You are on page 1of 1

Batay sa mga natutuhan sa nabasang liham ni Dr.

Rizal, anong bahagi nito ang nakapag-

iwan sa iyo matinding inspirasyon o nakatawag ng iyong pansin at nakahamon ng kontra

argumento o palagay mula sa iyo?

Unang bahagi pa lamang ng liham ay napukaw na ang aking atensyon, sapagkat si Rizal

na isang kilalang henyo sa Pilipinas at sa ibang bansa, ay nagpakumbaba upang bigyang

karangalan ang mga kababaihan. Ako ay nabighani dahil si Rizal ay walang kinilalang kasarian

pagdating sa pagkomenda ng mga taong may karunungan. Kahit talamak ang panliliit sa mga

kababaihan noong panahon na ito ay hindi ito ininda ni Rizal bagkus hinangaan pa ni Rizal ang

mga kababaihan sa Malolos. “Talastas ng lahat ang kapangyarihan at galing ng babae sa

Pilipinas, kaya kanilang binulag at iniyuko ang loob…” Dito binuksan ni Rizal ang hamon na

kinakaharap ng mga kababaihan sa panahon na ito marahil napansin niya ang hindi

pagkakapantay-pantay ng pagtingin ng komunidad sa kasarian. Naniniwala ako hindi nabibigyan

ng parehong pagkakataon ang mga kababaihan na meron ang kalalakihan sa panahon na ito gaya

ng edukasyon at respeto. Ngunit sa kabila ng patriyarka, pinuna at hinangaan ni Rizal ang tapang

at galing ng mga dalagang taga-Malolos. Binigyang diin niya rin ang kahalagahan ng edukasyon

para sa lahat, kasama na rito ang mga kababaihan pagkat naniniwala si Rizal na ang mga babae

ay may malaking gampanin sa pagtayo at paggabay sa mga kabataan patungo sa pagiging pag-

asa ng bayan. Natuwa lamang ako dahil ang ating pambansang bayani ay hindi nagbibigay

diskriminasyon sa kababaihan bagkus nirespeto niya pa, ito’y patunay na ang karunungan ay

hindi nahihinto sa iisang kasarian, dumadaloy ito sa lahat.

You might also like