You are on page 1of 6

Kalalabas ko lang ng banyo nang magring ang phone ko.

Nagvivibrate ito at
nakapatong sa beside table ko, kaya bago pa malaglag ay tinakbo ko na.

Hindi ko na tinignan pa ang caller ID at sinagot na kaagad.

“Shaffy,” sagot ng nasa kabilang linya.

Napatingin ako sa screen at si August pala ang tumawag.

“O-oh yes?” I asked stuttering.

Napaupo ako sa kama habang nagsasalita siya habang pinupunasan ang basa kong
buhok ng tuwalya.

“Yung sasakyan mo na nasa ospital, dinaanan ko na, dadalin ko jan. Papunta na ako,”
he informed.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

Sumagi sa isipan ko yung sasakyan ko. Nakalimutan ko na pala yun dahil sa mga
nangyari kahapon.

“Sige, sige. San ka na?”

“Here.”

As if on cue, I heard a car’s annoying horn from downstairs. Napatayo ako at


tumakbo palabas.

Pagbukas ko ng entrance door, ay nandoon na nga siya at nakasandal sa pula kong


sasakyan.

Lumapit siya sa akin at inabot ang susi ng sasakyan ko.

“Paano ka? May pasok ka diba?”

“Ako na bahala sa sarili ko. May taxi naman jan sa labas,” he warmly said then
tapped my head.

Inalis ko kaagad ang kamay niya sa ulo ko at hinawakan siya sa braso.

“Wait. Papatawag ako ng taxi. Manong--” I was about to call our guard when he cut
me off.

“No need, Shaffiera. Sige na umakyat ka na,” he commanded at pilit akong


pinapapasok.
I held the door knob before looking at him one more time.

Naabutan ko siyang nakatingin sa akin, para bang hindi magpapatalo. Alam kong
hindi siya aalis hangga’t hindi ako pumapasok.

“Bye,” sabi ko at tuluyan nang pumasok.

Ilang segundo din akong nakatayo lang sa likod ng pintuan nang mapansin ko na may
nakatingin sa akin.

Two meters away from me is my father, sitting at the sofa while reading a book.

I smiled awkwardly and greeted him a good morning. He replied by motioning me to


come nearer to him.

“Yes Dad?” I asked and obeyed.

He tapped the sofa next to him and I immediately understood what he meant.

“Are you going out with Ferrer, child?” He asked.

I always admired by father for always being a man of his words, he doesn’t sugarcoat
instead he always say what he wants to and do what he wants to. But not this time.

I shut my mouth, not wanting to reply. Pero alam ko na hindi niya ako titigilan kaya
umiling na ako.

“No, Dad.”

He just stared at me.

“But you like him,” he said as a matter of fact.

Shit.

Tumayo na kaagad ako at hinarap muli si Daddy.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Don’t worry, Dad. I will not do anything that you will not like,” I carefully answered.

Tumango tango lamang siya, kaya umalis na ako.

Pero bago ako umakyat ng hagdan ay nagsalita muli siya.

“But do you even know what I like?” He asked.


I didn’t get what he meant so I turned to face him again but he is not looking at me.

Nasa veranda ako ng kwarto ko habang nagpapahinga, gabi kasi ang pasok ko ngayon
kaya sinusulit ko muna.

Nakatingin lang ako sa magandang tanawin ng Jairo nang mapansin ko si Sahara at


ang bunso naming kapatid na naguusap sa garden namin.

Seryoso si Sahara pero nakangisi lang ang huli.

Nasa muka ni Sahara na naiirita na siya at akmang babatukan na ang kapatid ko pero
napigilan siya nito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay mukang nagkasundo na rin sila sa kung ano mang
pinagtatalunan nila.

Tumakbo papasok si Sahara habang sinisigaw ang pangalan ko.

“Shaffy!!” Sigaw nito nang mabuksan ang pinto ko.

“Here, veranda,” I lazily replied.

Nakahiga na ako sa outdoor day bed ko at tamad na tamad na naghintay sa kapatid


ko.

Ilang sandali lang ay inuluwa siya ng glass door, hinawi niya ang kurtina at
nagtatatalon na lumapit sa akin.

“Okay na ang unang hakbang! Pumayag na si ampon,” tukoy niya sa kapatid naming
bunso.

“Sige,” I answered and closed my eyes.

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko, niyuyog ako nito pagkatapos.

“Ate naman,” she whined.

“Ano na naman?” I replied copying her tone.

“Let’s buy clothes na! I want a summer tan!” She excitedly said then clapped her
hands.

“Sige. Bukas.”

Hinampas niya ako.

“Ate naman! Tara na! Now na!” Sigaw niya at hindi ako tinigilan kaya tumayo na ako
at pumasok sa kwarto, sumunod naman siya.

