You are on page 1of 24

Napatingin ako sa kamay ko ng may humawak dito.

Kaagad kong inangat ang ulo ko para


makita kung sino iyon.

Hindi ko maaninag ang mukha niya, nakikita ko lang ang suot na tuxedo nito.

Pilit kong inaaninag ang muka niya pero hindi ko talaga makita dahil sa malabo at tanging ang
maganda nitong ngiti lang ang nakikita ko.

Bigla niya akong hinila at saka siya naglakad, doon ko lamang napansin ang lugar, kung
nasaan ako.

Mayroong mga bulaklak sa paligid, mayroong mga upuan, tumutugtog din ang isang pamilyar
na awitin at sa unahan ay mayroong altar.

Napatingin din ako sa sarili ko at gulat na gulat ako nang makita kong nakasuot ako ng damit
pangkasal.

Isa itong kasal! Kasal ko ito?

Huminto kami sa harapan ng altar, hinarap ako ng lalaki sa kaniya. Nagtataka at gulat ako sa
nangyayari, ni hindi ko man nga lang siya kilala.

Hinawakan ng miteryosong lalaki ang baba ko, hindi ko pa din makita ang mukha niya pero
para bang may naghahabulan sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

Lumapit pa ako dito para makita ng malinaw ang mukha niya, isang dangkal na lamang ang
pagitan naming dalawa dahil dito.

Napakapamilyar niya sa akin, para bang kilalang kilala ko siya, para bang hindi bago sa akin
ang ganitong pakiramdam.

Lalong nagkagulo ang mga paru paro sa tiyan ko ng bigla akong niyakap ng lalaki, inilapit niya
ang bibig niya sa tenga ko saka siya bumulong,

"Mahal na mahal kita."

Wala sa sariling napapikit ako nang hamplusin nito ang magkabilang kong pisngi saka ako
binigyan ng marahang halik sa labi.

Agad na hinanap ng mata ko ang lalaki ng minulat ko ang mga mata ko pero agad akong
napabalikwas ng bagong nang makitang nasa kwarto ko lang ako.

Napakamot ako sa ulo ko at ginulo ang buhok ko pati ang ang kumot at mga unan ay
pinagsisipa ko dahil sa sobrang inis nang mapagtanto na panaginip lang pala ang lahat.

Marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko, at isang babae ang pumasok, naglakad siya
palapit sa lamesa na nasa tabi ko at mayroong kinuha sa ibabaw nito.

Nagsalubong ang kilay ng babae ng magtama ang mga paningin, inirapan ako nito.

"Nakatunganga ka pa! Malalate ka na!" pasigaw na aniya.

Tintigan ko lang siya at walang kahit anong emosyon ang ipinakita pero nagising ako nang
bigla akong batukan nungg babae.

"Hoy! May saltik ka ba?!"

"Sino ka ba?" May halong inis na tanong ko habang hinihimas ang ulo ko na hinampas niya.

Inis na tumingin lang ito sa akin at binatukan muli ako. "Hoy! Zero! Ano ba nakain mo? Gusto
mo bang kalugin ko 'yang ulo mo para gumana? Ha!?"
Inirapan lang ako nito at agad na lumabas ng kwarto. Napahiga ulit ako sa kama at hindi ko
humalagpak ako ng tawa.

Nawawala na nga yata ako sa sarili ko at dahil sa kabobohan ko ay pati pangalan ko ay


nakalimutan ko na din.

Nakalimutan ko na ako nga pala si Zeruiah Dela Cruz, ang babaeng hindi pinagpala ng
katalinuhan.

Bata pa lamang ako ay tinatawag na akong Zero ng maraming tao, dahil daw bobo ako at
literal na 'zero' o 'empty' ang laman ng utak ko.

Hangin nga lang daw ang laman e, at least may laman.

Tumayo na ako mula sa kama lumabas na, naabutan ko sa kusina sina si Mama't Papa pati na
ang mga nakatatanda kong kapatid na kumakain ng mainit na sopas.

"Ma, alis na ako a!" sigaw ng ate ko na palabas na ng pintuan.

"Sige! Ingat ka," sabi ni Mama habang nagsasandok ng sopas.

Tinignan ako ni Mama at binigay sa akin ang sopas. "Kumain ka na! Late ka na naman, bagal
bagal mo."

Di ko siya pinansin, umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Tita..."

Muntik ko ng mabuga yung sinubo kong elbows noodles ng marinig ko ang boses na ‘yun.

