You are on page 1of 1

KOMUNIKASYON

Eva Mae L. Dumagil Grade-XI Section: Del Pilar

AKTIBITI #7
Panuto: Basahin at unawain ang abstrak ng saliksik. Suriin ang nilalaman nito.
Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang paksa ng binasa mong pananaliksik?


Ang paksa ng binasa ay patungkol sa swak ba o ligwak ang paggamit ng wikang
taglish sa Pinoy New Testament.

2. Anu-ano ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik?


Maganda ang kinalabasan ng paggamit ng wikang taglish sa Pinoy New Testament
dahil mayroon itong 3.39 weighted mean “lubos na epektibo” na nangangahulugang
tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito. Lubos din itong nakawiwili at
nakapupukaw ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean
na naitala at pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na
nakatutulong” sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa larangan ng
pananampalataya. Ito’y patunay lamang na matagumpay ang ginawang pananaliksik
sa paggamit ng wikang taglish sa Pinoy NT.

3. Angkop ba ang metodo na ginamit ng mananaliksik? Pangatwiran ang iyong sagot.


Masasabi kong angkop na angkop ang ginamit na metodo sapagkat sa paggamit
nito ay nalaman at napatunayan ng mga mananaliksik na magiging epektibo ang
paggamit ng wikang taglish sa Pinoy NT at nakakatulong din sa kanila ang nasabing
pag-aaral. Naging maayos ang presentasyon at higit sa lahat nagkaroon ng malinaw
na ideya tungkol sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos na patok sa mga kabataan.

4. Anong kulturang Filipino ang masasalamin sa pananaliksik na nabasa mo?


Ang kulturang Filipino na nasasalamin dito ay ang kultura natin sa larangan ng
pananampalataya.

5. Ano ang kahalagahan o implikasyon sa pag-aaral, kabuhayan at buhay ang


pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Filipino?
Ito ay mahalaga sa pag-aaral, kabuhayan o maging sa anumang implikasyon ng
buhay sapagkat ang pananaliksik sa wika at kulturang Filipino ay nakatutulong upang
mas lalo pa nating mapalalim ang ating pagka-Pilipino na kung saan ay nararapat
lamang na lagi nating ipagmalaki. Dahil sa wika at sa ating kultura tayong lahat ay
nagkaroon ng pagkakaisa, pagkakaintindihan at napapaunlad pa natin ang ating
sariling bayan.

You might also like