You are on page 1of 3

MGA URI NG PAKIKINIG:

Mahalagang maunawaan natin ang ibat-ibang uri ng pakikinig upang maging


madali para sa nagsasalita na maintindihan ang bawat aksyon o kilos at reaksyon
ng nakikinig habang nagsasalita sa isang kumperensya,pagpupulong,klase o
karaniwang pakikipag-usap 

KAHULUGAN NG PAKIKINIG:
Ang pakikinig ay kakayahang maitukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng
ating kausap

Kahalagahan Ng Pakikinig:
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon
kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay Daan upang ang bawat isa at magkaunawaan at
magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kailangan Ng ibayong konsentrasyon sa pag unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.

Deskriminatibo
- Ang layunin Ng deskriminatibong pakikinig ay matukoy ang pagkakaiba ng
pasalita at di pasalitang paraan ng komunikasyon.
   Halimbawa nito ay pakikinig sa isang kilalang panauhing tagapagsalita.

Komprehensibo
- Ang pinagtutuunan ng pansin ng tagapakinig sa bahahing ito ay ang
nilalaman ng mensahe ng tagapag salita.Ang mahalaga sa ganitong uri ng
pakikinig ay kung paano mauunawaan ang kabuuan ng mensahe.
   Halimbawa nito ay pakikinig sa isang seminar ng guro o ng tagapagsalita.

Paggamot
- Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pakikinig ,natutulungan ng taga pakinig
ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng
pakiking sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
   Halimbawa ng ganitong uri ng pakikinig ay pakikinig sa suliranin ng isang
kaibigan.
Paglilibang
- Ang ganitong uri ng pakikinig ay ginagawa upang maglibang o aliwin ang
sarili.
   Halimbawa nito at pakikinig sa musika o sa himpilan ng radyo upang sandaling
malimutan ang suliranin o libangin ang sarili.

Kritikal
- Ito ay uri ng pakikinig na gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang
makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.Sa
pamamagitan ng ganitong uri ng pakikinig makabubuo ng analisis ang
tagapakinig batay sa narinig.
   Halimbawa nito ay pakikinig sa panayam ng guro sa agham.

Passiv o Marginal
- Pakikinig na kung saan ang pinakikinggan ay di gaanong napagtutuunan ng
pansin dahil sa ibang gawain.
   Halimbawa: paglalaba,kumakain habang nakikinig sa usapan.

Atentiv
- Pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon.Ang layunin ng tagapakinig
ay makakuha ng kawastuhan sa pagkaunawa sa paksang narinig.

Analitikal
- Layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga o reaksyon sa
napakinggan.

Apresytiv o Pagpapahalagang Pakikinig


- Pakikinig na ginagawa ng tao para sa sariling kasiyahan.
 Sa pamamagitan ng pakikinig marami tayong matututunan at napapag-
aralan. Kaya masasabi ko na napakahalaga ng pakikinig.

You might also like