You are on page 1of 2

Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa

Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na ‘Moog’ ng Pagka-Pilipino / The Translation in Filipino of Different Shows in the
World of Television, The Dubbing of Anime, and The Expansion of Filipino Language in Different Parts of the World:
Different ‘Walled’ Proofs of Filipino Being

1. Katayuan at Perspektiba

Mula sa pahayag na ito, ipinahihiwatig na ang wika ay katumbas at kasinghalaga na rin ng buhay – iniingatan, inaalagaan,
pinahahalagahan. Ang pagsasawalang-bahala, pagpapabaya, at dipag-alintana sa wika, lalo na sa sariling wika, ay
magdudulot ng kaniyang maagang paglaho o pagkawala, o sa mas makirot pang kataga, ng kaniyang kamatayan. Kaya naman
ang ating wikang Filipino ay dapat na pinagyayaman, ginagamit nang makabuluhan at dapat na pinalalaganap sa
sangkabansaan.

Sa kasalukuyan ay may matatag nang kinatatayuan ang wika nating ito sapagkat ang wikang ito ay nagtatalaglay na ng
matibay na ‘moog’ -- sa lipunang Pilipino, sa edukasyon, sa iba’t ibang disiplina at larangan, gayundin sa media, lalong-lalo na
sa telebisyon.

2. Paano ito maiuugnay sa estado ng wikang Pambansa sa kasalukuyan

3. Problema na kinakaharap ng wikang Pambansa na nasa artikulo o dokumentaryo na nadala sa kasalukyang


panahon? Ano ang solusyon ang maaaring tumugon dito?

hindi maikakailang labis ang naibigay na kalayaan sa mga nagsalin ng anime sa wikang Filipino (na karaniwan ay mga dubber
at direktor na rin ng segment) dahilsa pagtatangkang maipasok ang klase ng pagpapatawa ng mga Pinoy, kabilang na ang
paggamit ng toilet humor na hindi na umaakma sa ilang batang manonood at tagasubaybay nito.

4. Ano ang lagay ng wikang Filipino sa usaping intelektwalisasyon?

Maituturing nga bang isang intelektwal na wika ang wikang Filipino?

Paano nakikipagsabay ang wikang Filipino sa buong mundo?

Ang pagsasa-Filipino ng mga panoorin sa mundo ng telebisyon, lokal man o dayuhan, ay naging pangunahing dahilan upang
tumaas ang reyting ng mga ito dahil sa ang mga pinanonood ay higit na naintindihan ng masang Pilipino. Sa Pilipinas, ang
palabas na anime na kanilang inaangkat buhat sa ibang bansa ay karaniwan nang synched o dubbed sa Ingles. Sa madaling
salita, binibili ito ng malalaking Philippine TV network,tulad ng ABS-CBN at GMA 7, sa Estados Unidos halimbawa na ang
American TV network na Hanna-Barbera. Kung may mga pagkakataong ang nakuha o nabiling produkto ay hindi synched o
dubbed sa Ingles, nagbabayad ang local networks na ito ng mga Pilipinong may sapat na kaalaman sa Nihonggo upang isalin
ito sa Ingles patungong Filipino, o kaya’y tuwiran itong isinasalin sa Filipino. Sa pagpasok ng anime sa Philippine TV,
napanatili pa rin nito ang taglay na kasikatang natamo nito tulad ng naging pagpasok nito sa iba’t ibang sulok ng daigdig.
Subalit ang naging kaibahan lamang, ang Ingles, na wika ng kapangyarihang ginamit dito sa pamamagitan ng dubbing,ay
nabigong magamit ng mga kapitalistang Amerikano at Hapon. Sa halip, muli itong idinab gamit ang wikang Filipino dahil sa
ito ang wikang mas nauunawaan at ginagamit ng nakakaraming Pilipino. Sa lokal na panooring pamproduksiyon, mahalaga ang
paggamit ng wikang mas nauunawaan ng nakararaming manonood kaya’t hindi nagawang sakupin ng wikang Ingles ang
nakararaming Pilipino. Sa Philippine TV, nawala sa poder ang makapangyarihang wikang Ingles at sa halip ay nanaig ang
wika ng masa. Binubuwag ng wikang Filipino, na wika ng masa, ang kapangyarihang taglay ng wikang Ingles sa pamamagitan
ng dubbing. Sa Pilipinas, malinaw ang apropriasyon ng anime sa lipunang Pilipino, malinaw ang kapangyarihan taglay ng
wikang Filipino sa Philippine TV. Ang buong daigdig ay pinalilibutan na ng mga Pilipino. At ang milyon-milyong Pilipinong ito
ay siguradong nakapagsasalita o nakakaunawa man lamang ng wikang Filipino. Lumilitaw na dahil sa penomenong ito,
internasyonal at/o global na rin ang Wikang Filipino. Sa isang episode noon ni Jessica Soho, sa “Kapuso Mo, Jessica
Soho,” natuklasan niyang ang Filipino (sa estruktura ng Tagalog) ay bahagi ng kurikulum sa isang pamantasan sa bansang
Russia bilang pangalawang wika nila. At ang nakagugulat pa, Ruso ang nagtuturo nito sa mga estudyanteng nais matuto ng
wikang Filipino. Bukod sa mga nabanggit na pag-aaral, ang wikang Filipino ay itinuturo rin bilang kurso sa ilang mga bansa
sa Kanluran tulad sa Melbourne, Australia; sa Vancouver, Canada; sa Saint Germain en Laye sa France; sa Ramsgate,
Great Britain; at sa Livorno, Italy.

Pluralismo at Kapangyahihan: Isang Adyenda sa Globalismong Pangwika

1. Katayuan at Perspektiba

2. Paano ito maiuugnay sa estado ng wikang Pambansa sa kasalukuyan

3. Problema na kinakaharap ng wikang Pambansa na nasa artikulo o dokumentaryo na nadala sa


kasalukyang panahon? Ano ang solusyon ang maaaring tumugon dito?

4. Ano ang lagay ng wikang Filipino sa usaping intelektwalisasyon?

Maituturing nga bang isang intelektwal na wika ang wikang Filipino?

Paano nakikipagsabay ang wikang Filipino sa buong mundo

You might also like