You are on page 1of 13

Kabanata 2

Akin

"Anong oras ang uwian mo Shafiera?" tanong ni Mommy sa akin habang


kumakain kami ng agahan.

I checked my watch first before answering.

"Mga ala sinco po, Mommy."

Binalik lang niya ang tingin niya sa pagkain at tumango tango.

"Ikaw Kuya Sylas? Aalis ka?" tanong ko sa kapatid ko na tahimik lang na


kumakain sa tabi ko.

Napangiwi lang ako nang hindi niya ako pinansin. Wala na naman sa
wisyo ang kuya ko.

"Umuwi kayo ng maaga, dito maghahapunan ang mga Zapanta,"


anunsyo ni Mommy.

Agad na bumalik ang tingin ko kay kuya at napaismid nalang. Kaya pala.

Ilang minuto pa kaming tahimik na kumain. Walang nagsalita hanggang


sa matapos kami.

Kaagad namang nilinis ng mga katulong ang pinagkainan namin.


Nagpasalamat ako at lumabas na ng dining room.

May pasok ako ngayon sa ospital para anim na oras na duty kaya
nagmadali na akong umakyat.

Pero wala pa ako sa kalahati ng hagdan nang tawagin ako ni Mommy.

"Po?"

"Sabihan mo na yung dalawa mong kapatid na kumain na kamo. Tanghali


na naman silang gumigising."
Tukoy ni Mommy sa dalawa kong nakababatang kapatid. Isang nagaaral
ng Pre-med at isang Senior Highschool student.

Napakamot lang ako sa ulo ko.

"Mom, madaling araw na nagsitulog yung mga yun."

Nagpatuloy nalang akong umakyat nang di niya ako sinagot.

"At Shafiera," pahabol muli nito.

Napahinto ako ulit at naiinis nang humarap ulit sa kaniya.

"Ano na naman?" Inis na tanong ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tinitigan ako. Hindi siya


nagsalita ng isang minuto kaya nainip na ako.

Akmang aakyat na muli ako nang sa wakas ay magsalita na si Mommy,


pero parang gusto ko nalang tumuloy umakyat nang mapagtanto ko kung
ano ang gusto niyang sabihin.

"Magkasama na naman kayo ni August kahapon a. Sinasabi ko sayo


Shafiera ah, kaibigan ko ang Mama niyan. Kahit sino wag--"

Hindi ko na siya pinatapos at nagpatuloy na ako sa pagakyat dahil sa inis.

"Wag kang magalala, Mommy. Wala naman talagang pagasa," malungkot


na bulong ko sa aking sarili.

Pinatunog ko ang alarm ng sedan ko at bumaling sa kapatid kong bunso.

"Ate, waffles ah!" Bilin nito bago inabot sa akin ang jacket ko.

"Oo na! Sige!"

Narinig ko pa siyang magbunyi bago ako sumakay sa kotse ko.


Tatlumpung minuto ang lumipas bago ako nakarating sa ospital na
pinapasukan ko.

Alas otso pa naman ang duty ko kaya dumaan muna ako sa cafe sa tabi ng
ospital para bumili ng inumin.

Iilan lang ang tao sa cafe kaya mabilis lang din ako nakalabas.

Pagdating ko sa reception ospital ay naabutan ko doon si Abigail na


parang wala sa sarili.

"Oh anong nangyari na sayo?" bati ko sa kaniya.

Bigla siyang nabuhayan nang makita ako.

"Fiera, antok na antok pa ako," reklamo nito.

"Huh? Diba sabay lang tayo ng duty?"

Hinablot niya sa kamay ko ang kape na dala ko at saka ito dahan dahang
hinipan ay tinikman.

"Akin ba ito?" Tanong niya habang nilalapat sa pisngi niya ang lalagyan
ng kape.

"Akin nalang ah? Laming ngayon, jusmiyo," reklamo niya pa.

Inirapan ko lang siya at naupo na sa tabi niya. Nagsimula na akong mag


time-in dahil mag aalas otso na naman.

"Nagclubbing kasi ako kagabi," pag amin ni Abigail ilang saglit.

Napatango lang ako at nagsimula nang magtrabaho.

"Nurse Sandoval."

Nasa panghuli na akong ward para magdala ng gamot sa mga pasyente


nang may tumawag sa akin.
Paglingon ko ay ang Head Nurse pala ng buong Jairo Medical Center ang
tumawag sa akin.

Nagulat man ay agad din akong lumapit sa kaniya.

"Yes , Ma'am?" Magalang na tanong ko.

Tumuro siya sa labas at nang tumingin ako sa mga mata niya ay


kumikinang ito.

"May naghahanap sayo," tila kinikilig na sabi niya.

Nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy niya.

"Ha? Sino daw po kaya?"

