You are on page 1of 1

“Flash Drive”

Nandito na ang lahat ng kaklase ko sa classroom. Nakaupo sa kanya-


kanyang upuan, may kanila-kanilang pinagaabalahan. Ako, nakasuot ng earphones,
nag-sosound trip. May ibang kinakabahan at nagdasal nang mahina. May mga
seryosong nakatingin sa bintana. May ibang humihikab at at pumikit nalang. May
nakikipagdaldalan sa kapwa-classmate. May nag-aaral ng notes at nagbabasa ng
aklat.

Pumasok na ang guro. Nakasuot siya ng kanyang uniporme, may seryosong


tingin sa kanyang mukha. Dala niya ang napakarami at napakakapal na mga papel
na nakaipit sa folder. Pumunta siya sa harap ng klase. Tumahimik ang classroom.
Ibinagsak ng guro ang folder sa mesa. Naging seryoso ang lahat at nagsi-handaan
na.

Namayani pa rin ang katahimikan. Umupo ang guro sa upuang nakalaan sa


kanya at inayos ang kanyang eyeglasses. Binuksan niya ang folder. Nagbulungan
ang iba, nanatili parin akong tahimik at tinaggal ang earphones ko. May iba naman
na nagdasal nang mahina.

Tinawag ng guro ang katabi ko. Napalingon ang lahat sa kanya.


Kinakabahang napatayo siya at magalang na sinagot ang guro. Ibinigay ng guro ang
mga papel at ipinapatapon ang mga itosa shredder na naroroon sa likod ng
classroom. Nagtataka na ang lahat. May inilabas ang guro mula sa bulsa niya. Isa
itong flash drive. Inihanda ng guro ang flat screen TV sa harapan namin at sinaksak
ito. Mag film-watching lang pala kami.

You might also like