You are on page 1of 10

Kabanata 1

Ayoko

"Ayoko na!" anunsyo ko at agad na tumayo.

Tinignan ako ng masama ni Cena, bago ako hinila paupo ulit.

Binalik niya ang tingin niya sa Monopoly Board at saka niya inayos ang
mga iba't ibang kulay na pekeng pera.

"Wag kang korny a, di pa tayo tapos, wag kang madaya," inis na sabi niya.

Napakamot lang ako sa ulo ko dahil sa pagkabigo.

"Ano ba ate? Walang sukuan, daya mo naman e," komento ng kapatid


kong si Sahara.

Sinamaan ko siya ng tingin bago napahalumbaba nalang. Wala naman


akong magagawa.

"Talo na kasi ako e, bat kailangan pa ituloy?" Reklamo ko.

"Ano naman ngayon kung talo ka na? Kapag ba natalo ka na, ibig sabihin
tapos na din ang laro? Sayo ba nakabase ang pagtatapos at pagsisimula
nito?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita, kalalabas lang niya ng kusina


namin. May hawak itong tasa at libro sa magkabilang kamay.

Inirapan ko lang siya.

"Kasama ka ba? Magtigil ka na nga lang," inis na balik ko sa kapatid


naming bunso.

Blanko lang itong tumingin sa akin saka naupo sa sofa namin.

"Kung sumali ako jan, kanina pa ako panalo. Kaya magpasalamat ka."

Hinampas siya ng throw pillow ni Sahara pero nakaiwas din siya.


"Yabang mo!" Sigaw ni Cena bago tumawa.

Kinindatan lang ng kapatid ko si Cena.

Hapon na at nakatambay ngayon kami ni Cena sa azotea ng pangalawang


palapag ng bahay namin, habang nagkakape.

"Nasaan na boyfriend mo?"

Nagtataka akong tumingin sa kaniya kahit alam ko na kung sino ang


tinutukoy niya.

"Huh?"

Nagdududa naman itong tumingin pabalik sa akin.

Tumawa lang ako. "Sino nga?"

Huminga siya ng malalalim bago sinabing, "Si Ruan Augustus? Kailangan


ko pa bang pangalanan?"

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa narinig kong pangalan. Mabilis


talagang makatunog ang isang 'to.

"Hay nako Shafiera Sandoval, kilala kita mula ulo hanggang paa," sabi
niya.

Pinakita niya sa akin ang likod ng palad niya. "I know you like the back of
my palm."

Napayuko ako at huminga ng malalim. "Alam mo naman Cena diba? Mag


best friend lang kami."

She chuckled. "E b'at malungkot ka?"

"Dahil--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan
ng azotea at niluwa nito ang taong pinaguusapan namin.

"Shaf! Kanina pa kita hinahanap!" Nakakunot noong saad nito.

Dun lang niya napansin ang kasama ko. Nginitian niya si Cena at binati.

"Oh Ate Cena, andito ka pala?"

"Ay hindi wala ako dito, aparisyon ko lang to, nagkakamali ka."

Tinawanan lang niya ito saka lumapit sa akin.

"Tara na, ngayon tayo bibili ng camera diba? Nakalimutan mo na naman


ba?"

Kinuha niya ang kamay ko saka binalingan si Cena.

"Ate Cena, sama ka?"

Umismid lang ang kaibigan ko.

"Wag na, uuwi na din naman ako. Ayaw niyo naman ako isama e,"
pangungulit nito.

Hinampas ko siya at tinignan siya ng masama.

Sinundan ng mga mata ko ang paningin ni Cena at nakatutok ito sa


kamay ni August na nakahawak sa akin.

Nginitian ako ni Cena saka tumayo na. "Di na, aalis na ako. Dadating si ate
Meadow ngayon, susunduin namin."

Iniwan niya kami doon at lumabas na.

Binalingan ako ni August. "Naligo ka na ba?"

Natawa ako. "Oo naman! Anong akala mo sa kin?!"


Ngumiti siya, yung labas ang ngipin. "Di ako naniniwala."

Pinasingkit ko ang mga mata ko at tinignan siya ng masama.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nauna nang


pumasok.

Naabutan ko doon si Cena na kausap si Mommy. Binalingan nila akong


dalawa ng tingin na agad naman nilang binawi.

"Sige na po, Tita. Susunduin pa po namin si Ate. Baka po pumunta kami


nila Mama dito mamaya o bukas," paalam nito sa Mommy ko.

"Sige sige, Hija. Paki sabi sa ate mo ay maligayang pagbabalik," tuwang


tuwang bilin ni Mommy.

"Bye Cena."

Tinanguan lang ako nito at bumaba na.

Bumaling si Mommy sa amin pagkatapos.

"S'an punta?" tanong niya sa akin pero kay August siya nakatingin. 