"Aba malay ko. Baka boyfriend mo? Ikaw ha, di mo man lang sinasabi na
gwapo pala ang kasintahan mo," mapanlokong sambit niya at tinusok pa
ang tagiliran ko.

I awkwardly smiled at her.

"P-pero may mga pasyente pa po ako," sabi ko at binalingan ang mga


pasyente na nakatingin pala sa amin.

Binalingan din sila ng head nurse.

"Ako na bahala sa kanila, sige na."

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"Sige na, mag aala sinco na naman, mag out ka na."

Ilang segundo pa akong hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya.

Pinanlakihan ako nito ng mata at saka nginuso ang labas.

"Alis na! Wag mong pag antayin si pogi!" Sigaw nito.


Napadiretso ako ng tayo at tumango tango sa kaniya.

"Ah! Sige po, Ma'am. Salamat po!"

Lumabas na ako pero nilingon kong muli ang pintuan dahil sa pagtataka,
sumungaw doon ang ulo ng head nurse doon.

"Pakilala mo ako minsan a!" She said then giggled.

Napapailing nalang akong lumapit sa reception. Nagtataka parin sa kung


ano man ang nangyari.

"Shafiera!" Pigil-sigaw na tawag sa akin ni Abigail na nagbabantay


reception desk.

"O? Ano?" Inis na tanong ko habang pumapasok.

Humawak siya sa braso ko at pilit akong pinalalabas muli, para siyang


isdang namamalipit sa kilig.

"Wag ka na dito, na time out na kita. Labas na bilis! Anjan si jowa mong
gwapo."

Napahilamos lang ako sa muka ko bago sapilitan na inalis ang kamay


niya. Sino ba ang tinutukoy nila.

"Sino bang jowa?" Inis na bulong ko sa kaniya.

Tumingin ako sa paligid at may mga guest at ilang pasyente ang


nakatingin na sa amin dahil sa kakulitan ng isang to.

"Basta! Yung kasama mo nung nakaraang araw!"

"Huh? Sino?" Naguguluhang tanong ko.

"Si ano! Yung kasama mo sa Palawan last month! Yung dun sa vlog mo!"

Nagulat ako nang mapagtanto na si August ang tinutukoy niya.


Impit na tumili siya nang makita ang reaksyon ko. Napapikit ako dahil sa
inis.

"Ang ingay ingay mo, lagot ka na naman kay Doc. Tabi nga jan, kukunin
ko lang bag ko," sabi ko sabay tulak sa kaniya paalis sa daan.

She just crossed her arms, "Hmp, wala akong pakialam sa asawa ko.
Gagawin ko kung anong gusto ko."

Binale wala ko lang siya at nilampasan. Pumasok na ako sa reception


desk para hanapin ang bag ko.

"Uy! Labas na jan! Wala na jan ang gamit mo, nandun na kay jowa."

Ngumisi siya sa akin at tumingin ng mapanloko.

"May date kayo no?"

Ngumiwi ako at nagpaalam na lang.

Matipunong likod ni Augustus ang naabutan ko sa lounge area. May


dalawang matanda lang ang kasama niya doon.

Siya naman ay busy sa pagkalikot sa cellphone niya.

Tahimik na umupo lang ako sa tabi niyang sofa at inabot ang bag ko na
yakap niya.

Agad na nagliwanag ang muka nito nang makita ako. Nginitian ko din siya
pabalik.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

Umiling lang siya bilang sagot.

Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang cellphone ko pero


nabaliktad ko na ito pero hindi ko padin makita.
Akmang aalis na ako para balikan dahil baka naiwan ko sa locker nang
pigilan ako ni August.

Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa palad ko ang aking cellphone.


Sandali ko itong tinitigan bago napagtantong ito pala ang kinakalikot
niya kanina.

Tinignan ko siya ng masama at binatukan siya. Natatawang pinaupo niya


lang akong muli.

"May performance ang ilang banda mamaya sa may Central Plaza, nuod
tayo," aya niya.

Papayag na sana ako nang maalala ang bilin ni Mommy kaninang umaga.

"Hindi pwede, sabi ni Mommy, sa amin kakain ng dinner sila Tita Maxwell
mamaya. Maaga akong pinapauwi. Alam mo na."

"Hmm, hindi sumama ka na sa akin," pamimilit niya.

Tinaasan ko siya na kilay. Seryoso ba siya sa gusto niyang mangyari?

"Ano bang pinagsasabi mo? Lagot tayo sa mga magulang ko," pananakot
ko.

Nagkibit balikat lang siya. "E ano?"

"Adik ka ba? Alam mo naman kung paano magalit si Mommy. At isa pa,
anjan si Ate Meadow. Patay ako kay Kuya Sylas kapag hindi ako dumating
ng maaga."