Napatingin ako sa pintuan ng kusina namin, cool na cool na nakatayo doon ang lalaking
pinapangarap ko noon pa.
“O Killian! Napadaan ka?”tanong ni Mama.

“Magandang umaga po Tita, Tito, Ate Jezreel at Kuya Josiah. Sasabay po sana ako kay Era
ngayon,” aniya.

Para talaga akong mamatay kapag ngumingiti siya at lumalabas ang dimples niya sa kaliwang
pisngi. Gwapo!

“E may muta pa nga sa mata yang si Zeruiah, Killian e. Pano mo isasabay? Malalate ka lang,”
sabat ng epal kong ate.

Agad kong ibinaba ang kutsara na hawak ko at agad na tumakbo papasok sa kwarto ko para
maligo na.

Abot tenga ang ngiti ko habang papasok sa unibersidad na pinapasukan namin ni Killian.

Kill is taking medicine while I’m accountancy. I know Killian since we were young, anak kasi
siya ng bestfriend ng Mama mo.

Pinipigilan ko na magustuhan siya dahil alam ko na wala ako sa kalingkingan ng babae na para
sa kaniya.

Out of the hundreds of people who calls me Zero because of my low brain capacity, Kill is one
of those people who believes in me. Kaya ang tawag niya sa akin ay Era imbis na Zero.

Kaya nga kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko lahat ng sinasabi ng mga tao sa akin.

"Era? Okay ka lang?" anito. Tumigil na pala ako sa paglalakad.

Lumapit siya sa akin at nilagay ang likod ng palad niya sa noo ko, pinakiramdaman niya ito.
Tumingin ako sa kaniyang mga mata at bigla kong naalala ang panaginip ko kaninang umaga.

Napatawa nalang ako at inalis sa isip ko ang posibilidad. Dahil kahit anong gawin ko ay
malabo, malabo.

Seryoso ako na nakikinig sa professor namin sa Philosophy nang biglang may sumipa ng
upuan ko.

Inis na bumaling ako sa likod kung saan nakaupo ang sumipa na iyon. "Ano ba Leyken!"

Si Leyken Francisco ay pinsan ko na hindi matino ang pagiisip, may sayad siya. Hanggang
pusod ang haba ng brown na buhok nito na hindi niya pinupusod dahil nakakaganda daw
iyon.

Maarte ang pinsan ko na ito pero sobra naman niyang talino. "Kanina ka pa tinatawag ni Prof,
tanga neto."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Huh?"

"Ms. Delacruz," agaw pansin na sigaw ni Sir Jerry.

"A-ano po?" kinakabahang tanong ko.

Kumunot ang noo nito at hinampas ang kamay sa white board. "What is the answer to number
15."

Kinabahan lalo ako dahil sa sinabi niya. Nag exam ba kami? "Number 15 po? Uhm "

Ang tahimik naming kwarto ay napuno ng sigawan at tawanan ng mga kakalse ko. Bakit? Mali
ba ang sagot?

"Delacruz! Out!" Sigaw ni Sir.


Hindi na ako nagtanong dahil alam ko na inis na inis na naman si Sir sa akin. Kinuha ko lang
ang bag ko at naglakad na papunta sa pinto.

"Di naman tayo nag quiz, at wala ka dapat na isasagot. At may naisagot ka? Saan mo kinuha
yan?" Dakdak pa ni Sir bago ko lumabas.

Di ba dapat matuwa pa siya? Dapat wala akong sagot, pero sumagot ako. Si Sir talaga o, di
nakukuha ang logic, naturingang Philosophy teacher pa. Tsk, tsk.

Naglakad ako papunta sa soccer field kasi malakas ang hangin dun, masarap mag isip. Lokohin
ko sarili ko.

Sa soccer field ay malapit ang building ng college of Architecture, at si Killian ay isang Archi
student.

Kabisado ko ang sched niya kaya alam ko na may klase siya ngayon sa Algebra. Pero laking
pagtataka ko nang makita ko siya na nakaupo sa di kalayuan at nakatulala sa kawalan.
"Killian!" Sigaw ko dito, hindi pa rin niya ako napansin.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at kinalabit siya. "Kill. Bakit ka nandito?"

Humarap ito sa akin. "Era!"

He gave me his sweetest smile and continued, "Wala akong Prof ngayon. Ikaw bakit ka
nandito? Hindi ba't may klase ka ngayon? Anong subject nga kasi?"

