mhel V. Dulos, mag-aaral ng LMNHS.)

3. LAKBAY-SANAYSAY

(Gawa ni Harvey Flores, mag-aaral ng LMNHS.)

3
4. BUOD AT SINTESIS
TATA SELO
Ni: Rogelio R. Sicat
KASUKDULAN – Dumating ang alkalde kasama ang hepe at ipinasya nito na mag-usap sila ni
Tata Selo sa tanggapang ito. Tinungkod daw ng tinungkod ng kabesa si Tata Selo habang
nagmamakaawa kaya biglang nataga ng matanda ang Kabesang Tano. Sinabi pa ng matanda
na malakas pa at siya at kaya pa niyang magsaka kaya hindi siya dapat paalisin sa bukid.
Ngunit hindi pinansin ng alkalde ang paliwanag ni Tata Selo. Nang makaalis ang alkalde,
naiwan si Tata Selo sa alkalde. Muli ay nagpaliwanag ang matanda ngunit bigla na lamang
sinuntok, sinikmuraan at binatukan ng hepe ang matanda. Hindi man lamang ito nahabag sa
kaawa-awang kalagayan ng matanda.

SAGLIT NA KASIGLAHAN - Dumating ang binatang


anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque at
nagpaliwanag si Tata Selo sa binata na inaagaw ang
kanyang saka at wala iyon lamang ang bumubuhay sa
kanila. Dagdag pa nito ay kanila daw ang lupang ito,kung
hindi man niya ito mabawi,gusto ng matanda na siya na
lamang ang magsaka dito.
KAKALASAN - Sa ikalawang araw sa istaked
ni Tata Selo,sinabi na ng alkalde na siya ay
dadalhin sa kabesera at doon makukulong
SIMULA - Sa pagtaas ng araw, kumalat na ang balitang nang panghabambuhay. Ngunit sinabi na
tinaga at napatay si Kabesang Tano ni Tata Selo. lamang ni Tata Selo na patayin na lang din
Maraming tao ang nagkakagulo para lamang makalapit siya.
saistaked. Hindi makapaniwala ang lahat sa nagawa ng
matanda.
WAKAS - Dumating ang anak nitong si
Saling at ang isang bata na animo’y
nagpapalakas ng loob ni Tata Selo,ngunit
Tagpuan – Bukid at presinto pinapauwi na lang ni Tata Selo ang
dalawa. Ikaapat na ng hapon at habang
nakakapit sa rehas at nakatingin sa
labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha
Mga Tauhan – Ang mga tauhan ay kinabibilangan nina
na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay
Tate Selo, Kabesang Tano, ang Alkalde, ang Hepe at si
kinuha na sa kanila…
Saling
5. BIONOTE

JUAN C. DELA CRUZ

Nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya sa Urdaneta City University,


Urdaneta City,
Master in Education Medyor sa Filipino sa LNUsa Dagupan City. Kasalukuyan siyang
nagtuturo sa Pangasinan State University, Kolehiyo ng Sining at Agham, Kagawaran ng mga
Wika. May-akda siya ng mga aklat na Pagpapahalagang Pampanitikan, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik,, Sining ng Komunikasyon Pang-Akademiko, Pagbasa at Pagsulat sa
Masining na Pananaliksik, at Masining na Pagpapahayag Tungo sa Pagpapaunlad ng
Kasanayan sa Pananaliksik at Pagsulat.

4
6. TALUMPATI
PAMPASIGLANG MENSAHE (Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2016) – Isang Talumpati

FILIPINO: WIKA NG KARUNUNGAN.

Isang magandang Araw sa ating lahat! Sa mga guro, panauhing pandangal at sa mga kapwa ko
mag-aaral.

Sa patuloy na pagbabago ng panahon at ating lipunan ay marami na ang mga nakakaligtaang mga
kultura lalong-lalo na sa ating mga Filipino.

