You are on page 1of 1

MARC ANDREI GAZMIN

GRADE 7 – BOUGAINVILLEA

Paano ako makabubuo ng angkop na


pagpapasiya ayon sa gamit ng isip at kilos-loob
(ibig sabihin, tungo sa katotohanan at kabutihan)?

Ang aking pagpapasiya ay naglalaman ng


ibayong pag-iisip, pagninilay, pagmumuni-muni, at
paglalagay ng sarili sa senaryong iyon bago ako
humantong sa isang desisyon. Kung minsan ay
nakakagawa ng mga desisyong naaayon lamang
sa kagustuhan at hindi nagpagamitan ng isipan,
kaya napapahamak. Sa ilang taon na ring ako’y
nabubuhay at sa ganitong edad, sinisikap ko na
palaging pag-isipan ng mabuti ang pagpapasya,
kung ito ba’y tama, naaayon, angkop, at nararapat
o mali, taliwas sa karamihan,o imoral na desisyon.
Bukod sa pag-iisip, tinitingnan ko rin ang aking
kalooban, kung ito ba’y aking kagustuhan, mithiin,
nais, at naaayon sa prinsipyo’t paniniwala. At kung
magawa na ang proseso, nakapagbibigay na ako
ng pasyang konkreto at nararapat.

You might also like