You are on page 1of 3

SPEAKER EUGENIO PEREZ NATIONAL AGRICULURAL SCHOOL

Roxas Blvd., San Carlos City, Pangasinan 2420


S.Y 2021 – 2022

Lagumang Pagsusulit sa EsP 8 (Q2)


Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ________________
Baitang at Seksiyon: ________________________________ Petsa: ________________

SA SAGUTANG PAPEL(1 whole) ITO SASAGUTAN


I. Isulat ang LETRA ng tamang sagot sa sagutang papel.
___1. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may _________ at __________.
a. Kusa at Pananagutan b. Paggalang at Pagmamahal c. Sipag at Tiyaga d. Talino at Kakayahan
___2. Ito ay isang eksperimento na kung saan nagpakita ito ng naging kalagayan at kinahantungan ng mga tao na nakakulong sa
loob ng 48 oras nang nag-iisa at walang kahit munting sinag ng liwanag.
a. Self-Help b. Self- Imprisonment c. Time Machine d. Total Isolation
___3. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa
kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. Hanapbuhay b. Kultura c. Libangan d. Pagtutulungan
___4. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Intelektwal b. Pangkabuhayan c. Panlipunan d. Politikal
___5. Ito ay mahalaga sa pakikipagkapwa upang maipahayag ang iyong pangangailangan, ninanais, at nararamdaman.
a. Bayanihan b. Golden Rule c. Komunikasyon d. Samahan
___6. Ito ay maaaring magdulot ng katiwalian at kabulukan sa lipunan.
a. Labis at di makatuwirang pakikisama c. Kawalan ng pagmamalasakit
b. Labis na pagkasensitibo d. Kawalan ng Komunikasyon
___7. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng _______________.
a. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan c. pagkakaroon ng hindi pantay na trato sa kapwa
b. pag-iwas sa mga taong nangangailangan ng tulong d. pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa
___8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
___9. Ano ang epekto ng pakikipagkapwa?
a. nakakabawas ng dignidad sa lipunan c. nakakasira sa kapwa
b. nakakagaan sa pakiramdam d. nakakabigat sa damdamin
___10. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan. c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya. d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
___11. Ito ay ang kakayahang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng taong kausap, upang maramdaman ang kaniyang nararamdaman
at maunawaan ang ibig niyang sabihin.
a. Empathy b. Hospitality c. Kindness d. Prudence
___12. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga
(esteem).
a. Pagkakaibigan b. Pakikipag-ugnayan c. Pakikipagkapwa d. Samahan
___13. Ito ay isa sa mga sangkap na nangangahulugang pagtulong sa kaibigan sa kaniyang pag-unlad o paglago.
a. Katapatan b. Pag-aalaga c. Pagpapatawad d. Presensiya
___14. Ito ay isa sa mga sangkap na kung saan nariyan siya lalo na sa mga panahon na kailangan mo siya.
a. Katapatan b. Pag-aalaga c. Pagpapatawad d. Presensiya
___15. Isa pang mahalagang sangkap ang kinakailangan upang ganap na makamit ang tunay at wagas na pagkakaibigan
a. Katapatan b. Pag-aalaga c. Pagpapatawad d. Presensiya
____16. Ano ang magandang naidudulot ng pagkakaibigan?
a. Nagiging depende ang tao sa kanyang kaibigan c. Naibibigay nito ang ating pansariling kasiyahan
b. Napapaunlad nito ang ating pagkatao d. Nagtutulungan sa paggawa ng kalokohan
___17. Matagal nang inuunawa ni Lyka ang pagiging palaasa ni Jovelle. Madalas sa klase, si Lyka ang kinokopyahan ng mga
takdang aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay Jovelle na mas makabubuting pag-aralan niya na gawing mag-isa ang mga
proyekto at iba pang gawain sa klase ngunit hindi pa rin niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Lyka na hindi na siya magpapakopya
sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Jovelle. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Jovelle?
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan d. Pagkakaibigang nakabatay sa interpersonal
___18. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang sa isa’t isa.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan d. Pagkakaibigang nakabatay sa interpersonal
___19. Ang tunay na kaibigan ay ___________.
a. marunong tumanggap ng katotohan, may kababaang-loob at mapagpatawad
b. nagsasabi ng lihim sa iba
c. nagtuturo sa iyo na gumawa ng hindi maganda
d. umaasa lagi sa lahat ng pagkakataon
___20. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito
c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
___21. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy ng tamang halimbawa ng kaibigan?
a. Niyayaya ni Lino ang kaibigan nya na lumiban sa klase
b. Laging kinukutungan ni Amber ang kanyang kaibigan nyang si Mark
c. Tinuturuan ni Waldo sa Math ang kaibigan nyang si Josh tuwing bakante nila
d. Inaasar ni Fred ang kaibigan nyang si Sid dahil napagalitan siya ng kanilang guro
____22. Isang napakalaking karangalan ang ______ ka ng mga sensitibo at personal na impormasyon ng iyong kapwa.
a. Mapagkatiwalaan b.Mapagiwanan c.Maligawan d. Maging
Santo
____23. Pakitunguhan ang bawat isa nang may paggalang at kabutihan sa lahat ng
a. pagkakataon b. Pagdadalamhati c. Pakikitungo d. kaarawan
___24. Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagbibigay ng
a. kaligayahan at kapanatagan sa tao b. Kasanayan c. Katatagan d. Kaligayahan
___25. Kung may kaibigan kang humingi ng tulong .Siya ay iyong:
a. Pakinggan b. pagalitan c. Palayasin d. Ipauwi
II. Panuto: Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Mga Pangunahing Emosyon

