You are on page 1of 3

Dannah Peña STEM 12-BATO PUTI

FILIPINO
IKALAWANG KWARTER-ARALIN 1: TALUMPATI

PAGYAMANIN NATIN
GAWAIN 3
Napapanahong Isyu Bilang ng Tugon Ranggo
Korapsyon 0 -
Kahirapan 3 2
Problema sa droga 0 -
COVID-19 outbreak 1 3.5
Online/Modular Learning 5 1
Kawalan ng mga trabaho 0 -
Pagkalat ng polusyon 0 -
Pagtaas ng bilang ng krimen 0 -
Karapatan ng katutubo 0 -
Kakulangan ng medical na suplay 1 3.5

TALUMPATI
Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon Ngayong Pandemya
Ayon sa tanyag na lider na si Nelson Mandela, “Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang
sandata na magagamit natin para baguhin ang mundo.” Sa mundo nating puno ng pagbabago
kailangan nating sumunod sa agos upang mabuhay. Simula umpisa pa lang ay naging mahalagang
bahagi na ng lipunan ang edukasyon. Dahil maraming bagay ang nagbago sa panahon ng pandemya,
kasabay na nito ang pagbabago sa sistema ng edukasyon. Kaya naman malaki ang naging epekto nito
sa mga guro at sa aming mga estusyante dahil sa hindi ito ang nakasanayang sistema sa pag-aaral.
Bawat isa ay may kanya-kanyang karanasan sa distance learning mapa online class o modular
man. Ang problema ay iba ang natututunan ng bawat isa, at may kanya-kanya tayong paraan ng
pagproseso ng impormasyon. Marami sa ating mga estudyante ang wala pa ring magandang signal para
maka pasok sa online class. Bukod dito, hindi lahat ay may teknolohiya para lubusang magamit ang
online class na plataporma. maaari rin namang gamitin ang mga pisikal na modules. Subalit, mahirap
din ito kasi parang “self-study” lamang ang kalabasan ng mga modules. Walang tamang pag-aaral na
nagaganap kasi walang guro na tumatalakay sa mga leksyon. Dahil dito, marami na lamang ang
nagpapasagot sa kanilang mga magulang sa kanilang module o naghahanap ng mga sagot online. Kaya
naman, marami ang hindi nagkagusto sa modular learning.
Tinuro ng pangyayaring ito na maraming bahagi ng akademya ang tila hindi naging handa.
Mukhang mas marami ang nasanay na sa kalidad ng edukasyon na mayroon na lamang sa
bansa.Mabuti na naipagpapatuloy natin an gating pag-aaral dahi saganitong sistema ngunit sa aking
palagay, hindi ito ganoon ka epektibo dahil hindi nito natutugunan ang pangangailangan sa edukasyon
ng nakararami, parami lang nang parami ang gawain ngunit kakaunti lamang ang natututunan ng mga
estudyante.
Kahit ano man ang opinyon ng bawat isa mapa online o modular learning, ang mahalaga ay
lahat tayo ay dapat magkaroon ng pantay at sapat na oportunidad para maka aral. Bukod dito, dapat
tinatanaw natin ang kalusugan at kaligtasan ng lahat bilang prioridad. Talaga namang maraming aral
ang ibinigay ng pandemya at bagong sistema ng edukasyon sa bansa sa ating lahat. Hindi man naging
gaano ka matagumpay ang nasabing sistema nagpapasalamat ako na kahit papaano ay naipagpatuloy
natin ang ating pag-aaral. Laging tandaan na hindi hadlang ang kahit anumang pagsubok na dumating
sa ating buhay para maabot natin ang ating mga pangarap. Kailangan nating patuloy na matuto at
umunlad upang mapatunayan na ang kabataan parin ang pag-asa ng bayan at sama-sama tayong
uunlad at aahon.

You might also like