Ang Pilipinas ay binubuo ng isang daang libo at pitong isla, labimpitong rehyon, isang daan at
pitumpu’t limang mga wika at walumpu’t pitong pangunahing wika kasama na ang dito ang ILOKO
at PANGASINAN ay nagpapatunay na mas maliwanag pa sa sikat ng araw na ang wikang Filipino
ay kasangkapan sa pagdukal ng karunungan.

Sa pagdiriwang natin ng BUWAN ng Wika, huwag nating kaligtaan na ang Pambansang Wika ay
dapat magsilbing bigkis na makapagbubo sa atin bilang Filipino. Mahalin, tangkilikin at gamitin sa
pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat ito an gating daan tungo sa maayos na
pakikipagtalastasan. Ito ang tulay upang tayo ay magkaisa at maging matagumpay sa bawat
Gawain na nais nating marating.

Habang ang mundo ay patuloy sa kanyang pag-ikot, hindi rin hihinto ang Wikang Filipino sa
paghahatid at pagbabahagi ng karunungan sa bawat Filipinong nagmamahal sa kanyang sariling
wika.

MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO! MABUHAY TAYONG LAHAT!

7. KATITIKAN NG PULONG

Agenda: Tupad Program


Mga dumalo: Brgy. Council
Mga hindi dumalo: Juan Dela Cruz
Napag-usapan:
1. Mayroong isang lider sa bawat purok ng barangay. Isang kagawad ang tatayo na lider sa
bawat barangay.
2. Magkakaroon ng oras at grupo ng paglilinis sa bawat sulok na mapupuntahan.
3. Ang bawat isa ay magdadala ng kaniya-kaniyang kagamitan sa paglilinis.
4. Ang mga magiging kasamahan sa programang ito ay ang mga 4Ps.
5. Bawat grupo ay bubuo ng kanilang dokumentasyon.

5
8. PANUKALANG-PROYEKTO

PANUKALANG PROYEKTO
I. PAMAGAT NG PROYEKTO: Adopt-a-School Program (MGA PARAAN NG
PAPEPRESERBA NG PAGKAIN AT PAGGAWA NG YEMA)
II. PETSA: Agosto 4, 2019
III. LUGAR: Luciano Millan National High School
IV. TAGAPAGSANAY: Criselda A. Laroco (Guro)
V. MGA KASAPI: Mga guro at mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng LMNHS.
VI. LAYUNIN:
1. 1. Maibinhi ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pakikiisa, pagkamagalang at
disiplina
2. Makalahok nang aktibo sa mga gawain.
3. Matuto at makasunod sa iba’t ibang paraan sa pagpepreserba ng mga pagkain at
paggawa ng yema
VI. MGA GAWAIN SA PALATUNTUNAN:
1. Pagpapatala
2. Pambungad na Panalangin
3. Demonstarsyon/Lektyur
4. Pangwakas na Panalangin
5. Pagtataya sa isinagawwang gawain
VII. AHENSYANG PAGKUKUNAN NG BADYET/INSTITUSYON: Kagawaran ng
Edukasyon
VIII. MGA KAHINGIAN NG PAGBABADYET:

GAWAIN INPUT KWANTITI HALAGA KABUOAN

Mga Paraan ng Plastik na lalagyan 5 piraso P 15.00 P 75.00


Pagpepreserba ng
mga Pagkain at Papel na Kupon 50 piraso P .50 P 25.00
Paggawa ng Yema (Maigsi)

Gatas na Kondensada 5 Lata P 30.00 P 150.00

Mani 3 Leche P 30.00 P 90.00

Corn Starched 1 Balot P20.00 P 20.00

Plastik na Pambalot sa 10 piraso P 10.00 P 100.00


Yema
2 Leche
Asukal P 15.00 P 30.00
Kabuoan P 120.50 P 460.00

6
9. POSISYONG-PAPEL
Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino Bilang mga Sabjek sa Kolehiyo Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
18 Hunyo 2014

1. Kaming mga Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay matinding tumututol sa


pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang Filipino sa General Educaton Curriculum ng
Commission on Higher Education ( CHED ) sa pamamagitan ng ipinalabas ng CHED Memorandum
Order No. 20, Series of 2013. Naniniwala kaming ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20,
Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang
mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.

