You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Gawain 1

BASAHIN!
Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin at unawain ang mga impormasyong nakalahad upang magkaroon ng gabay sa pagsagot.
2. Sagutin nang buong husay ang hinihingi ng gawain.
3. Matapos magsagot ay i-save ang file sa pangalang: PANANALIKSIK#01 Seksyon – Group #
Hal. PANANALIKSIK#01 Bl. Gonzalo – Group 1
4. Palitan ang file format at i-save bilang PDF
5. I-upload ang file sa LMS sa kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

ARALIN 1 - PAGPILI NG PAKSA

Deskripsyon:
Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik. Napakalaking
bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at
lubos na pinag-isipang paksa. Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman,
makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon.

Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo kaya’t kakailanganing limitahan ito upang magkaroon
ng pokus ang gagawing pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw
ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon
at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan. Sa paglilimita ng iyong paksa, iwasang lubha naman itong
limitado na halos wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. Kung
masyadong limitado ang paksa ay maaaring magkulang ang mga gamit na kakailanganin para dito.

Ngayon ay subukang maglimita ng malawak o pangkalahatang paksa. Basahin sa susunod na pahina ang
panuto para sa gawain.
Narito ang isang halimbawa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


o Pahayagang Pangkampus

Nilimitahang Paksa:
o Pagsulat ng Balita sa mga Pahayagang Pangkampus

Lalo pang Nilimitahang Paksa:


o Pagbuo ng Pamantayan sa Pagsulat ng Balita sa mga Pahayagang Pangkampus
na Kabilang sa National Schools Press Conference Batay sa Ortograpiyang
Pambansa 2013

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Gawain 1

Panuto: Sa unang kahon ay mababasa ang isang malawak o pangkalahatang paksa. Limitahan ang paksa
upang mas madaling matugunan ang kahingian ng sulating pananaliksik. Sa ikalawa hanggang ikaapat
na kahon ay bumuo naman ng sariling malawak patungong tiyak na paksa.

1. Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Mga Salik na nakaapekto sa Partisipasyon ng mga Estudyante sa Online Learning

Nilimitahang Paksa:

Mga Salik na nakaapekto sa Partisipasyon ng mga Estudyante sa Online Learning ngayong


Pandemya

Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Mga suliranin na naranasan dahil sa mga salik na nakaapekto sa Partisipasyon ng mga


Estudyante sa Online Learning ngayong Pandemya

2. Sariling Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Filipino Slang

Nilimitahang Paksa:

Pag-unlad ng Filipino Slang dahil sa mga Filipino Queers and Youth

Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Mga salik na nakatulong sa pag-unlad ng Filipino Slang dahil sa mga Filipino Queers and
Youth

3.
Sariling Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Kultura at pakikipag ugnayan

Nilimitahang Paksa:

Ang Epekto ng Kultura sa Interpersonal na Pakikipag-ugnauan sa iba't ibang aspekto

Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Paggamit ng mga estudyante sa kultura bilang midyum ng pakikipag ugnayan sa iba't ibang
aspekto

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Gawain 1

4. Sariling Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Mga lokal na diyalekto sa Pilipinas

Nilimitahang Paksa:

Kahalagahan ng pagaaral ng mga lokal na diyalekto sa pag-unlad ng komunikasyong Pilipino

Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Pananaw ng mga mag-aaral sa kalahagahan ng pag-aaral ng mga lokal na diyalekto sa pag-


unlad ng komunikasyong Pilipino

You might also like