You are on page 1of 5

Mga Bakuna laban sa

COVID-19: karaniwang
mga tanong
Ligtas ba ang mga bakuna laban sa COVID-19?
Ang Therapeutic Goods Administration (TGA) ang mga siyentipiko at dalubhasang-medikal na
nangangasiwa at nag-aapruba sa lahat ng mga bakuna at gamot, at iba pang produktong-
medikal upang gamitin sa Australya. Sinusuri ng TGA ang lahat ng mga bakuna laban sa
COVID-19 para sa kalidad, kaligtasan at pagkamabisa bago aprubahan ang mga ito para
gamitin sa Australya. Ito ang kaparehong proseso na dinaraanan ng lahat ng mga bakuna sa
Australya.

Ang mga dalubhasang-medikal sa TGA ay patuloy na sumusuri sa lahat ng mga bakuna upang
tiyaking ang mga ito ay ligtas. Ang mga bakuna ay pinapahintulutan lamang na gamitin sa
Australya matapos matasa at maaprubahan ang mga ito.

Nabuo ba nang napakabilis ang mga bakuna laban sa COVID-19?


Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay binuo upang maging ligtas at mabisa. Maaaring tila
nabuo ang mga ito nang mabilis, gayunpaman, ang mga mananaliksik sa buong mundo ay
nagtrabahong mabuti sa simula pa lamang ng pandemya upang bumuo ng mga bakuna laban
sa COVID-19.

Ang ligtas at mabisang mga bakuna laban sa COVID-19 ay mabilis na nabuo dahil sa:

 malaking halaga ng pondong naipuhunan sa pananaliksik at pagmanupaktura;


 pagkakaroon ng bagong teknolohiya; at
 pagtutulungan ng mga mananaliksik, siyentipiko at taga-manupaktura sa buong mundo.

Ang ilang mga hakbang ng mga klinikal na pagsubok at proseso ng pag-apruba ay nangyari
nang sabay-sabay, sa halip na magkakasunod. Ito ay nagbigay sa amin ng pag-access sa
bakuna nang mabilis hangga’t maaari.

COVID-19 Vaccines: common questions - 01042021 - Filipino


Paano gumagana ang mga bakuna laban sa COVID-19?
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay gumagana katulad ng ibang mga bakuna. Ang mga
bakuna ay tumutulong sa katawan ng isang tao na kilalanin at labanan ang mga virus na
nagiging sanhi ng karamdaman. Ang bakuna laban sa COVID-19 ay tumutulong sa katawan na
kilalanin at labanan ang virus na nagiging sanhi ng COVID-19.

Paano tayo pinoprotektahan ng mga bakuna laban sa COVID-19?


Tinuturuan ang iyong katawan ng mga bakuna laban sa COVID-19 na kilalanin at labanan ang
virus ng COVID-19. Ang mga ito ay hindi nagtataglay ng COVID-19. Hindi ka maaaring
magka-COVID-19 mula sa pagbabakuna. Ang mga bakuna ay isang ligtas na paraan ng
paggawa ng proteksyon laban sa virus sa loob ng katawan, nang hindi nagiging sanhi ng
karamdaman.

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 na aprubado para gamitin sa Australya ay nakitang
napakagaling sa pagprotekta laban sa malubhang karamdaman at pagkamatay.

Maaari kang makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 at kung
bakit ang pagpapabakuna ay isang mahalagang bahagi ng pagpapanatiling ligtas at malusog
ang komunidad.

Anong mga side effect ang dapat kong asahan mula sa mga bakuna laban
sa COVID-19?
Lahat ng mga bakuna ay maaaring magkaroon ng ilang mga side effect. Ang mga side effect
na ito ay karaniwang banayad at nagtatagal lamang nang ilang araw.

Maaaring kabilang sa mga side effect ang:

 nananakit na braso matapos mainiksyunan


 lagnat
 pananakit ng kalamnan
 sakit ng ulo.