Tinawanan niya lang ako.

"Nagbibiro lang ako. Nakasalubong ko si Tita Maxwell kanina sa mall,


kasama si Moab. Nag grocery sila para sa dinner niyo daw."

Tumigil siya kaya, naiinip kong hinampas ang braso niya.


"Sabi ni Tita, pumunta daw si Ate Meadow sa opisina nila sa Baguio,
bumaba lang daw saglit. Mamaya pang ala syete ang balik. Kaya nilipat
nila ang hapunan niyo ng alas otso."

Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan. Napatitig ako doon.

"Kaya tara na. At isa pa, andun naman ang kapatid mo mamaya saka
yung mga kabanda niya."

Gulat akong tumingin sa kaniya.

"Ha? Sino?"

Nagkibit balikat lang siya at hinila na ako patayo.

"Tara na, sabay nalang natin siya mamaya pauwi sa inyo."

Madaming tao sa plaza ang naabutan namin. Hindi ako madalas makakita
ng gantong scenario dahil kaunti lang naman ang populasyon dito sa
aming bayan.

Nakatira kami sa isang maliit na bayan sa mas mataas na parte ng


Benguet, isa't kalahating oras mula sa La Trinidad. Madalang ang araw
dito sa amin at minsanan lang din ang ulan pero palaging malamig ang
panahon.

Noong panahon ng mga Americano ay isa lamang ito sa mga baranggay


ng Kabayan Benguet, lugar ito na nagsisilbing taniman ng mga gulay at
ilang prutas.

Maliit lamang ang baranggay ngunit isang alkalde ang nagandahan sa


lugar na ito, iyon si Don Jairo Sandoval, ang aming Lolo Iro.

Pinaganda niya pa lalo ang maliit na baranggay, nilagyan ng mga


bahayan, ipinalinis ang magandang lake--na ngayo'y pangunahing
dinadayo dito sa amin.
Maging ang kaniyang mansyon, na ngayo'y bahay na namin, ay
napagdedisyon niyang ilagay sa maliit na baranggay.

Nang mapangasawa niya si Cladestine Morris, isang Americano na anak


ng noo'y kapitan ng hukbo ng mga dayuhan na nakatira sa Camp John
Hay, ay mas lumago ang maliit na baranggay.

Kaya naman nang mamatay si Don Jairo taong 1971, ay bilang pag bigay
parangal sa kaniyang nagawang pagbabago sa lugar at dahil na rin sa
pagmamahal sa kaniya ng mga tao ay isinabatas na ang noo'y maliit na
baranggay ay kikilalanin na bilang isang bayan.

At pinangalanan itong Jairo Antoas isang bayan sa Benguet Province, CAR


Region.

"Jairo", mula sa pangalan ni Don Jairo Sandoval at "Antoas" naman na


kapag nilipat ang mga letra ay magiging "Sonata" na ang ibig sabihin ay
"a piece of music".

Dahil noo'y madalas bangitin ng Don na ang kagandahan ng maliit na


baranggay ay maihahalintulad sa isang awitin na isinulat ng isang
magaling na kompositor.

Napabaling ako kay August nang hawakan niya ang balikat ko at saka nag
abot ng burger at inumin.

"Nakatulala ka na naman. Magsisimula na daw sabi ni Isaac,


nakasalubong ko."

Tukoy niya sa isa sa kaibigan ng kapatid kong bunso.

Hindi nga siya nagkamali dahil ilang minuto lang ang lumipas ay
nagsimula na nga ang unang banda sa awitin.

Two old friends meet again


Wearin' older faces
And talk about the places they've been
Madamdaming inaawit ng main vocalist ng banda ang paborito kong
kanta.

Ang awit na ito ay hindi ko makakalimutan. Pakiramdam ko kasi para sa


aking ang kanta na ito.

Tumingin ako kay August na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti siya ng
matamis at mahinang tumawa.

Uminit ang pisngo ko kaya muli nalang akong bumaling sa stage at


sinabayan ang kanta.

Maybe this time, 


it'll be lovin' they'll find,
Maybe now they can be more than just friends.

Nagmamadali akong magtanggal ng seatbelt ko nang makarating na


kami sa bahay. Mabilis lamang akong nagpaalam kay August at tumakbo
na papasok.

Nahirapan kaming lumabas sa plaza dahil sa dami ng tao at hinanap pa


namin ang magaling kong kapatid na iniwan na pala ako.

Kapag nga naman tinaaman ng lintik ang isang 'yon.

I checked the clock and saw that it's already past 8.

"Oh my gosh, I'm dead," kinakabahang bulong ko sa sarili.

Pagpasok ko palang sa sala ay nakita ko na si Moab at Sahara na


naglalaro ng wrestling sa game console.

