You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Bulacan State University


BUSTOS CAMPUS
Bustos, Bulacan
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon

Calaguas, Rica N.
BSCPE-3B
RLW-101
Repleksyong Papel
mula sa Pelikulang “Jose Rizal”

Ang pelikulang “Jose Rizal, ay isa sa mga obra maestrang kahanga-hanga at nagbalik-
tanaw sa atin sa kung paano ipinamulat ni Rizal ang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila hanggang sa kung paano niya tinaya ang sarili niyang buhay upang makamit natin ang
kalayaang tinatamasa natin ngayon. Dito ipinakita ang pagiging doktor, nobelista, makata,
lingguwista, pintor, iskultor, magsasaka, naturalista, at miyembro ng isang kilalang institusyon
ng ating bayani. Bukod dito, mas naunawaan ko ang buhay ng ating pambansang bayani mula sa
mahahalagang papel na ginampanan ng kanyang pamilya lalong lalo na ang kanyang ina sa
kanyang buhay, ang mga babaeng kanyang nakasama at minahal, ang kanyang mga naging
kaaway, ang kaniyang mga ipinaglaban, at ang kanyang mga akda. Ipinakita dito ang
determinasyon ni Rizal na makamit ang kanyang misyon na palayain at ipaglaban ang Pilipinas
laban sa mga Espanyol at sa tingin ko, magiging kapaki-pakinabang ang pelikulang ito sa lahat
ng mga Pilipino, mapa mag-aaral, bata, kabataan, pati na rin sa mga matatanda at maging sa mga
dayuhan upang mas makilala ang isang matapang na Jose Rizal at upang maunawaan natin ang
kalagayan ng ating bansang Pilipinas noong panahon ng Kastila. Napakadaming bagay ang
naikintal sa atin ni Rizal, katunayan mula sa kanyang pagkabata pa lamang ay naipamamalas na
niya ang kanyang katalinuhan at tapang. Sa pamamagitan niya, naimulat sa mga tao ang
kahalagahan ng edukasyon. Edukasyon na kung saan ito ay magsisilbing susi sa tagumpay.
Nakalulungkot isipin at malaman kung gaano natakot at naging pipe ang mga Pilipino dahil sa
kalupitan ng mga kastila at prayle. Ngunit sa kabila nito ay may mga Pilipino pa ding nagkaroon
ng lakas ng loob na ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa sa pangunguna ni Pepe.
Napakatapang ni Rizal na isiwalat ang kalupitan ng mga manananakop kahit paulit ulit siyang
tinakot at pinagbawalan ng mga ito. Tanging ang pagkakaron lamang ng pantay pantay na
pagtingin ang nais ng ating bayani, ngunit mahabang panahong ipinagakit ito sa atin.
Nakatutuwang isipin na ang mga bagay na nadidinig at napag aaralan ko tungkol kay Rizal at sa
kalayaan ay mas naunawaan ko ng dahil sa pelikulang ito.

Totoong si Rizal ang syang nagging bayani ng ating bayan, na kung saan, hindi
kinailangang gumamit ng dahas o armas upang maialay ang kalayaan para sa ating bansa bagkus
ay matapang niyang ginamit ang panulat upang maipaglaban ang bansang Pilipinas. Buong
pusong inialay ang kanyang buhay upang matamasa natin ang buhay na mayroon tayo
ngayon.Kung kaya’t napakahalaga na pahalagahan at mahalin natin an gating bansa, dahil
napaka swerte natin na ngayon ay may kalayaan tayong ipahayag ang mga nais nating sabihin
mapa sa gobyerno man ito.

You might also like