Ang mga ito ay palatandaan na ang bakuna ay gumagana.

Kung ikaw ay may anumang mga tanong o alalahanin matapos kang mabakunahan, kontakin
mo ang iyong klinika ng pagbabakuna o doktor.

Maaapektuhan ba ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang buntis o


nagpapasuso?
Kung ikaw ay buntis, dapat kang makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga bakuna laban
sa COVID-19. Kung wala kang medikal na mga panganib, o malaking pagkalantad sa COVID-
19, ikaw at ang iyong doktor ay maaaring magpasya na maghintay hanggang sa maipanganak
na ang sanggol bago ka magpabakuna laban sa COVID-19.

Kung ikaw ay nagpapasuso, maaari kang mabakunahan laban sa COVID-19. Walang


inaasahang mga alalahaning pangkaligtasan para sa mga nagpapasuso, o sa kanilang mga
sanggol.

Kung ikaw ay nagpaplanong magbuntis, maaari ka pa ring mabakunahan laban sa COVID-19.

Kung ikaw ay may anumang mga tanong tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 at
pagbubuntis o pagpapasuso, makipag-usap sa iyong doktor.

health.gov.au/covid19-vaccines

COVID-19 Vaccines: common questions - 01042021 - Filipino 2


Sino ang maaaring bakunahan laban sa COVID-19?
Lahat sa Australya ay makakakuha ng walang bayad na pagbabakuna kapag oras na upang sila ay
bakunahan. Kung ikaw ay babakunahan sa isang klinikang pang-respiratoryo ng GP o klinika sa
pagbabakuna ng estado o teritoryo, hindi mo kailangan ang Medicare card. Upang maging up-to-
date kung kailan ka babakunahan, bumisita sa www.health.gov.au/covid19-vaccines-languages

Paano ako magbu-book ng aking pagbabakuna laban sa COVID-19?


Upang alamin kung kailan ka babakunahan laban sa COVID-19, maaari mong gamitin ang
Eligibility Checker sa https://www.health.gov.au/resources/publications/covid-19-vaccine-
eligibility-checker

Sa sandaling makumpleto mo ang Eligibility Checker (Pagtingin kung ikaw ay Marapat),


makikita mo ang listahan ng mga lugar na maaari mong kontakin upang mag-book ng iyong
pagbabakuna.

Maaari ka ring makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pag-book para sa iyong pagbabakuna.

Sapilitan ba sa Australya ang pagbabakuna laban sa COVID-19?


Hindi, ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay boluntaryo. Maaaring piliin ng mga tao kung
gusto nilang magpabakuna laban sa COVID-19. Hindi ka mumultahan sa hindi pagbabakuna
laban sa COVID-19.

Maaari ba akong gumamit ng isa sa mga bakuna mula sa ibang bansa?


Ang mga tao sa Australya ay maaari lamang mabakunahan ng mga bakuna laban sa COVID-
19 na naaprubahan ng Pamahalaang Australya para gamitin sa Australya. Ang mga bakunang
ito ay maaaring naaprubahan din para gamitin sa ibang bansa. Hindi mo dapat tangkaing
bumili sa online ng bakuna laban sa COVID-19, dahil ang mga ito ay malamang na hindi ligtas
o hindi tunay.

Sa sandaling ako ay mabakunahan, kailangan ko pa rin bang gumawa ng


iba pang pag-iingat upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19?
Matapos kang mabakunahan, mahalaga pa rin para sa iyo na ipagpatuloy ang ligtas na mga
gawi upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Lumayo nang 1.5 metro sa ibang tao, maghugas ng iyong mga kamay nang madalas gamit ang
sabon at tubig, manatili sa bahay kapag ikaw ay may sakit, magpasuri para sa COVID-19 at
magsuot ng mask kapag kinakailangan.