Pababa naman ng hagdan ang kapatid kong bunso na may nakakalokong


ngiti, kasunod niya si Kuya Sylas.

"Shafiera," striktong tawang ng kuya ko saka tinuro ang kusina.


Huminga ako ng malalim bago dumiretso doon habang kasunod ko silang
dalawa.

Naabutan ko doon si Cena, ang ate niyang si Ate Meadow, ang Mama nila
at si Mommy.

"Shaffy!" Natutuwag sigaw ni Ate Meadow.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Tumingkayad pa ako para abutin siya.

"Hello po! Welcome back!" masayang bati ko dito.

Hinalikan ako nito sa pisngi bago inilahad ang kamay sa kuya ko. Inabot
sa kaniya ni kuya ang cellphone niya, ibinulsa niya ito at iginaya na ako
palapit sa kitchen island namin.

"May dala akong mga dressings for salad galing Australia! Try natin!"
Excited na sabi niya.

Bumaling ako kay Cena na sinasala ang noodles.

"Naguluto si Millicena ng Charlie Chan! Nagiihaw naman si Tito Kiko sa


labas ng baby back ribs," tuwang tuwang kwento ni ate.

Ang ganda talaga ni Ate Meadow, at nakakatuwa siya dahil lagi siyang
may pasalubong sa amin kapag umuuwi siya.

Nginitian ako nito at nagpaalam muna na lalabas lang saglit para


tulungan si Daddy. Sumunod naman sa kaniya si Kuya.

Huminga ako ng malalim at bumaling na kay Mommy.

"Shafiera Macy, anong sinabi ko sayo kaninang umaga? Hindi ba't bilin ko
sa inyo na maaga kayo umuwi? Sabi mo naman hanggang ala sinco ka
lang? Saan ka galing?"

Kinakabahan ako at nahihiya din dahil nakikinig lang sila Tita Maxwell.
Ayaw ko talagang sumagot pero nahihiya ako.

"Sa Plaza. Nakita ko siya kasama si Kuya Augustus," sabat ng kapatid


kong bunso.

Sinamaan ko siya ng tingin pero balewala lang sa kaniya at nagpatuloy


lang sa paghiwa ng prutas.

"Shafiera! Kasasabi ko lang hindi ba? Wag ka masyado na magdikit diyan


sa kay August! Makulit ka talaga!"Nagpipigil na sigaw ni Mommy.

Napahilamos ako sa muka.

Bumaling ako kay Cena na ngayo'y nagaalalang nakatingin sa akin.

"Mommy naman, magkaibigan lang kami. Saka ano naman po kung


magkasama kami?"

She laughed without any humor.

"Kaibigan? Wag niyo nga akong niloloko. Pwede ba--"

Hindi na siya pinatapos ni Tita Maxwell at pinigilan na siya. "Tama na yan,


George."

"Sige na anak, umakyat ka na muna at magbihis," sabi ni Tita at


mapangunawang ngumiti sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya pabalik at lihim na nagpasalamat.

Akmang lalapit sa akin si Cena pero pinigilan ko siya.

Nanlulumo akong tumalikod at dumiretso na sa kwarto ko. Mabilis akong


tumakbo paakyat sa pangalawang palapag ng bahay namin.

Nang maisarado ko ang pintuan ay agad na bumagsak ang kanina ko


pang pinipigilang luha.
Napahawak ako sa dibdib ko nang kumirot ito. Lumunok ako sa
pagaakalang maiibsan nito ang sakit pero walang rin itong talab.

Napaupo na lang ako habang walang tigil sa pagbagsak ang luha ko.

Bakit ba lagi nalang itong nangyayari sa akin? Hindi naman ako


naghahangad ng higit pa. Kapag hindi naman sa aking ay hindi ko naman
pipilitin na angkinin.

Ilang minuto din akong nakaupo sa likod ng pintuan dahil sa nahihirapan


akong tumayo nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Nang tignan ko ito ay lumabas doon ang pangalan ni August. Lalong


nagsituluan ang mga luha ko.

Ilang segundo lang din ay namatay ang pagtunog nito kaya tumambad sa
akin ang wallpaper ko.

Litrato namin ito ni August nang pumunta kami sa Palawan. Nasa tabi
kami ng dagat, nakashades pa kaming pareho, habang siya ay nakaakbay
sa akin at hawak din ang camera.

Nanlulumo kong binitiwan ang cellphone ko at napahawak nalang sa ulo


ko nang sumakit ito kasabay ng pagsakit ng puso ko.

Umiyak ako ng umiyak sa kadahilanang patuloy talagang isinasampal sa


akin ng tadhana na ang pagibig na aking inaasam asam ay kahit kaila'y
hindi magiging para sa akin.

GOODVIBES1LY

You might also like