You are on page 1of 4

Rhea Joy Calum

BSEd Filipino 3-A

Obserbasyon sa Estruktura ng Wikang Filipino

Malaki ang ginagampanang papel ng wikang Filipino upang pagkaisahin ang isang
bansang multilingguwal. Ang susi sa pagbanyuhay ng wikang Pambansa ay ang paggamit ng
Filipino sa anomang antas gaya ng pakikipanayam sa kapwa ko Pilipino gamit ang ating wika.
Siya si Sophia Belda at 7 taong gulang na naninirahan sa Laoag City at kasalukuyang nag-aaral
sa Shamrock Elementary School, nasa ikalawang baitang.
Siya ang napili kong kapanayamin dahil hindi lahat ng bata ay nabigyan ng angking
galing sa pakikipagtalastasan. Siya ang tipo ng batang hindi mahiyain, at marunong makibagay
sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi siya mahirap na kombinsihing makipanayam sa akin
dahil gusto rin niya ito. Naging masaya ang kwentuhan at daloy ng aking mga katanungan
sapagkat kawili-wili siyang pakinggan. Masasabi kong magaling siya sa pakikipanayam gamit
ang wikang Filipino, na para bang magkaedad lang kami dahil sa husay niya. Maririnig naman sa
kanyang pananalita ang purong Ilocana niya dahil matigas itong magsalita sa wikang Filipino
ngunit ang mahalaga ay tama ang lahat ng ibinibigkas niya, kuha ang tunog ng bawat salita, at
may kaayusan ang mga pangungusap na ikinukwento niya. Sa edad pa lamang niyang iyon ay
napakahusay na. Buo at may diin ang bawat pagbigkas niya. Nailahad sa ibaba ang transkripsyon
ng aming panayam.

Ako: Magandang Umaga! Hindi naman na bago ang mukha ko sa iyo, hindi ba? Ako si
ate Rhea, Joy nalang para mas mabilis mong matandaan. Ikaw? Anong pangalan mo?

Sophie: Hello ate, Ako po si Sophie.

Ako: Ang cute naman ng pangalan mo gusto mo palit tayo?

Sophie: Hmmm, cute naman sa inyo ate.

Ako: Pupwede ba kitang kausapin? Hindi naman mahirap ang mga katanungan ko.

Sophie: Opo ate, walang problema.

Ako: Ilang taon ka na?

Sophie: 7 po ate.

Ako: Saan ka nag-aaral, Sophie? At anong baitang ka na?

Sophie: Sa Shamrock Elementary School, ate. Nasa ikalawang baitang na ako.


Ako: Kumusta naman ang modules mo?

Sophie: Okay po, ate. Nagmo-module nga ako mag-isa eh. Tapos kapag may hindi ako
alam, tinatanong ko nalang si mama para mas matutukan niya ang pagtitinda sa store.

Ako: Napakabait mo naman, Sophie! Sa edad mo pa lamang na iyan ay alam mo na ang


mga responsibilidad. Gusto mo na bang magface to face para makita mo mga friends
mo at upang mas mapadali ang pagkatuto mo?

Sophie: Hmmm, opo ate! Gustong-gusto na po!

Ako: Hayyyy, kapag lumipad na siguro ang baboy, magkakaface to face na ulit, ano?
hahaha

Sophie: Haha! Baka nga siguro, ate.

Sa kaniyang semantika, habang kami ay nagkukwentuhan tungkol sa modular learning


niya, naitanong ko kung gusto na ba niyang magface to face upang makita ang mga kaibigan at
mas matuto ng mabuti, agad niya itong sinagot ng oo kung kaya’t nabigkas ko na lang ang
“kapag lumipad na ang baboy”, kung magkakaroon man. Hindi naman siya nagtaka rito at
naintindihan ang aking sinabi at inayunan din. Kakikitaan din ito ng husay siya sa mga
semantika.

Ako: May kapatid ka ba? Ilan kayo at pang-ilan ka?

Sophie: meron ate, dalawa lang kami, babae pa haha at ako ang bunso.

Ako: Lagi ka riyan sa Church niyo, diba? Very good ha.

Sophie: Opo ate, kami kasi nila mama at ate ang naglilinis sa umaga at hapon jan.

Ako: Ang sipag mo naman! Kapag hawak mo ang iyong cellphone, ano ang
kadalasan mong ginagawa?

Sophie: hmmm, Tiktok po ate! At nanonood ng mga cartoons. Si Elsa ang


pinakapaborito ko sa lahat!

Ako: Marunong ka bang sumayaw?

Sophie: Opo ate, siyempre! Kaya mahilig ako sa tiktok kasi iyon na ang libangan ko
kapag tapos ko na ang modules ko, wala naman kasi akong kalaro rito.
Kung sintaksis naman ang pag-uusapan, malinaw na maayos ang pagkakagamit niya sa
mga parirala dahil nakakabuo siya ng maayos na pangungusap habang kami ay nagkukwentuhan.
Nakasisiyang isipin na sa batang edad niya pa lang ay maalam na siya sa paggamit ng wikang
Filipino. Isa siya sa mga kabataang hindi ikinakahiya ang pakikipag-usap gamit ang wika natin.

Ako: ‘pag laki mo ano ang gusto mong maging propesyon?

Sophie: Katulad din po kay mama, guro. Para po marami akong maturuang
mga bata.

Ako: Eh di, parehas na tayo niyan! Maganda ang napili mo, ngayong bata ka
pa lang ay kaya mo nang makipag-usap. Malaking tulong ‘yan sayo.

Sophie: Salamat po, ate!

Ako: Salamat din sa oras mo. Salamat sa kooperasyong ibinigay mo.

Sophie: Walang anoman ate, nandito lang ako kung kakailanganin mo ulit.

Bilang konklusyon sa isinagawang obserbasyon, kung tayo ay nakikipag-usap sa kapwa,


hindi natin namamalayan na tumatakbo na pala ang mga semantika, sintaksis, morpolohiya at
ponolohiya sa mga binibitawan nating salita. Mas mainam na ituro sa mga kagaya niya ang
wikang Filipino upang mas madali na itong pag-aralan para sa kanila sa hinaharap.

You might also like