You are on page 1of 6

Kabanata 9

Assurance

Gaano nga ba karami ang maaring mawala sa iyo sa oras na magmahal


ka? Mauubusan ka lang naman talaga kung lahat ay ibinigay mo. Kaya
nga ba kapag hindi naibalik sa'yo ang 'singdami ng inalay mo ay para
bang buong mundo ang ninakaw sa'yo?

But actually, at the end of the day, love will still be all about giving. It is
about making the person feel all the love that you can offer, hoping it
could reach that person's heart and recognize you. 

That small recognition is what I have been longing for after I have given
everything I could ever give to August. Pero kahit sa araw na umalis na
siya ay wala man lang akong nakitang kahit kaunting pagasa.

Alas otso ako nakauwi kinaumagahan pagkatapos ko sa duty, sa araw


kung kailan ang alis ni August papunta sa Japan. Pagka-park ng sasakyan
ay nagdire-diretso na kaagad ako sa kwarto kahit pa patuloy ang
pangungulit sa akin ng bunso kong kapatid.

"Ate! Huwag kang matulog! Ngayon na kaya ang alis ni kuya August! Hindi
ka ba sasama sa pag-hatid sa kaniya?!" sigaw nito mula sa labas ng
kwarto ko.

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng banyo para


maglinis ng katawan. 

Pagkalabas ko ay tahimik na kaya't nagbihis lang ako at nahiga na kaagad


para matulog.

Dahil siguro sa pagod sa pagiisip buong araw ay mabilis akong nakatulog


at nang magising ako ay maliwanag na.

Pagkamulat palang ng mga mata ko ay siya na kaagad ang unang


pumasok sa isip ko.
Siguro ay nakarating na ‘yun sa Japan. Siguro kumukuha na ‘yun ng
litrato.

Siguro pumunta na ‘yun sa tindahan para bumili ng Japanese Ramyeon


na noon pa niya gustong subukan.

Siguro nakangiti na siya ngayon at masaya dahil sa wakas ay palapit na


siya sa pangrap niya.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko at pabalikwas na bumangon


dahil inis. Hindi ko gustong simulan ang araw na ito na siya na naman ang
iisipin.

“Hmp! Para namang wala nang papalit sa kaniya,” bulong ko sa sarili.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa kama nang mapansin ko sa


bedside table ko ang ang isang pink na paso na may nakatanim na mga
bulaklak na parang maliit na pine trees.

Ilang minuto akong nakatitig dito ng may pagtataka bago bumaling sa


pintuan ng kwarto ko nang bigla itong bumukas at iniluwa ang bunso
kong kapatid.

“Ate, kain na,” busangot at walang gana nitong saad.

Agad din niyang sinarado ang pintuan pero wala pang ilang segundo ay
bumukas itong muli at tumambad sa akin ang bunso kong kapatid na
may napakalawak na ngiti at para bang sobrang ganda ng gising.

“What?” Napakamot nalang ako sa batok ko.

“Astilbe!” Sigaw nito habang nakaturo sa paso ng bulaklak.

“Huh?”

“Astilbe Flower!” Ulit niya habang naglalakad papalapit sa akin.


“Ate, Astilbe Flower ito! Kanino galing? Yieh! This flower means--” bigla
itong tumigil nang parang natauhan at sumeryosong muli.

Ilang segundong nagbalikbalik ang tingin niya sakin at sa bulaklak bago


tumalikod.

“Ako na muna magaalaga, mapapatay mo lang ‘to, sayang naman,”


panlalait nito bago naglakad paalis.

“’Pinagsasabi ‘nun?” Naguguluhan ko pa ding tanong.

Ilang minuto ko pang iniisip kung ano ang pinagsasabi ng kapatid ko pero
naputol ito nang bigla na namang pumasok sa isip ko si Augustus. Ginulo
ko ang buhok ko at nagpapasag sa kama dahil sa inis sa sarili.

Hindi ko naman kasi mapigilan. I always end up thinking of him, which


will also end up hurting me and make me cry.

Naging ganoon ang mga sumunod kong araw, linggo at buwan. Kapag
may pasok ako ay naiisip ko siya paminsan-minsan.

No matter how much I want to brush the thoughts about August away, it
just keeps on haunting me, especially at night.

Kahit pagod na mula sa ilang oras na trabaho ay nahihirapan pa rin akong


makatulog, dinadalaw ko ang mga ala-ala ko kasama siya.

Hindi ba talaga niya naisip man lang na magustuhan ako? Palagi ko


naman siyang kasama. Tuwing may problema o masaya siya’y ako ang
una niyang sinasabihan.

Kapag birthday niya, kami madalas ang magkasama. Ako pa minsan ang
nagpaplano ng surpresa para sa kaniya. Pareho din kami ng mga
kinahihiligan; kaya naman nagkakaintindihan kami.

