You are on page 1of 1

Kalikasan ay Ingatan at Pahalagahan

Kapaligira'y pangalagaan, kalikasa'y ingatan. Ang ating kalikasan ang Ang nag bigay sa atin ng lahat mula
sa ating pagkain, damit, tahanan at lahat na mayroon tayo ay galing at dahil yon sa ating mahal na
kalikasan. Pero ano na nga ba ang kalagayan ng ating kalikasan sa panahon natin ngayon? Sa panahon na
kung saan modernisado na ang lahat. Sa kasaluyukang panahon ang ating kalikasan ay unti unti ng
nasisira dahil na rin sa ating mga pinanggagawa. Tulad ng pagkaingin, pag gawa ng mga estruktura o
gusali, pagsunog ng mga plastik, pagtapon ng basura kahit saan at marami pang iba na siyang naging
dahilan ng pagkasira ng ating inang kalikasan.

Ang pagkaingin at pagpapatayo ng mga gusali ay isang dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan dahil sa
halip na may marami pa tayong mapagkukunan na mga yaman tulad ng pagkain at punongkahoy ay wala
na dahil sinakop ng mga nga gusali ang lugar na maaaring pagtaniman. At ang pagsunog ng mga plastik
ay dahilan ng air pollution na kung saan ito ay nakasira sa ating kalikasan dahil dapat tayo makalanghap
ng sariwang hangin Para na rin sa ating magandang kalusugan. Ang pagtapon ng basura kahit saan ay
nagdudulot ng water at land pollution na kung saan nakasisira sa ating yamang lupa at dagat. Malalason
ang mga isda at mawala ng mga nutrients ang ating lupa. At may marami pang dahilan ng pagkasira ng
ating inang kalikasan.

Kalikasa'y ingatan, dahil ito ay bigay at hinanda ng ating Poong Maykapal Para sa atin at sa mga susunod
pang henerasyon. Para gamitin at gawing pangkabuhayan ang mga yamang binigay. Ating kalikasan ay
dapat mahalin, alagaan at bigyang halaga at ating iisipin ang mga susunod na henerasyon na
nangangailang pa rin ng kalikasan. Gawin ang dapat gawin Para kalikasan ay mapanatili at magamit
parin. Maging responsible sa bawat hakbang na gagawin, isipin ng mabuti kung ano ang mga maaaring
kahihinatnan ng mga gawain na gawin. Lagi nating taglayin ang ugaling may diciplina at respeto dahil
dito magagawa natin ang lahat ng tama.

You might also like