2. Narito ang aming batayan.

3. Una, tinatanggal nito ang katiyakan ng magamit at maituro ang wikang Filipno sa kolehiyo. Ang
pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa Ingles o Filipino ay mapanlinlang. Mula
sa umiiral na sitwayon may tiyak na siyam na yunit ang wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang
kapalaran ng wika sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro’t mag-aaral,
gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob at labas ng akademiya. Ang kunwa’y paglalatag ng mga
kursong GE na maaaring ituro kapwa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang
wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ay imaheng “ wika ng edukado” at
“ wikang susi ng kaunlaran.”

4. Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng Wikang Filipino bilang isang lehitimong dominyo ng
karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang ang Filipino, kahanay ng Ingles, bilang
midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala ng ganitong pagtingin ang integridad ng wikang Filipino
bilang ganap na dominyo ng karunungan at isa ring paraan ng pag- unawa sa lipunan at sa mundo, at
kung gayon, nag-aambag sa pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.

5. Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng karahasang
pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kabihasnang tanging wikang
Filipino ang makapagpapaliwanag. Ang pagsisikap ng ating mga ninuno sa pagkilala sa galing at
integridad ng lahing Filipino ay mapapaalis kung hindi ito maipakikilala sa wikang nakakaunawa ng
pasakit at pakikipagsapalarang ibunuwis nila, makamit lamang ang kasarinlan.

6. Kaya kaming guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino, kasama na kaming mga
kapwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang nagmamahal sa wika at kaalamang Filipino ay
naninindigang dapat ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa antas ng tersyarya.

7. Ibasura ang CHED Memorandum Order No.20. Series of 2013.

https://manilatoday.net/pahayag-para-sa-pagpapatibay-ng-wikang-filipino-bilang-mga-sabjek-sa-
kolehiyo/

7
10. REPLEKTIBONG-SANAYSAY

Pagsusuring Ideolohikal sa Dekada ‘70

Tatangkain sa pag-aaral na ito na balangkasin ang ideolohiyang mahahalaw sa nobelang Dekada ’70.
Nakaugat ang pag-aaral sa paniniwalang pampanitikan na ang malikhaing pagsusulat ay isang pagbubunyag
ng sarili ng manunulat yamang siya ang katatinuhang namamahala sa akdang pampanitikan. Samakatuwid,
kasasalaminan ng pananaw sa buhay ng manunulat ang kaniyang akda. Sa patalinghagang pagtuturing, ang
nobela ay maipapalagay na isang tala ng sariling pagbabayuhay na ideolohikal ng nobelistang si Luwalhati
Bautista. Ang hayag na kamalayan niya ang ating nakakaharap sa pagbasa ng nobela. Ang sarili ring
kamalayan ang kaniyang nagagagap sa kaniyang paglalarawan at pagsasaanyo ng kaniyang karanasan.
Anupat ang pagsulat ng siya niyang nagiging kaparaanan upang makilala ang sarili-ang kaniyang mga
dalumat at damdamin. Sa pamamagitan ng pagsulat masasabing nilikha ng manunulat ang kaniyang sarili at
inaasahan ng kaniyang lipunan.

II. MGA GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Magsaliksik ng halimbawang larawan ng mga sumusunod na akademikong sulatin. Ito ay


maaaring iguhit, kopyahin, o ilimbag at ilagay ang mga halimbawa sa isang kupon.