"Tita, bibili lang po kami ng camera ni Shaf. May bago po kasi ngayong
nauuso, gusto lang namin itry," sagot ni August dito.

Naglilipat-lipat ang tingin ni Mommy sa aming dalawa ni August.


Nagaalangan itong tumango bago kami hinayaan na umalis na.

Nagkakabit ako ng seatbelt nang mapansin ko ang nagtatagal na titig ni


August sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Nagsukatan kami ng tingin ng mga ilang segundo bago siya nagsalita.

"Naligo ka ba?"
Hinampas ko ang braso niya, dahil sa tanong ng bwisit kong kaibigan.

"Sinabi nang oo, eh! Tara na nga! Magdrive ka na!" Inis na sigaw ko bago
itinuon ang tingin sa harapan.

Isa't kalahating oras ang nakalipas bago kami nakarating sa mall.


Umuualan pa, kaya kahit naka jacket na ako nanunuot pa din ang lamig.

"Tara nga dito," saad ni Augustus at inakbayan ako.

My heart skipped a beat because of his sudden action. Hindi na ako


nagtaka kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.

I just realized a few months ago, or better to say, I just finally accepted
that I, Shafiera Macy Sandoval, fell in love with my best friend, Ruan
Augustus Ferrer.

Sabi nga nila, 'Lintik na pagibig yan.' Kapag nga pala tinamaan ka, wala
kang magagawa, hindi mo kayang pigilin ang damdaming nangigigil.

Naalala ko noon, sabi ng bunso naming kapatid, hindi daw maaring


maging magkaibigan ang lalaki at babae. It is only either you will consider
him as family or something else.

Binabalot ang bago naming active camera nang may dumaang mga
kakilala-- kaklase namin sa workshop noong nagenroll kami para sa basic
photography ilang taon na ang nakakaraan.

Mahilig kaming pareho ni August sa pagkuha ng litrato o pag vivideo,


nakagawian namin na gumawa ng isang video blog tuwing namamasyal
kami.

Imbes na katuwaan lamang ang aming hilig ay naging paraan namin ito
para kumita ng pera. Kaya naman nagaral kami pareho sa professional
school para mas matuto pa kami.
Kaya ang noo'y kababata ko lamang at hindi ko masyadong kinakausap
na si Augustus ay naging pinaka matalik kong kaibigan, sunod kay Cena
Zapanta.

Iniisip ko minsan na baka dahil sa madalas ko lang siyang kasama kaya


ganito nalang ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Pero tuwing nararamdaman ko na totoong totoo ang sakit sa dibdib ko


tuwing pinaparamdam niya sa akin na hindi kami pareho ng tibok ng
puso ay naiisip ko na tunay nga ang lahat ng ito.

Gaya nalang ngayon.

Inabala ko nalang ang tingin ko sa pagbasa ng instruction manual ng


bago naming active camera, habang nakikipag kwentuhan si August sa
isa sa babaeng naging kaklase namin.

"We are here to eat! Come with us, August!" The girl invited us while
giggling like a baby.

Tumingin sa akin si August pero agad niyang binalik ang tingin niya sa
babae na hindi ko man lang maalala ang pangalan.

I thought he would ask for permission from me or just immediately reject


the girl but in contrary to what I thought, he agreed faster than LTE.

Damn!

"Tara!" Aya ng lalaking kaklase din namin.

Sumunod nalang ako sa kanila, kasi baka magmuka akong tanga dito
kung tatayo lang ako habang nakatingin sa lalaking mahal ko na kadikit
ng kung sinong babae na sinasabayan siyang maglakad.

"Shafiera? Tama ba? Or d-do you want me to call you--" panimula ng


lalaki na sumasabay naman sa aking lumakad.

I cut him off and said, "Yes, you can just call me Shafiera."
Muka kasi siyang kinakabahan. Trying hard din ang pagpipilit niya na
magsimula ng conversation. Masyado siyang halata.

This guy is attracted to me. Oh another dilemma.

I looked at him and smiled at him for respect. He answered me with an


awkward smile. Napahawak din siya sa batok niya. Ramdam na ramdam
ko tuloy na nahihiya siya.

"Wait," I stopped from walking.

Tila nagulat yata siya sa paghinto ko kaya huminto din siya.

"I'm sorry but what is your name again? Ke--" I asked but he butt in
midway.

"Kevin, Shafiera, Kevin with a 'V', yun nalang ang itawag mo sa akin,"
nahihiyang sabi nito saka inilahad ang kamay sa akin.

Nakakunot ang noo kong tinanggap ito. Pero sa isip ko ay hindi ko


maintindihan bakit ako nakipagkamay sa kaniya gayong magkakilala na
kami.

