You are on page 1of 5

Lesson Plan in SINNING 4 (40 minutes)

(Fourth Quarter-Week 3)

Date: May 19, 2021

Content Standard: Demonstrates understanding of shapes, colors, textures, and emphasis by


variation of shapes and texture and contrast of colors through sculpture and crafts.

Performance Standard: Creates a Mask or Headdress that is imaginary in design using


found and recycled materials.

Most Essential Learning Competency: . Explains the steps to produce good tie-dye
designs.
(A4PL-Ivd )

I – Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang tamang pamamaraan sa pagtitina-tali (tie-dye);


2. Naisasagawa ang pagtitina-tali (tie-dye) gamit ang dalawang kulay; at
3. Napapahalagahan ang pagbuo ng orihinal na desenyo gamit ang pagtitina-
tali(tie-dye).

II – Paksang-Aralin:
Paksa: Disenyo sa Tela:Pagtitina-tali (tie-dye)
Sanggunian: Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 (Patnubay
ng Guro at kagamitan ng Mag-aaral) pp. 245-248.
Youtube.com. 2021. [online] Available at: <https://www.youtube.com/watch?
v=7zdwpH89FcI> [Accessed 14 May 2021].

Kagamitan: multimedia, lastiko(rubber band),lumang damit, tina (dye)


palanggana, patpapt na panghalo, mainit na tubig,suka, at asin.

Values Integration: Ginagawang bago ang mga lumang damit sa


pamamagitan
ng pagtatie-dye (Recycling).

III - Pamamaraan: (Video Presentation from youtube of Teacher Delfa)

A. Pagganyak:
Content Background
Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May
Mapusyaw na kulay (Light Colors), may matingkad (bright colors), at may
madilim na kulay (Dark colors).

Ang Tina ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa isang may tubig


na timpla na ginagamit sa pagkulay n g tela.
Ito ay maaring ihalo sa panibagong kulay. Sa tie-dye may mga
disenyong nabubuo na kakikitaan hindi lang ng kulay kung hindi mga linya at
hugis rin.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang paglalagay ng disenyo sa tela sa


pamamagitan ng tie-dye. Ang pagta-tie-dye ay isang simple at nakawiwiling
paraan upang gawing mga bago ang mga lumang damit, panyo,tela, tuwalya
at iba pa.

GAWAIN 1 – Pagmasdan ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

Mga Tanong:
1. Ano-anong mga kulay ang inyong nakikita?
2. Napansin ba ninyo na ang kulay ay hindi pantay-pantay?
3. Anu-anong mga hugis at linya ang inyong nakikita o napapansin?
4. Alam ba ninyo kung saang bansa nagsimula ang pagtitina-tali (tie-dye) sa tela?
5. Ano ang napansin niyo sa larawan?
6. Alam ba ninyo kung paano ito ginagawa?

B. Paglalahad: Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa


“ Disenyo sa Tela: Pangtitina-tali o Tie-Dye.”

C. Pagtatalakay:

Ang bawat luagr ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang


kultura at tradisyon. Isa ditto ay ang paglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan
ng pagtitina-tali (tie-dye).Ang Tina-tali o (tie-dye) ay isang simple at
nakawiwiling paraan upang gawing bago ang mga lumang tela o mga lumang
damit, tuwalya, panyo at iba pa.
Ito ay isang modernong salita na naimbento sa kalagitnaan ng 1960 sa
Estados Unidos para saisang paraang kauri ng sinaunang estratehiya sa pagtitina.
Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kannilang kultura
at ttradisyon tulad ng Tinalak ng mga T’boli, at ang Shibori ng Japan, at
Indonesia.
Ang Kadalasang paraan sa pagtitina-tali(tie-dye) ay ang pagtali ng tela
bago ito lagyang ng tina (dye) upang magkaroon lamang ng kulay ang mga bahagi
ng tela na walang tali. Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pagtitina-tali
subalit mas maganda kung gumamit ng dalawa o higit pang mga kulay sa
pagtitina.

D. Paglalapat
GAWAIN 1 Pangkatang Gawain (Learning by doing)
Panuto:
Gamit ang Natutunang leksiyon patungkol sa paano ginagawa ang
pagtatie-dye.Isagawa ang pagtitina-tali o tie-dye sa damit (10 minuto)
Pagkatapos ay ipakit sa klase ang ginawang tie-dye sa damit. (Ang may
pinakamagandang likhang sining ay makakatanggap ng premyo)

Rubrics sa Pagtatie-dye

PAMANTAYAN Nakasunod sa Naasunod sa Hindi


pamantayan pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang (1)
(3) pagkukulang
(2)

1.Nakabuo kami ng isang


original na disenyo.
2.Naipapahayag namin
ang aming kaisipan at
damdamin sa paggawa ng
tie-dye.

3.Nasunod naming ang


tradisyunal na paraan sa
pagtatie-dye.

5.Naibalik naming nang


maayos sa kinalalagyan
ang mga bagay na ginamit
sa pagtitina.

E. Paglalahat

Isaisip…
Ang disenyo sa tela ay nagpapaganda kapag iyong sinusunodang tamang hakbang sa
pagsasagawa ng tie-dye. Dapat ring maging malikhain sa pagbuong disenyo upang ang
natapos na likhang-sining ay magtataglay ng orihinial at kakaibang anyo.
IV Pagtataya
Panuto:Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod. Lagyang ng bilang 1-7 sa patlang.

_____ Ilagay ang tianliang tela sa solusyon mula 5 hangang 15minuto.


_____ Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
_____ Magsuot ng dusk mask o gloves bago maghalo ng tina (dye).
_____ Tupiiin at talian ang tela ayon sa gusting disenyo.
_____ Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
_____ Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
_____ Ihalo ag tina, suka at asin sa tubig.

V Takdang-Aralin:
Panuto: Magpatulong sainyong magulang o kapatid. Sa inyong bahay Magtie-dye ng
lumang damit at ipasa ito sa susunod na lingo.

Prepared by:

ANGELA J. MIRA, T-I


Guro

Checked by:

DENNIS P. LUPAS, MT-I


Mapeh Coordinator

Observed and Submitted to:

JOHN MICHAEL A. TUYOR, PhD


Punong Guro

You might also like