You are on page 1of 1

Ang Aksidente

Isang pangkaraniwang araw ng linggo para kay Efren. Masaya siyang nag-
iimpaki sa kanyang mga gamit para sa kanyang bakasyon kasama ang kanyang mga
barkada. Masasabing isa siyang matugampay na tao, stable ang kanyang mga
negesyo, may sariling bahay at sasakyan. Lahat ng kanyang luho ay kanyang
nasusuportahan, alak, babae, at mga material na bagay ay napakadali lang niya
makuha. May kumpyansa sa sarili at naniniwalang ang kanyang mga tinatamasa
ngayon ay dahil sa kanyang pagsisikap. Hindi siya isang relihiyosong tao. Bagkus ni
hindi pa niyang nararanasan ang magpunta sa simbahan mula ng siya ay maulila.
Kinalimutan niya ang Dios ng mamatay ang kanyang mga magulang. Itinanim niya sa
kanyang sarili na hindi siya mahal ng Dios at siya’y pinabayaan.
Napabuntong hininga na lamang siya sa kanyang mga ala-ala at nagmamadaling
kinuha ang kanyang mga gamit. Dali-dali siyang pumasok sa kanyang sasakyan at dali-
dali niya itong pina-andar dahil siya na lamang ang hinihintay ng kanyang mga kaibigan.
Agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan upang makarating agad sa kanyang
paruruonan. Nay biglang may isang malaking sasakyan na patungo sa kanyang
direksyon. At biglang Baaanngg! Sumalpok ang isang truck sa kanyang sasakyan.
Nawalan siya ng malay at ang tanging naaalala na lamang niya ang mga taong
nakapaligid sa kanya.
Nagising siya sa isang kwarto na hindi niya pamilyar luminga siya sa kapaligiran
at napagtanto niya na siya ay nasa ospital. Mayamaya ay may pumasok na lalake naka-
uniporme na puti isang Doktor. Binati siya nito at masaya siyang kinausap.
Doktor: Alam mo ba na ikaw ay napakaswerte dahil sa kabila ng mga natamo mong
mga pinsala ng dahil sa aksidente ay nalagpasan mo ito at muling nabuhay.
Efren: Ano po ba ang nangyari Doktor?
Doktor: Ikaw ay na coma ng isang buwan ng dahil sa aksidente. Mabuti na lamang at
ikaw ay nagising at parang walang nangyari. Ikaw ay maswerte dahil hindi ka
pinabayaan ng nasa itaas.
Sa kanyang mga narinig ay hindi namalayan ni Efren ang pagpatak ng kanyang
mga luha. Ngayon niya napagtanto ang kabutihan ng Panginoon sa kanya. Ni minsan
ay hindi siya pinabayaan. Kailangan pa bang mangayari ang malagim na aksidente
bago niya makita ang kabutihan ng Panginoon. Ang kanyang pagluha ay napalitan ng
hagolhol. Labis ang kanyang pagsisi sa kanyang paglimot sa panginoong Diyos.
Simula noon, ipinangako niya sa kanyang sarili na siya ay magbabago at
gagawing sentro ang panginoon sa kanyang buhay.

You might also like