You are on page 1of 7

I CCT COLLEGES FOUNDATION, INC

V.V. SOLIVEN AVENUE ll, CAINTA RIZAL

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Banghay Aralin sa Filipino 4

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy kung ang panghalip na panao ay pagyo o paari;

2. Naipapakita ang kahalagahan ng mga panghalip panaong palagyo at paari


ayon sa gamit;

3. Nakabubuongpangungusapgamitangmgapanghalipnapanaongpalagyo at
paari.

II. PaksangAralin:
Paksa: Panghalipnapanao at mgaurinito;
Sanggunian:BagongEdisyon, Tanglaw 4 p. 142-144;
Kagamitan:Panturongbiswal, mgalarawan at Laptop

III. Pamamaraan:

A. Paunang Gawain
1.1 Panalangin
1.2 Pagbati
1.3 Pagsasaayos ng silid aralan
1.4 Pagtatala ng liban sa klase
1.5 Balik-Aral
B. Pagsasanay
Piliinangangkopnasalitanana-aayonsalarawanupangmabuoangpangungusap.

Ako Akin Tayo

Amin Ikaw

1. ay mabaitnabata.

2. ay mga Pilipino.

3. ay akingkaibigan.

4. ang lapis naito.

5. ang bahay na ito.


C. Panimulang Gawain
Pagganyak:

Magsitayo ang lahat at humanap ng kapareha


at umawit tayo sa saliw ng awiting, Ako, Ikaw,
Tayo’y isang komunidad.

Ako, ako, ako’y isang komunidad (3x)


Ak’y isang komunidad

La lala…
Sumayaw-sayaw at umindak- indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat

Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat

(Ulitin ang awit. Palitan ang akong Ikaw… at tayo.)

D. Paglalahad:

Ngayon dadako naman tayo sa ating aralin ngayon patungkol sa Panghalip


Panao. May tatlong panauhan ang panghalip na panao.

Nagsasabi ito kung sino ang taong kinakatawan ng mga ito. Tinatawag itong una,
ikalawa at ikatlong panauhan.

Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan

Unang ako kita tayo


Panauhan

Ikalawang Ikaw, ka kayo


Panauhan

Ikatlong siya sila


Panauhan
Basahin ang unang halimbawa ng panghalip panaong palagyo na may unang
panauhan.

 Ako ang gagamiting salita kapag ang taong tinutukoy ay ang iyong sarili .

Basahin ang unang halimbawa ng panghalip na panaong palagyo na may ikalawang


panauhan

 Ikaw ay ginagamit naman sa pagtukoy sa iyong kausap.

Basahin ang unang halimbawa ng panghalip na panaong palagyo na may ikatlong


panauhan.

 Ginagamit ang salitang Sila kapag ang tinutukoy ay ang mga taong pinag-
uusapan.

Sa ating pagpapatuloy, tignan naman natin sa talahanayan ang mga panauhan ng


panghalip na panaong paari.

Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan

Unang Akin, ko Atin, natin, amin,


Panauhan namin

Ikalawang Iyo, mo Kita Inyo, ninyo


Panauhan

Ikatlong Kanya, Kanila, nila


Panauhan niya
Basahin ang unang halimbawa ng panghalip na panaong paari na may unahang
panauhan.

 Ginagamit ang salitang Akin kapag ang bagay na inyong tinutukoy ay sa iyo.

Basahin ang ikalawang halimbawa ng panghalip na panaong paari na may


ikalawang panauhan.

 Ginagamit ang salitang mo kapag ang bagay na tinutukoy ay sa iyong kausap.

Basahin ang ikatlong halimbawa ng panghalip na panaong paari na may ikatlong


panauhan.

 Ginagamit ang salitang kanya, kapag ang bagay na tinutukoy ay sa ibang tao.

E. Paglalahat

 Ano ang panghalip na panao?


- Ang panghalip na panao ay pamalit o panghalili sa mga pangalan ng tao.

 Ano ang dalawang uri nito?


- Ang panghalip na panaong palagyo ay may panghalip na ginagamit na
simuno o panaguri.

- Ang panghalip na panaong paari naman ay mga panghalip na ginagamit


upang ipakilala ang pag mamay-ari.

F. Pagpapahalaga

Bakit natin kailangan pag-aralan ang panghalip na panao at mga iba’t-ibang uri
nito?

 Mahalaga ito upang magamit natin ang mga angkop na salita sa angkop nitong
paggamit.
G. PANGKATANG GAWAIN

Papangkatin natin ang buong klase sa dalawang grupo. At ang bawat pangkat ay
bibigyan ng pamantayan sa pagmamarka para sa inyong mga gawa bawat pangkat.
magkakaroon lamang ng 15 minuto ang bawat pangkat sa mga Gawain.

Isusulat ang sagot ang sagot sa kartolina na aking ibibigay. Isang miyembro bawat
pangkat ang mag pi-presenta sa harapan upang basahin at ipaliwanag ang kanilang
ginawa.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

KABUUAN: 50%
KALINAWAN SA KONTENT: 20%
MAHUSAY NA PAGTALAKAY: 15%
PAGKAKAISA NG GRUPO: 15%

Para sa unang pangkat ay gagawa ng limang pangungusap gamit ang


panghalip na panaong PALAGYO. Bawat pangungusap ay lalagyan ng
mga halimbawa bawat isa.

Para naman sa ikalawang pangkat sila ay gagawa ng tula gamit ang


panghalip panao at ang dalawang uri nito. Sabay sabay itong bibigkasin
sa harap.
IV. Pagtataya

Kumuha ng isang buong pirasong papel at sagutan ang mga sumusunod na


tanong.

Salungguhitan ang panghalip na dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng


mga pangungusap.

1. Naniniwala (mo, ka, niyo) ban a mas maganda at matitibay ang mga produktong
imported?
2. Ibig (mo, ko, kita) rin ba ng mamula-mulang buhok, matangos na ilong at
maputing balat?
3. (Ako, Natin, Kanya) ay nkapapansin na kakaunti pa rin ang tumatangkilik ng mga
bagay na sariling atin.
4. Mas ibig kasi ( ninyo, amin, natin) ng mga kagamitan at pagkaing gawa ng ibang
bansa.
5. Maging sa pananamit, anyo, at wika ay ginagaya (ka, ninyo, kanya) ang mga
dayuhan.

V. Takdang-Aralin
Magsulat ng tig-limang (5) pangungusap gamit ang panghalip na panaong
palagyo at paari. Isulat sa isang buong papel.

You might also like