I frowned. "Pinalabas na naman ako. Philosophy."

Hindi na ako nabigla nang hilahin niya ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya. "Ikaw
talaga," sabi nito.
Napahawak nalang ako sa batok ko nang nakaramdam ako ng hiya sa kaniya. Ganito naman
lagi kapag malapit siya sa akin, di naman niya napapansin, manhid e.

Natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Ang mga mata niya na nangungusap at
para akong nilulunod sa pagtingin dito.

Hindi ko man aminin, naniniwala ako na ang lalaki na nasa loob ng panaginip ko ay ang tao na
makakasama ko habang buhay, ang taong pakakasalan ko.

At hindi ko mapigilan na hilingin na sana-- sana si Killian Marco Montelleano ang taong iyon.

Malapit na ang graduation, limang taon na rin ang nakalipas. At hanggang ngayon ay malaki
pa rin ang pagasa sa puso ko na si Killian nga ang lalaki na 'yon. Hindi naman masama na
pangarapin ang isang bagay diba? Kahit ba gaano pa ito kaimposible.
Sa awa ng Diyos ay nakapasa naman ako at makakatungtong sa stage ang Mama ko. Pero di
gaya ni Killian na Suma Cumlaude ng Architecture, gumapang lang ang grade ko para maka
graduate.

Habang tumatagal, lalo kong nakikita kung gaano kalabo ang pangarap ko na mapasaakin si
Killian, lalo ko lang nakikita ang layo namin sa isa't isa. Malabo, madilim at walang
kasiguraduhan.

I'm afraid that I might lose him anytime soon, that I might be force to let him go.

Pagkatapos ng graduation, nang tumungtong na ang Abril hindi ko na napansin na birthday ko


na pala. Nung nag eighteen ako ay hindi ako pumayag na maging magarbo ang celebration.

Unang-una, kailangan pang umuwi nila Mama para lang sa isang araw na kaarawan ko.
Pangalawa, sayang lang sa pera, hindi ko naman kailangan icelebrate ang birthday ko kasama
ang mga tao na hindi naman ako gusto.
At pangatlo, hindi ko gusto na may sumayaw sa akin kahit sino. Dahil kung di niyo nalalaman,
isa akong hopeless romantic at isa sa pinangako ko sa sarili ko ay ilalaan ko ang lahat ng 'first'
ko sa taong mamahalin ko --and that doesn't exclude my very first dance with a man.

But this time, I have no choice. My parents are right now infront of me, smiling from ear to ear
after breaking the biggest joke of the season. Darn it! They want me to have a 'princess-like'
celebration this year for my birthday.

"Pero Ma--" tututol na sana ako nang may nakita akong pumasok sa pintuan ng bahay namin.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko sila Tita, walang iba kundi ang mga magulang ni Kill.
Masayang tumatakbo si Tita papalapit sa akin, si Tito naman ay tinanguan lang ako at ginulo
ang buhok ko habang nakayakap sa akin si Tita.

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok naman doon si Killian. At katulad nalang ng mga
araw na nakikita ko siya, para paring humihinto ang mundo ko tuwing mag tatama ang tingin
namin.
"Era, anak, pumayag ka na," ani Tita.

Napakamot lang ako sa ulo ko. "E makakahindi pa po ba ako sa inyo?"

Impit na tumili si Tita kaya napabalikwas ako. "Simulan na natin!"

Tumingin ito kay Killian. "Killian! Hindi pwedeng may ibang isasayaw si Era ha! Ikaw lang anak,
ikaw na din ang escort niya."

At si Killian na isang masunurin at mapagmahal na anak na kahit kailan ay hindi sinuway ang
kaniyang mga magulang ay tumango lang at sinabing, "Yes, Ma."

Tiningnan ko lang si Killian. Gusto ng mga magulang namin na kami ang magkatuluyan, noon
pa man at hanggang ngayon ay buo pa din ang desisyon nila tungkol dito.

Paano kung dumating ang panahon na dahill lang hindi niya kayang suwayin ang mga
magulang niya ay mapilitan siya na mahalin ako?
O papaano kung sa kauna-unahang pkakataon ay suwayin niya sila Tita at Tito dahil hindi niya
kailanman kayang mahalin ang isang Zero Dela Cruz?

At ang kinatatakot ko ay, kahit ano man sa dalawa ang mangyari ay masasaktan parin ako ng
sobra-sobra. At kapag dumating ang panahon na iyon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin
ko.

