You are on page 1of 1

Isang Pawikan

Malayang nagmamasid sa karagatan,

Naglalakbay, buhat ang kanyang daigdig

Agos ng alon na nagdidikta ng kapalaran

ng isang pawikang naghahanap ng tahanan

Napadpad sa isang dalampasigan,

Kumapit sa lambat ang bitbit na talukab

Isang pasan na hindi kayang iwanan

ng isang pawikang naghahanap ng tahanan

Sa dami ng taong dumadaan

Wala man lang nakapansin sa maliit na nilalang

Tahimik at matiyagang nag-abang

ang isang pawikang naghahanap ng tahanan

Sa agos ng dalong hindi kontrolado,

napaisip siya paano kung nilabanan niya ito

Subalit, bakit hindi pa rin mapansin-pansin

ang isang pawikang naghahanap ng tahanan

Lumipas na ang panahon,

Nagsimula nang manghina ang pawikan

Mayroon pa kayang magiging tirahan

ang isang pawikang naghahanap ng tahanan?

You might also like