Nasa ganoong ayos kami nang tinawag ni August ang pangalan ko na


ngayon pala'y nakahinto na din at pareho sila nung babae na nakatingin
sa amin.

Nahihiyang binawi ni Kevin ang kamay niya at humawak muli sa batok


niya.

Mahigit isang oras na kaming magkakasama sa isang resto kaya naman


ganun na din ako katagal na nagtitiis na manahimik gayong ang kaloob
looban ko'y nagngangalit na.

Tuwing magtatama ang paningin namin ni Augustus ay puno ng


panunuya ang nababasa ko sa kaniya. Alam na alam naman niya ang
ikaiinis ko, talagang kinatutuwaan pa niya.
"Gusto mo pa ba ng leche flan?" Tanong ni Kevin habang nilalahad sa
akin ang lalagyan nito.

Leche flan? Leche ka.

Kanina niya pa ako tinatanong ng kung anu ano. Siya din ang naglagay ng
palabok sa pinggan ko, pati na din iced tea sa baso ko siya na din ang
nagsalin.

Ngayon lang ulit kami nagkita, at sa totoo lang ngayon ko lang din
nalaman ang pangalan niya tapos kung makaasta siya parang matagal na
kaming magkakilala.

Whenever Kevin asks me questions, I would just awkwardly smile. Then


August will smirk, as if my dilemma is his amusement.

Ilang minuto pa kami nanatili doon bago napagpasyahan na umalis na.

Nagmamaneho si August pabalik sa bahay namin habang ako'y wala


parin sa mood dahil sa nangyari kanina.

"Shaf," tawag niya.

Nakailang tawag pa siya pero hindi ko pinapansin, kaya naman kinalabit


na niya ako.

"Uy Shaffy," hirit pa niya.

Nang di ko pa din siya pinansin ay hininto na niya ang sasakyan sa tabi at


agad akong hinarap.

"'To naman, nagalit agad. Sorry na," paghingi nito ng tawad.

Binalingan ko siya habang masama padin ang timpla ko.

Hindi na siya nagulat nang masalubong ang nakakamatay kong tingin.


Tumawa lang siya ng mahina at napailing.
"Ayaw mo ba kay Kevin? May itsura naman a?" Pangagatong niya sa inis
ko.

Inabot niya ang mobile phone niya sa dashboard at kinalikot ito.

"Send ko sayo yung number niya," wala lang na sabi nito.

Hinablot ko ang hawak niya at inihagis ito sa bandang likod ng sasakyan


dahil sa inis ko.

Nagulat man ay tumawa na siya ng malakas nang makabawi.

"Kahit kailan ka talaga Shafiera!" Komento niya, hindi padin tapos sa


pagtawa.

Napahawak na siya sa tiyan niya dahil sa matinding pagtawa. Habang


ako'y kagat lang ang ibabang labi at nagpipigil na saktan siya.

"Ano ka ba naman! Ano naman masama doon? Hindi ka na bata, 26 ka na


sa January! Wala ka pa din bang nagugustuhan?" Sunod sunod na
pangiinsulto nito pagkatapos makabawi sa pagtawa.

Sino ba kasi nagsabi sayo na wala? Bulong ng isip ko.

"Ate Shafiera! Tatanda ka na naman! Di ka pa nakakaranas magkajowa!"


Insulto niya muli bago tumawa.

Palibhasa mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon, kung magsalita


siya para bang ang tanda tanda ko na.

Nang makahuma ay pinaandar na niya muli ang sasakyan. Pero panaka


naka padin itong tumitingin sa akin at tumatawa ng mahina.

"Pero sa totoo lang Shaf, wala namang masama a. Bakit hindi mo


subukan? Malay mo may magustuhan ka? Tumingin ka din kasi pabalik sa
mga lalaking nahuhumaling sa iyo," litanya niya.

Huminga lang siya ng malalim nang di ako sumagot.


"Tignan mo nga ako. Kinuha ko nga din yung number ni Ashley kanina e.
Kasi malay mo diba? Kami pala ang soulmate?"

Soulmate my ass. I answered in my mind.

Hindi ba niya nararamdaman na nasasaktan ako dahil sa mga sinasabi


niya?

Pero ano nga naman bang magagawa ko, e hindi naman niya alam kung
anong nararamdaman ko.

"Subukan mo lang, please Shaf, para din naman sayo ito."


Pangungumbinsi nito sa akin.

Matagal na katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa bago ko ito


binasag.

"Ayoko," simpleng sagot ko.

Huminga lamang siya ng malalim saka nagpatuloy nang magmaneho.

Ayoko.

Hinding hindi ako titingin sa iba hangga't hindi mo ako binibigyan ng


pinakamagandang dahilan para itigil ang nararamdaman ko para sa iyo,
Augustus.

GOODVIBES1LY

You might also like