Nang makapasok ay humiga ako sa kama ko at nagkumot kaya lalong nainis si


Sahara.

“Ate naman! Dali na! Daanan natin si Kuya August mamaya! Shopping tayo bago ang
duty mo!” Pangungulit niya.

“Sige mamaya,” I replied and tried to sleep.

“Sabi mo yan a!”

Tumango lang ako.

Tumahimik na sa kwarto ko kaya akala ko’y umalis na siya pero naramdaman ko


nalang na tumabi siya sa akin at bumulong bulong.

“Babantayan kita, para di ka makatakas.”

I just chuckled as a reply.

Ala sais ng hapon ay nakarating kami sa Crystal Lake University, ang nagiisang
paaralan dito sa Jairo. Malapit na malapit lamang ito sa pinakakilalang lake dito sa
amin, ang Crystal Lake.

Tinawag itong ganoon dahil sa tuwing peak season ng taglamig ay nagyeyelo ang
ilang parte nito at kapag natatamaan ng liwanag ng araw ay kumikinang.

Binati ko ang gwardia na college palang ako ay nagbabantay na dito. Habang


naglalakad kami ni Sahara papapunta sa faculty room ay may mga nakasalubong
kaming kakilala kaya napapahinto kami.

“Alam ba ni August na pupunta tayo?” tanong ko kay Sahara nang sa wakas ay


mapaisa na kami at nasa harapan na ng faculty room.

Nagtatakang tumingin ito sa akin.

“Hala akala ko ikaw magsasabi ate.”

Napakamot lang ako sa ulo at kinuha ang cellphone ko para tawagan si August.

Ilang ring at ilang ulit ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Tinignan ko ng
masama ang kapatid ko pero nag peace sign lang siya.

“Ate si demonyitang kapatid ayon o! Patulong tayo!” Sabi niya habang nakaturo di
kalayuan.
Nandoon nga ang kapatid naming bunso na maraming kabuntot. Lumapit kami sa
kaniya.

Nang mapansin nila kami ay nagsibati silang lahat. Nagtataka lang na nakatingin sa
amin ang kapatid ko.

“Anong ginagawa niyo dito mga ate? Papasok kayo ulit dito? Sana sinabi niyo nalang
kung kailangan niyo ng tutor, mura lang ang fee ko,” pangaalaska nito.

Inirapan ko lang siya.

“Nasaan si Augustus?”

“Si Kuya August? Nasa faculty room lang yan, bat di kayo pumasok?” Tanong nito at
dirediretsong pumasok sa office nang di man lang kumakatok.

Sumunod lang kami.

“Hoy bata ka!” Saway ni Sahara.

Hindi naman siya pinansin at tinuro lang ang kinaroroonan ng kaibigan ko.

“Kuya August!” Sigaw nito.

Lumapit ako sa pintuan at nakita ko doon si August na nagkakape sa maliit na pantry


di kalayuan habang may kasama.

Mukang nagtatawanan sila. Malapit na malapit lang yung babae sa kaniya at hindi
mapapagkailang magkasundo sila.

Napatitig ako sa babae nang tumayo ito at lapitan ang kapatid kong bunso.

“Pres? Bakit?” Tanong ng babae na nakapusod ng mataas at ubod ng payat.

Nakatakong ito ng mataas, nakasuot siya ng pencil cut skirt at satin long sleeves top.
Nabasa ko sa ID niya ang pangalan niya.

Rebecca San Andres, she’s a Filipino teacher.

Lumapit ang tingin ko kay August na kalalapit lang at nakuha na pala ang gamit niya.

“Shaf, Sahara? Uuwi na din ako, bakit kayo nandito?” Tanong ni August na nakatingin
sa akin.

“Augustus, punta tayong mall! We’ll explain later, tara na! Convoy nalang tayo!”
Sahara answered.

Tumingin lang si August dito at inilipan muli ang tingin sa akin.


“May pasok ang ate mo, Sahara. Sa Baguio pa ba tayo pupunta?”

Umiling lang ang kapatid ko sa gilid ko.

“Hindi na Gus, jan nalang sa malapit.”

Tumango lang si August at saka hinarao ang babae na nagngangalang Rebecca.

“Ica, mga kaibigan ko pala. This is my best friend Shaffiera Sandoval and her sister
Sahara. They are the sisters of the student body President,” August explained sabay
turo sa aming tatlo.

“Yes of course, I know that the Sandoval sisters and their brother Sylas Sandoval. It’s
so nice to finally meet you,” magalang na sagot niya.

I just smiled at the woman.

“And this is my co-teacher, Rebecca or Ica,” pagpapakilala ni August sa babae.

Naglalakad kami sa hallway palabas ng CLU habang kinuulit ko si Augustus.

“Di nga, August! May gusto sayo ‘yun no,” I skeptically asked.

You might also like