Nakatingin ako sa mga mata ni Killian at kahit noon pa man ay hinuhulaan ko na ang kung ano
man ang iniisip niya pero hindi ako nagtatagumpay.

Hinawakan ko ang pisngi niya at halo-halong emosyon ang mayroon ako ngayon dahil sa
nangyayari. Masaya ako dahil kaarawan ko ngayon, mabilis ang pagkalabog ng puso ko dahil
sa tingin ni Killian at dahil sa kamay niya na nakahawak sa bewang ko habang sumasayaw
kami dito sa gitna.

Kinakabahan din ako dahil pakiramdam ko ngayon na ang araw na pinaka ayaw ko na
dumating pa at punong-puno din ng pait at sakit ang puso ko ngayon dahil may parte sa akin
na gustong gawin ang tama.

Yun ay ang pakawalan siya.

Dahil hindi ko kaya na makita siya na sinusuway ang magulang niya dahil lang sa akin o
makulong man sa taong hindi niya mahal. Nagtatalo ang puso ko na parang nahati sa dalawa.

At parang nananadya ang tadhana at lalo pa akong pinressure nang biglang lumuhod si Killian
sa harapan ko. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang nangyayari.

"Will you marry me, Era?" Aniya.

Alam ko na. Alam ko na mangyayari ito. Hanggang ngayon hindi ko parin ang dapat kong
gawin pero na sa akin ang desisyon.

Hindi kalayuan ay nakita ko sina Tito at Tita na nakangiti lang sa akin, sa tabi nila ay sina
Mama katabi si Papa na nakaakbay sa kaniya habang tinatahan siya dahil naiyak na si Mama.
Sa likod nila ay naroon ang Ate at Kuya ko. Seryoso silang dalawa at hindi nakangiti, dahil
alam ko na alam nila at gusto nila na gawin ko ang tama.

Binalik ko ang tingin ko kay Killian na nakatingin sa akin at hanggang ngayon ay sinusubukan
ko paring malaman ang iniisip niya.

Gusto kong gawin ang tama, pero hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. I am so torn. I
am not smart, why should I handle such a big thing?

A tear fell from my eyes as nod and gave my answer. "Yes."

We have been so busy with all the preparation for our wedding. Killian is busy as well because
the Architectural firm his grandparents built has been passed to him recently by his Papa.
He is so busy but he always help me in preparing too. But most of the time, hindi siya ang
sumusundo sa akin kundi ang driver niya at minsan tapos na ang meeting namin sa event
coordinator or sa kahit ano pa ay doon palang siya darating.

But still I manage to finish it all, and we are just waiting for a week for our wedding. They are
all excited, except my brother and sister that talks to me about it all the time.

They want me to do the right thing but I keep on convincing them that this is the right thing.
But I am wrong, who am I joking? I'm convincing myself.

I never thought my decision is wrong-- oh cut that out-- I still haven't realize that my decision is
the most cruel and stupid thing I ever did.

And right now, in front of me is the proof that from day one, this is all wrong. This love is so
wrong. But it is still so painful to be punched my the reality.

"Killian pare, sigurado ka na ba?" Tanong ni Jim kay Killian.


Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kill sa tanogn ni Jim-- bestfriend niya. "Hindi ko alam Bro.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin," sagot niya.

"Mahal mo ba?" Tanong muli ni Jim.

Pagak na tumawa si Kill. "Alam mo naman kung ano ang sagot diyan."

"E ano nga?"

Ginulo nito ang buhok niya dahil sa inis. "Hindi. Hindi! Hindi ko siya kayang mahalin ng higit pa
sa kaibigan."

Napahawak ako sa dibdib ko ng naramdaman ko ang pagkirot nito, isang pamilyar na sakit ang
naramdaman ko. Napatingin ako sa papa ko, para akong nasimento na dito, hindi ako
makagalaw.
Knowing the truth for so long is really, really painful but hearing the truth from that person is
hundred times more painful.

Tumingala ulit ako tumingin sa dalawang lalaki dahil bigla itong tumahimik. Kasabay ng
pagtulo ng luha ko ang pagtama ng paningin namin ni Killian. Ang sakit naman.

"Zeruiah," he called.

I can't move and I don't know what to do next. I know that my feelings should be limited, I
should not feel mad because in the first place I was the one who pursue this.

But the pain is inevitable.

