You are on page 1of 1

Andrew Eustaquio

18-00127 Assyn. Fil 2

 6. Kung ang tatay mo ay isang Overseas Filipino Worker (OFW), kaninong superhero mo siya
ihahambing?Sumulat ng isang talatang may walong pangungusap na naglalarawan ng kaniyang
pagiging superhero.

Super-Man

Naaalala ko pa rin ang pag alis ng aking ama para tumungo sa ibang bansa, tinanong ko siya
kung anong gagawin nya doon ang sabi niya naman ay “May ililigtas lang akong tao”. Nasa
murang edad pa ako noon habang nasa ibang bansa si itay. Tuwing may libreng oras siya ay
tumatawag siya at kanakausap niya kami ni inay at tinatanong ako kung anong nais ko sa paguwi
nya, ang nasabi ko lamang ay mga laruan. Malihim si tatay sa tuwing tinatanong ko siya kung
anong trabaho nya sa ibang bansa hindi nya lamang sinasabi sa akin kahit na paulit ulit ko siyang
kinukulit. Sumapit na ang ika-23 ng Disyembre at nagtataka pa rin ako kung bakit wala pa rin si
tatay, nagtatanong na “magiging masaya kaya ang pasko namin ni inay?”, Maya-maya may
dumating na taxi sa harapan ng bahay namin at may bumaba na lalaking naka sombrero na
naka-ngiti at nakatingin sa akin. Pumasok sya sa bahay at doon ko siya nakilala. “Si itay!” tuwang
tuwa ako noong araw na iyon at kinuha ko ang bag ni itay at hinalungkat ko ang nilalaman nito
doon tumambad sa akin ang mga hiling kong laruan, habang masaya akong kinukuha ang mga
laruan sa bag may mga damit na pumukaw sa aking atensyon at binasa ko ang naka imprinta sa
damit na may naka-sulat na “Construction Company” at doon ko naisip na si tatay ay
nagtatrabaho sa isang construction company sa ibang bansa.

You might also like