Kailangan pa rin bang magpabakuna ang mga tao na nagkaroon na ng


COVID-19?
Ang mga tao na nagkaroon na ng COVID-19 at gumaling ay dapat pa ring bakunahan. Dahil
ang virus na nagiging sanhi ng COVID-19 ay isang bagong virus, hindi alam ng mga dalubhasa
ang itatagal ng likas na naturalesa makaraan ang impeksyon. Lubhang malamang na ang
proteksyon mula sa muling pagka-impeksyon ay mababawasan sa paglipas ng panahon.
Kaya, makatwirang gawin ang pagbabakuna upang maibunsod ang naturalesa at tiyaking mas
tatagal ang proteksyon.

health.gov.au/covid19-vaccines

COVID-19 Vaccines: common questions - 01042021 - Filipino 3


Gagana ba ang mga bakuna laban sa COVID-19 kung magbabago ang
COVID-19?
Lahat ng mga virus ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Ito ay tinatawag na ‘mutation’
(pagbabagong-uri). Ang patuloy na ebidensiyang-siyentipiko ay nagpapakita na ang mga bakuna
laban sa COVID-19 ay mabisa pa rin laban sa mga bagong uri (mga mutation) ng COVID-19. Ito
ay patuloy na titingnang mabuti ng Therapeutic Goods Administration bilang bahagi ng kanilang
karaniwang mga proseso ng pag-apruba at pagsubaybay.

Maaari itong mangahulugan na mangangailangan ang mga tao ng mga booster (pambunsod) na
iniksyon katulad ng sa tetano at whooping cough, o maaari itong mangahulugan na kakailanganin
pa rin natin na muling mabakunahan. Ito ay katulad ng pagbabakuna sa atin taun-taon laban sa
trangkaso. Iniimbestigahan pa rin ito ng mga mananaliksik.

Kung kakailanganin mo ng karagdagang booster na dosis, gaya ng taunang booster, ng mga


bakuna laban sa COVID-19, ito ay inaalam pa rin ng nagpapatuloy na klinikal na mga pagsubok.
Sa hinaharap, maaaring ipaliwanag ng iyong doktor kung kakailanganin ang booster laban sa
COVID-19 at kung gaano kadalas.

Mababago ba ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang aking DNA?


Hindi, hindi binabago ang iyong DNA ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Ang ilan sa bagong mga bakuna laban sa COVID-19 ay gumagamit ng isang piraso ng
Messenger RNA (mRNA) upang turuan ang iyong katawan na gumawa ng pagtugon ng
naturalesa laban sa COVID-19. Ang mga bakuna ay hindi magbibigay sa iyo ng COVID-19.

Ang DNA ay ibang uri ng molecule sa RNA na nasa mga bakunang mRNA. Ang mRNA ay
walang ginagawang anuman sa iyong DNA, at ito ay nalulusaw sa sandaling ito ay pumasok sa
loob ng iyong katawan.

Kokolektahin ba ng bakuna ang aking DNA?


Hindi, kapag nabakunahan ka, ito ay napupunta sa loob ng iyong katawan at hindi nag-aalis ng
anuman mula sa iyong katawan. Ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa Australya ay
ibinibigay sa pamamagitan ng pag-iniksyon. Walang inaalis mula sa iyong katawan, ni ang
iyong DNA, Ang DNA ay hindi nakokolekta sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa
COVID-19.

Maikokonekta ba ako sa internet ng mga bakuna laban sa COVID-19?


Hindi, ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay hindi – at hindi maaaring – magkonekta sa iyo
sa internet. Ang bakuna ay isang produktong-medikal, hindi ito digital.

Ang mga bakuna ba laban sa COVID-19 ay may taglay na mga microchip o


teknolohiya sa pasubaybay?
Wala ni isa man sa mga bakuna laban sa COVID-19 ang nagtataglay ng mga software o
microchip. Ang mga ito ay hindi nakakasubaybay ng mga tao.

Mapoprotektahan ba ako laban sa pagkakaroon ng COVID-19 ng bakuna


laban sa trangkaso?
Ang trangkaso (flu) at COVID-19 ay kapwa mga virus, ngunit sila ay hindi magkatulad. Ang bakuna
laban sa trangkaso ay hindi nagbibigay ng imyunidad o proteksyon laban sa COVID-19.