I turned my back only to see my whole family looking at me worriedly. I looked at my sister and
brother who just shrugged and walked away. I shifted my attention to my Tita and Tito, they
are looking angrily at Killian.
And I looked at my parents, disappointment is visible in their eyes. I looked back at Killian, and
for the first time since the day I met him, I got to read his eyes. It's full of pain and it looks like
he doesn't know what to do.

I moved to a part in this place where I can see everyone. I breathe deeply wiped my tears away
and started to speak.

"For the first time in my life, there is something I want to do so much," I said.

I looked at Killian. "And that is to marry you."

"Noon pa man, I was a 'Zero' and Killian is the 'One'. It feels like, those two numbers is so close
to each other and most of the time, they were used together," I smiled at them.

"One without zero can't be ten, a hundred, a thousand nor a million. But zero is nothing
without one, it will remain useless. I know all of you are smarter than me so you will
understand that," I said and laughed.
Lumapit ako kay Killian na tahimik parin na nakatingin lang sa akin. Hinawakan ko ang pisngi
nito kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I know I don't this to you, I know that you already know
that I love you."

Napahikbi ako at napapikit. Ang sakit talaga. "I am sorry, Killian. Sorry, bestfriend ko kasi
nangako ako sayo na hindi dapat ito mangyari sa ating dalawa pero ako din ang sumira nito."

"Alam ko naman na, noon pa man. Kaya lang, mas masakit pala kapag nanggaling na talaga
sayo. Ang sakit sakit, Killian. S-sana hindi mo ito maranasan. Kaya kayo--" Tumingin ako kina
Mama.

"Ma, Tita, huwag niyo na pong hahayaan na maulit pa ito. Never, ever force us to love anyone
because that love will never be pure and true."

Lumapit ako kay Tita na humihikbi na ngayon dahil sa sobrang iyak niya. "Tita, salamat po sa
lahat. At sorry din po." Niyakap ko siya ng sobrang higpit pati na rin si Tito.
Sunod ko naman nilapitan si Mama at Papa. "Mama! Sabi mo masarap umibig, hindi naman
pala. Joke time ka Mama. Pero Pa, Ma matalino naman kayong dalawa kahit sila kuya pero
bakit po ang tanga-tanga ko."

"A-anak," umiiyak na ani Mama.

"Ma, ang tanga ko," sabi ko at niyakap siya. "Kasi ako ang dahilan kaya ako nasasaktan. Jusko
naman, masasaktan nalang, sarilig katangahan ko pa din ang may dahilan?"

Pagak ako tumawa nang makita ang mga mukha nila. "O bakit kayo umiiyak? Kayo ba ang
heart broken? Hindi naman kayo ang ikakasal a?"

"Kill! Tama na ha." Tumingin ako kay Killian at nilapitan muli ito. "Wag na tayong magsakitan,
itigil na natin ito."

I removed my engagement ring and put it on my palm and closed my hands. My other hand
reached for his hand, I put the ring there. "I know I shouldn't be mad but Killian, hindi ka na
dapat nag-propose, ang sakit e. Ang hirap-hirap mong pakawalan."
I looked at everyone and smiled. "In spite of all possible problems to come, the Zero, right
here, let go of his is number One." I smiled.

Who would've thought that I will be standing in front of Harvard freaking law school someday,
and take note, not just to visit somebody but to study!

Yes, I took an entrance exam and went through a lot of trouble just to enter this school. I mean,
how is that even possible? I am a zero!

But I want to open myself into a new


Study Law.

Meet Theo.

Friends.

Ideal.

Loved.
Come back home.

Reunion.

Meet, Theo. My answer.

Engagement.

Closure. "...that man in my dream, is not you."

Because after all, One is not the only number out there. There is someone who will be able to
fit with it.
Masarap magmahal, masarap makaramdam ng pagmamahal mula sa lalaki na espesyal para
sayo, kung saan pinaparamdam niya sa iyo ang mga bagay na hindi mo nararamdaman sa iba,
pero mas masarap ang pagmamahal kapag ito ay hinintay. Dahil alam mo na sa hinaba-haba
man ng paghihintay mo, sapat na ito para mapatunayan mo na hindi nasayang ang hinintay
mo dahil ang tao na ibinigay sa iyo ay higit pa sa kayang ibigay ng kahit sinong lalaki na
nakilala mo. Dahil ang lalaki na iyon ay ang para sayo.

You might also like