You are on page 1of 1

MGA VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

(Heyografikal, Sosyal at Okufasyunal)

Mga Layunin:

Pagkatapos ng pag-aaral na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

a. Matutukoy ang mga gamit ng mga varayti at varyasyon ng wika.

b.Matutukoy ang pagkakaiba ng heyografikal,sosyal at okufasyunal.

c.Makakagawa ng 100 words sa naiintindihan sa paksa.

HEYOGRAFIKAL NA VARAYTI - Ang Heyografikal na varayti ay dahilan lamang na kung saan ang grupo ng
mga tao na nagsasalita at gumagamit ng wika ay napaghihiwalay at napagwawatak-watak ng mga pulo,
maging ng kabundukan at tubigan. Halimbawa na lamang ng mga Ilokano na nagsasalita ng tagalog,
hindi ba't kapuna-puna ang kaibahan ng kanilang pagsasalita? Napapansin natin na mapagpapalit nila
ang pagbigkas ng /e/ at /i/ at /o/ at /u/. Ang mga ganitong halimbawa ay nagpapakita ng mga varyasyon
ng wika particular na ng Heyografikal na varayti.

SOSYAL NA VARAYTI - Ito ay tumutukoy sa panlipunang varyasyon sa gamit ng wika. Nagkakaroon ng


pagkakaiba-iba ng wika ayon sa larangan sa lipunan. Wika at Relihiyon sinabi ni Joey M. Peregrino (2002)
ang wika ng relihiyon ay isang simbolikong wika sapagkat kinapapalooban ito ng mga talinhaga at mga
bagay na hindi basta makikita,mararanasan o mararamdaman. Dagdag paniya simbolo ito ng
pananampalataya. Wika at showbiz ayon sa pag-aaral ni Laray C. Abello (2002) karamihan sa mga
dalitang ginagamit sa showbiz ay galing sa mga salitang bakla. Hindi na raw ito nakakapagtaka dahil
karamihan sa mga manunulat at manedyer ay pawing mga bakla.

OKUFASYUNAL NA VARAYTI - Ito'y nakabatay sa relasyon ng wika sa sitwasyon kung saan ito ginagamit.
Halimbawa, iba ang wika na ginagamit ng mga duktor sa abogado. Ito ay naka ayon sa communicative
competence kung saan ang ginagamit ng tao ang angkop na wika batay sa pangangailangan.

GAWAIN 1:

Ano ang inyung naiintindihan sa paksa natin ngayun na may limit na 100 words.

You might also like