Pagmamahal Katatagan Pagkatakot Pag-asam Pagkamuhi


Pagkagalit Pagkagalak Pag-iwas Kawalan ng pag-asa

Pag-asa Pighati

Mga Pahayag
26. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang kaniyang pasalubong?_______________________________
27. Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako makakahabol sa aking klase.________________________________
28. Mother’s Day na sa Linggo. Sorpresahin natin si Nanay._________________________________________
29. Naku! Nandyan na naman ang laging nanunukso sa akin. Huwag ninyo akong ituturo sa kaniya.___________________
30. Akala mo naman kung sino ka! Huwag ka ngang mayabang!_______________________________________
31. Hays! Wala nang mag-aalaga sa atin dahil sa paglisan ng ating ina. _____________________________
32. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitutulong ba ako?______________________________________
33. Tiyak na matutuwa si Nanay! Matataas ang marka ko!____________________________________________
34. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan ang premyo sa sinalihan mong paligsahan.___________________
35. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may ginagawa ako.__________________________________

III. Isulat ang LETRA ng tamang sagot sa sagutang papel


____36. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa
sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?
a. paglakad-lakad sa parke b. paninigarilyo c. pagbabakasyon d. panonood ng sine
____37. Ito ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon ay mahalaga dahil ang mga ito ay may epekto sa kalagayan ng
ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
a. Motibasyon c. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba d. Pamamahala ng ugnayan
____38. Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan.
a. Motibasyon c. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba d. Pamamahala ng ugnayan
____39. Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin.
a. Feelings state b. Psychical feelings c. Sensory feelings d. Spiritual feelings
____40. Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap sa tao.
a. Feelings state b. Psychical feelings c. Sensory feelings d. Spiritual feelings
____41. Uri ng pamumuno na kung saan madali siyang makatuklas ng magaganda at mabuting pagkakataon upang mas maging
matagumpay ang pangkat na kaniyang kinabibilangan.
a. Adaptibo b. Inspirasyunal c. Rasyonal d. Transpormasyonal
____42. Uri ng pamumuno na kung saan mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ) at personalidad na madaling
makakuha ng paggalang at tagasunod.
a. Adaptibo b. Inspirasyunal c. Rasyonal d. Transpormasyonal
____43. Uri ng pamumuno na kung saan modelo at halimbawa siya ng mga mabubuting pagpapahalaga at ipinalalagay ang
kaniyang sarili na punong-tagapaglingkod (servant leader) sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga gawaing magbibigay ng
pagkakataong makapaglingkod sa kapwa.
a. Adaptibo b. Inspirasyunal c. Rasyonal d. Transpormasyonal
___44. Ito ay kakayahang pamahalaan ang sarili
a. self-esteem b. self-discipline c. self-mastery d. self-control
___45. Ang nagiging pinakamahusay na lider ay ang mga taong naging pinakamahusay na ______________.
a. taga-utos b. taga-gabay c. tagamasid d. tagasunod
___46. Ayon sa kanya, makikilala ang kahusayan ng pagiging lider sa kilos ng mga taong kaniyang pinamumunuan.
a. Eduardo Morato b. Jack Weber c. Mahatma Gandhi d. Adolf Hitler
___47. Itinaguyod niya ang pamumuhay na payak at pakikipaglabang di ginagamitan ng dahas sa India dahil sa pagkakaiba ng
relihiyon at katayuan sa lipunan.
a. Eduardo Morato b. Jack Weber c. Mahatma Gandhi d. Adolf Hitler
___48. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga kasama sa pangkat, iba pang
samahan at sa mga namumuno.
a. Kakayahang mag-organisa b. Kakayahan sa trabaho c. Mga pagpapahalaga d. Pakikipagkapwa
___49. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment, pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa
paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa kinabibilangang pangkat.
a. Kakayahang mag-organisa b. Kakayahan sa trabaho c. Mga pagpapahalaga d. Pakikipagkapwa
___50. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsensya na gagabay sa kaniya sa pagtupad
ng kaniyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahang mag-organisa b. Kakayahan sa trabaho c. Mga pagpapahalaga d. Pakikipagkapwa

PERFORMANCE TASK

PAMAGAT: KAPWA KO, MAHAL KO


Humanap ng taong nais mong tulungan. Maari mong kuhanan ng larawan ang pagsasagawa mo ng
tulong. Pwede mong ibahagi ang iyong ORAS, ABILIDAD, o KAYAMANAN(anumang bagay na
makakatulong) sa kanila.
Lagyan ng pagpapaliwanag sa ibaba ng larawan. Kung walang camera o cellphone na pagkuha ng
larawan, maari mong ilahad nalang ang iyong PAGSASAGAWA NG TULONG sa iyong kapwa sa
pamamagitan ng pagsulat ng SANAYSAY.
Ilagay ito sa coupon bond(long o short)

You might also like