1. Bionote 6. Katitikan ng Pulong


2. Buod at Sintesis 7. Lakbay Sanaysay
3. Abstrak 8. Larawang Sanaysay
4. Talumpati 9. Posisyong Papel
5. Panukalang Proyekto 10. Replektibong Sanaysay

Pamantayan:
Puntos
Kaangkupan ng Paksa 5
Kaayusan 3
Pagkamatapat(Pagkilala sa mga pinagkuhanang 2
sanggunian)
KABUOAN 10 puntos

8
Gawain 2

Panuto: Punan ang talahanayan ayon sa hinihinging mga datos.

Akademikong Sulatin Layunin Paliwanag

Pamantayan:
Mensahe ng Ideya 5 puntos
Kaugnayan ng Paksa 3 puntos
Kalinisan, kaayusan, kahusayan 2 puntos
KABUOAN 10 puntos

Gawain 3
Panuto: Saliksikin ang maikling kuwento ni Benjamin Pascual na pinamagatang
“Ang Kalupi”. Ibigay ang pagsusuri sa kuwento sa pamamagitan ng sentesis.

Mga Tauhan: Tagpuan:


Ang Kalupi
ni Benjamin Pascual

Kasukdulan: Suliranin: Simula:

kakalasan: Wakas: Aral:

Pamantayan:
Mensahe ng Ideya 5 puntos
Kaugnayan ng Paksa 3 puntos
Kalinisan, kaayusan, kahusayan 2 puntos
KABUUAN 10 puntos

9
Pangwakas na Pagsusulit

Pangalan:_____________________________________________ Iskor:__________
Baitang:___________________________ Petsa:__________

A. Panuto: Pumili ng isa sa mga napag-aralang akademikong sulatin. Magsaliksik ng


halimbawa nito at kopyahin o iimprinta sa isang malinis na papel. Pangatwiranan o
ibigay ang kahalagahan nito bakit ito ang iyong napili.

________________________________
(Pamagat)

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Kriteria:

Nilalaman /10

Kaugnayan sa Paksa /10

Kaayusan at Kaangkupan /5

Kabuoan: 25 PUNTOS

*Iba-iba ang inaasahang sagot ng mga mag-aaral.

10
Susing Sagot

Gawain 1
Maaaring magkaiba-iba ng sagot. Sumangguni sa Pamantayan sa Pagmamarka.
Pamantayan:
Puntos
Kaangkupan ng Paksa 5
Kaayusan 3
Pagkamatapat(Pagkilala sa mga pinagkuhanang 2
sanggunian)
KABUOAN 10 puntos

Gawain 2
Maaaring magkaiba-iba ng sagot. Sumangguni sa Pamantayan sa Pagmamarka.
Pamantayan:
Mensahe ng Ideya 5 puntos
Kaugnayan ng Paksa 3 puntos
Kalinisan, kaayusan, kahusayan 2 puntos
KABUOAN 10 puntos

Gawain 3
Maaaring magkaiba-iba ng sagot. Sumangguni sa Pamantayan sa Pagmamarka.
Pamantayan:
Mensahe ng Ideya 5 puntos
Kaugnayan ng Paksa 3 puntos
Kalinisan, kaayusan, kahusayan 2 puntos
KABUOAN 10 puntos

Sanggunian

Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling


Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Mabilin, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa


Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Club, Lorena S. Filiino sa Piling Larang (Akademik) Modyul 1. Sentrong


Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros. Daang Antonio J. Villegas.
Ermita, Maynila

Santos, C. S. et. Al (2018) Filipino sa Piling Larang-Akademik. Pasig City:


Kagawaran ng Edukasyon.

Elektronikong Sanggunian:

https://manilatoday.net/pahayag-para-sa-pagpapatibay-ng-wikang-filipino-bilang-mga-sabjek-
sa-kolehiyo/

https://www.academia.edu/37941133/PAGBABALANGKAS_AT_PAGSUSUOD_NG_MAIKLING
_KUWENTO_TATA_SELO_NI_ROGELIO_SIKAT

11

You might also like