Pero bakit hindi niya ako nagustuhan kung ganito na lang ako nahulog sa
kaniya? Siguro nga ay pagkakaibigan at pagiging kapatid lang ang tingin
niya sa akin.
Sa dulo ng mahabang pagiisip ay makakatulog lamang ako matapos ang
matagal na pagiyak ng hinagpis dahil sa pagibig na kailanman ay hindi
mapapasa-akin.

However, after a night full of sorrow, as the morning comes I still wake up
with hope for things to get better and for me to move on faster. But six
months after August left, I lost the chance to think about moving on
because of the consecutive downfalls I had to face.

My parents’ business partner betrayed them which resulted to our


company’s near bankrupt. The whole family was affected. I had no other
choice but to be stronger and set aside all my sorrows.

Ate Denali, who knows our company better, can’t come home to help my
parents and brother. So someone from the remaining daughters were
expected to make a sacrifice; I was the one who decided to give way.

Nagdesisyon akong magresign sa trabaho ko para tumulong sa


kompanya namin. Hindi ko rin naman talaga masyadong gusto ang
pagiging nurse kaya hindi na naging mahirap sa akin ang desisyon.

I trained in the company’s marketing department for two months before


officially becoming the director.

The following months was so busy, I had to go to many meetings here and
there. Kahit nga nasa bahay kami ay trabaho ang pinaguusapan na hindi
naman namin ginagawa noon. Things got so toxic from then on.

Ilang buwan pa ang lumipas pero hirap na hirap padin kaming


bumangon. Napakalaki kasi ang nawala dahil sa panloloko ng dating
kasyoso ng mga magulang ko.

Kinailangan naming isakripisyo ang madaming bagay para mailigtas ang


iba. Marami din ang umalis sa aming kompanya at marami din naman ang
inalis na namin matapos bayaran ng tama dahil hindi talaga kaya.
After over a year after the betrayal of my parent’s partner, our company
was close to nothing. We are on the verge of giving it up because it seems
like we no longer have a choice.

Akala ko nga wala na kaming ikasasadlak pa, pero hindi pa pala doon
natapos ang problema namin dahil isang araw ay may dumating na isang
tauhan mula sa isang maliit na kumpanya na aming naging supplier ilang
buwan lamang ang nakalipas.

Ang tauhan ay may dalang sulat na naglalaman ng isang hinaing kaso


laban sa amin dahil sa hindi daw pagsunod sa kontrata tungkol sa
pagbabayad.

Sa madaling salita, kinakailangan namin na magbayad pa ng sobrang laki


dahil nakarating na ang kasong ito sa korte. Ngunit dahil nga sa baon na
baon kami sa utang ay hindi namin alam saan kukunin ang pambayad.

Mas naging problemado ang mga magulang namin dahil sa takot ng mga
ito na mawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan. Kaya naman dumating
sila sa punto ng sobrang paninisi sa amin.

“Kasalanan niyo kasi iyan. Mga iresponsable kayo, hindi ninyo kaagad
kayo nagtatanong man lang sa amin, mga anak. Mas alam namin ang
negosyong ito kaysa sa inyo,” umiiyak sa galit si Daddy nang sinasabi ito
sa amin habang nagaalmusal.

Sinundan naman ito ni Mommy na umiiyak din, “Aba mga anak, baka
naman sa susunod ay ni bigas ay hindi tayo makabili. Magugutom na ba
tayo? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid natin?”

Buntong-hininga lang ang sinasagot namin ni kuya sa araw-araw na


naririnig namin ito. Lihim din akong nagpapasalamat na nasa eskwela
ang dalawa pa naming kapatid kaya naman hindi na nila naririnig ang
mga ito.

Everyday, no matter how ugly our situation is, I still pray to the Lord for
the better days. Ayos lang kung matagal, ayos lang kung tinuturuan kami,
kung kinakailangan na harapin ito, basta sa dulo ay maganda din.
Kaya naman kahit pa hindi ko pa matanaw ng mata ang panalangin kong
dulo ay tahimik akong nagtra-trabaho’t naghihintay.

Nagpapasalamat na rin ako sa Diyos na hindi nagbabago ang mga


nakababata kong kapatid, sila nalang kasi ang bumabalanse sa magulo
naming tahanan.

Isang linggo ng hapon, magkakasama muli ang bandang Endless Criteria


sa aming tahanan gaya ng nakagawian. Meron naman silang tree house
malapit lang sa aming bahay, pero dito nila napili mag ensayo sa araw na
ito.

Maganda ang panahon, hindi maulan hindi din mainit kaya siguro sa
aming malawak na veranda nila napiling ilagay ang mga instrumento.

Nasa kusina ako’y pinaghahanda ko sila ng meryenda para naman

You might also like