You are on page 1of 2

Barles, Ricamarie Anne

Cahucom, Aira
Eclarinal, Murriel Gyanne
Dela Cruz, Altairra
Pahilanga, Anela

Four Sisters and a Wedding

Ang palabas na pinamagatang “Four Sisters and a Wedding” na idinirihe ng isa sa mga
pinakakilalang Pilipinong direktor na si Cathy Garcia-Molina. Ang mga tauhan sa palabas na ito
ay ang magkakapatid na sina Bobbie Salazar, Alex Salazar, Teddie Salazar, Gabbie Salazar, at
ang kapatid nilang lalaki na si CJ Salazar. Ang mga gumanap sa kanila ay sina; Bea Alonzo
bilang Bobbie Salazar, Angel Locsin bilang Alex Salazar, Toni Gonzaga bilang Teddi Salazar,
Shaina Magdayao bilang Gabbie Salazar, at Enchong Dee bilang RebReb o CJ Salazar. Isa pa
sa pinakamahalagang tauhan sa palabas na ito ay ang kanilang nanay na ginanap ni Coney
Reyes na si Grace Salazar. Ang kompanyang naglabas ng palabas na ito ay ang Star Cinema.
Ang mga prodyuser ng pelikulang ito ay sina Charo Santos-Concio at Malou N. Santos. Ito ay
nilabas noong taong 2013.

Ang “Four Sister and a Wedding” ay tungkol sa pamilyang hindi nagkakaintindihan at


nagkakaunawaan, ito ay natural lang sa pamilya. Marapat pa rin na ayusin ito upang mapanatili
ang magandang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya. Oo, naiiba ito dahil ang bawat
pelikula ay may iba’t ibang kwento.

Ang mga kulturang pilipino na naipakita sa pelikulang the 4 sisters and the wedding ay
ang mga sumusunod; ang di maiiwasang pangingialam ng mga magulang at kapatid sa
kanilang kapamilya,salo-salong nag aagahan at mga lutong pinoy na inihahain sa
hapagkainan.Ang pamamanhikan ng lalaki sa pamilya ng kanyang sinisinta o napupusuang
babae at ang kulturang paniniwala na sukob.Kaagapay rin dito ang paggalang at pagmamahal
ng lubos sa pamilya,ito ang mga kulturang pilipino na umusbong noong kapanahunan na ating
dinadala sa ngayong henerasyon.

Sa pelikula na Four Sisters and a Wedding ay isinasaalang alang ang antas ng wika
dahil mayroon ito ng mga pamantayan o antas ng salitang pampelikula upang mas maunawaan
ng mga manonood. Dahil ang pelikula na ito ay family comedy-drama na nagpapakita ng
kaugalian ng pamilyang Pilipino, ang target na manonood ng pelikula na ito ay ang mga
magpapamilya. Mas pormal na antas ng wika ang ginagamit nina Bea Alonzo (Bobbie) at
Shaina Magdayao (Gabbie) dahil ang karakter nila ay isang Guro. Ang karakter naman ni Angel
Locsin (Alex) ay isang open minded, black sheep at kaya mas madalas siyang mag sabi ng
mga balbal na wika.

Ang mga halimbawa ng anyo o antas ng wika na ginamit ay una, “Eh chararat yan eh!”
na binanggit ni Alex, “Hindi ka kulelat ah…” na binanggit ni Bobby, at “ilang beses ko siyang
sinubukang amuhin, kausapin, gaya ho ng gusto niyo diba, eh lagi niya naman ho akong
sinosoplak eh” na sinabi ni Alex. Ito ay mga halimbawa ng balbal na ginamit o binanggit sa
palabas. Ang mga pamamaraan ng wika naman na ginamit sa pelikula ay una, pagpapahayag
ng damdamin. Ang halimbawa nito ay "Nagpakatatag ako. Nagpakatigas ako. Kasi kailangan
ko. Pero 'di dahil matigas ako wala na akong pakiramdam. Na hindi na ako nasasaktan.
Nasasaktan naman ako." at "Sorry din ha.. Kasi sa sobrang sakit na naramdaman ko, nahirapan
akong makita na nasasaktan ka rin pala. I’m sorry." na sinabi ni Bobbie. Ang sunod ay
pagsisimula ng pakikipag-ugnayan. Ang mga halimbawa nito ay “Frodo, What do you do?” at
“How about you Tristan? What do you do?” na binanggit ni Grace Salazar. At isa pang ginamit
na pamamaraan ng wika sa pelikula ay ang panghihikayat. Ang mga halimbawa nito ay
“Tawagin mo Gabbie si Toti Marie. Bilis!” na sinabi ni Teddie at “Teddy, sabihin mo na. It’s
about time.” na sinabi naman ni Bobbie.

Para sa akin ay naka aapekto ang pag-gamit ng wika sa pamumuhay ng tao lalo na
kung eto ang makikita nila sa mga palabas sa telebisyon o pelikula. Halimbawa, nauuso ngayon
ang mga mga salitang balbal na gamit ng mga rapper, at ang mga kabataang nanunuod sa
kanila ay gumagaya hindi lang sa paraan ng pananalita ganun rin sa kanilang mga pananamit.
Ang wika at pamumuhay at kultura ay magkakaugnay.

You might also like