You are on page 1of 1

Sa iyong pagbabasa ng mga liham na isinulat ni Rizal, ano katangiang taglay ang iyong

pang nakita sa ating pambansang bayani?

Sa aking pagbabasa ng liham ni Rizal, napagtanto ko na hindi lamang matalino ang ating

pambansang bayani bagkus siya rin ay mabait at maginoo. Hindi siya madamot pagdating sa

pagbibigay puri sa kanyang mga kasamahan, kaibigan at kapwa-manunulat sa kanilang gawa.

Bukod doon, siya ay mapagmahal sa kaniyang mga kapatid, magulang at pamilya. Makikita sa

mga liham na malapit si Jose Rizal sa kaniyang pamilya-kinekwentuhan niya sila patungkol sa

mga pangyayari sa kaniyang buhay, hinihingian niya pa ng payo ang mga ito at pinapadalhan ng

mga handog. Sa lahat ng katangian ni Rizal, ang tanging nangibabaw sa lahat para sa akin ay ang

kaniyang pagigiang Makabayan.

Si Rizal ay napakamatagumpay bilang isang manggagamot sa ibang bansa bukod doon

siya ay malaya makapagsulat, may pagkakataon siya upang manirahan na lamang nang payapa at

magtayo ng sariling pamilya sa ibang bansa, ngunit lahat ng ito ay isinantabi niya sapagkat

nangibabaw ang pagmamahal niya sa kaniyang bansang tinubuan at ang kaniyang mga

kababayan kaysa sa sarili niyang interes. Bagaman siya’y binubuyo at pinag-iinitan ng mga

Kastila, buong tapang pa rin siya bumalik sa Pilipinas upang maghain ng reporma alang-alang sa

kaniyang pamilya at kabayan. Para sa akin, napakalalim ang kaniyang pagiging Makabayan kung

kaya’t siya’y nahirang na pambansang bayani sa ating bansa. Hindi siya makasarili, hindi rin siya

mapang-eskema, nais lamang niya mapalaya ang kaniyang bansa sa kamay ng mapag-alipusta at

mapang-abusong pamamalakad ng mga Kastila.

You might also like