Ang bakuna laban sa COVID-19 ay hindi nagbibigay ng proteksyon laban sa trangkaso.

health.gov.au/covid19-vaccines

COVID-19 Vaccines: common questions - 01042021 - Filipino 4


Maaari ba akong mabigyan ng COVID-19 ng mga bakuna laban sa COVID-
19?
Wala ni isa sa naaprubahang mga bakuna laban sa COVID-19 sa Australya ang nagtataglay ng
buhay na virus na nagiging sanhi ng COVID-19. Ibig sabihin, ang mga ito ay hindi makakapagbigay
sa iyo ng COVID-19.

Ang ilang mga side effect mula sa mga bakuna laban sa COVID-19, gaya ng lagnat, pananakit ng
kalamnan, at pagkapagod, ay tila katulad ng mga sintomas ng COVID-19. Ang mga sintomas na ito
ay bahagi ng karaniwang reaksyon sa pagbabakuna. Ang mga ito ay palatandaan na ang bakuna
ay gumagana at ang katawan ay gumagawa ng proteksyon laban sa COVID-19 virus.

Ang mga bakuna ba laban sa COVID-19 ay may taglay na mga produktong


mula sa hayop?
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 na aprubado para gamitin sa Australya ay walang taglay na
anumang produktong mula sa hayop, karne o itlog.

Ano ang palagay ng mga pinuno ng relihiyon tungkol sa mga bakuna laban
sa COVID-19?
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 na aprubado para gamitin sa Australya ay pinapahintulutan ng
maraming mga pinuno ng relihiyon.

Noong ika-22 ng Disyembre 2020, ang Vatican ay naglabas ng pahayag upang suportahan ang
paggamit ng mga bakuna laban sa COVID-19. Maaari mong basahin ang pahayag ng Vatican sa:
https://www.vatican.va/roman_curia/congregations/cfaith/documents/
rc_con_cfaith_doc_20201221_nota-vaccini-anticovid_en.html

Ang Australian Fatwa Council ay nag-isyu ng COVID-19 Vaccine Fatwa noong ika-13 ng Pebrero
2021. Ang Fatwa ay inisyu matapos saliksikin at talakayin ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa
mga pinagtitiwalaan at pinaniniwalaang mga Muslim na doktor at dalubhasang-medikal. Ipinapayo
ng Fatwa na ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa Australya ay pinapahintulutan sang-ayon sa
batas ng Islam. Maaari mong basahin ang COVID-19 Vaccine Fatwa ng Australian Fatwa Council
sa: https://www.anic.org.au/fatwa-council/

Ang Conference of European Rabbis ay nag-isyu ng pahayag upang suportahan ang paggamit ng
mga bakuna laban sa COVID-19. Maaari mong basahin ang pahayag sa: https://rabbiscer.org/wp-
content/uploads/2020/12/CER-Vaccination-.pdf

Sino ang aking matatawagan kung ako ay may mga tanong tungkol sa mga
bakuna laban sa COVID-19?
Kung nais mong makipag-usap sa isang tao tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19, tumawag
sa National Coronavirus Hotline sa 1800 020 080. Ang hotline ay bukas 24 na oras araw-araw.
Para sa Translating and Interpreting Service, tumawag sa 131 450.

Maaari mong alamin ang higit pa sa website ng Kagawaran ng Kalusugan kung saan makakakuha
ng impormasyon sa 63 wika sa: www.health.gov.au/covid19-vaccines-languages

Maaari ka ring makipag-usap sa iyong doktor o lokal na propesyonal ng pangkalusugang


pangangalaga.

Mahalaga na manatiling may kaalaman sa pamamagitan ng opisyal na mga pinanggagalingan.

health.gov.au/covid19-vaccines

COVID-19 Vaccines: common questions - 01042021 - Filipino 5

You might also like