You are on page 1of 1

Hindi lingid sa ating kaalaman kung gaano kahirap ang mag-aral, ngunit kung may

pangarap ka gagawa at gagawa ng paraan upang ito’y makampan. Sa labing pitong taon kung pananatili
dito sa mundo, labing dalawang taon na akong nag-aaral at masasabi kung hindi biro ang maging
estudyante, maraming pagsubok na dumadating ngunit aking napagtanto wag dapat tayong sumuko
dahil ang eduskasyon ay ang pinakamahalagang bagay upang tayo’y maging matagumpay sa buhay.
Tunay nga bang mahalaga ang edukasyon sa ating mga kabataan?. Ang edukasyon lang naman ang
magsisilbing hagdan upang makamit natin ang ating inaasam na tagumpay. Maaari din itong dahilan o
sandigan upang mabago ang isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

Sa isang binhi na ating itinanim labis labis ang ating aanihin kung ang lupa ay alaga sa
pataba, higit nalulusog at uusbong ang mga ginto. Tutubuan ito ng mga malalaking ugat na hindi
mabubuwag ng kahit sinuman. Ang mga binhi na ito ay walang iba kundi ang mga kabataan na tulad
kong nangangarap ng maunlas na buhay, lipunan, at ekonomiya. Kabataan na magsisilbing sus isa pag-
unlad ng ating lupang sinilangan, kabataan na magsisilbing liwanag sa ating mula sa madilim na
nakaraan. Sabi ng ani Rizal, “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG ATING BAYAN”, kaya sa tulang kung
kabataan tayo’y magsilbing inspirasyon at liwanag sa madilim. Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang
programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang natatangi na lang nating obligasyon ay ang tulungan ang
ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para lubusan nating mawakasan ang hirap ng
kamangmangan, hindi lamang para sa ating kinabukasan bagkus ay para sa ating inang bayan. Walang
pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras para makapag-aral ay
samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Masarap ang tumunganga at tumambay
sa buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong walang natapos sa buhay.

Sa kabila ng ating nararanasan ngayondahil tayo ay nasa gitna ng pandemya ang Sistema
ng edukasyon ay nabago. Isang imaheng iginuhit ang malupit at mapanganip na sumasalakay sa ating
lipunan ngayon. Pero hindi ito ang hadlang upang hadlangan na makamit ang ating pangarap sa buhay
bagkos, ito ang naging dahilan ng ipagpatuloy ang ating simulang pag-aaral. Ang pandemya ang
nagpatunay sa ating mag-aaral na ang pag-aaral ay napakahalaga sa ating buhay. Talaga namang
maraming aral ang ibinigay ng pandemya at bagong sistema ng edukasyon sa bansa sa ating lahat. Dapat
laging maging handa at laging ibigay ang kahusayan sa edukasyon, may pandemya man o wala. Ang
kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan ng kaniyang pagkatao.
Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon tayong nakikita ngunit
hindi natin sadyang maintindihan. Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may
malinaw na mata at taynga. Ito po ay patunay lamang na talagang napakahirap ng maging isang
mangmang sa lipunan.

Halina’t tanggalin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga mayayaman
lamang. Sa tulad kung ordinaryo at mahihirap na kabataan mas higit nating kailangan ang edukasyon sa
ating buhay. Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging pamana
sa atin ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman. Itong aking maikling
talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan.
Maging responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang natutunang aral.
Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga tulad nating kabataan. Ibahagi natin ang ating
karunungan na ating nalalaman upang tayong lahat ay hindi mangmang at magkaroon ng maayos na
kinabukasan. Ating tandaan, “EDUKASYON AY PANGINGATAN, ITO’Y MAGBIBIGAY NG KAYAMANAN NA
HINDI MANANAKAW NINO MAN”.

You might also like