You are on page 1of 3

LA CONSOLACION COLLEGE MANILA

A Tradition of Quality Catholic Augustinian Education


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENOR HIGH SCHOOL

Paggamit ng Facebook bilang lunsaran ng pagtuturo


ng Bisaya, Ilokano, at Chavacano sa mga Mag-aaral ng
La Consolacion College Manila baitang-12 tungo sa
pagpapahalaga ng Wikang Pilipino

KONSEPTONG PAPEL NG PANANALIKSIK


(IKALAWANG BAHAGI)

Ipinasa nina:

AGUILERA, FELICITY MAY D.


BERNARDO, LORRAINE CHELSEA
BINONDO, KATE J.
ESTACIO, PRINCESS ALEXIS M.
PANGILINAN, DEXTER A.

Ipinasa kay:

DE LEON, MA ROSARIO D.
Mayo 2021
III. Resulta
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay tumatalakay sa presentasyon at interpretasyon ng
mga datos na nakalap ng mga mananaliksik. Dalawang beses nagkaroon ng pagtataya
upang malaman ang naging progreso ng kaalaman ng mga estudyante.

Sa unang bahagi, inaasahang malaking bahagdan ng mga mag-aaral sa STEM 12 ay hindi


ganoong kalalim ang kaalaman sa wikang Filipino at sa iba pa nitong lengguwahe.
Tanging nasa 30% lamang ng mga mag-aaral ang naitalang may kaalaman sa
lengguwaheng Ilocano, Bisaya, at Chavacano. Samantala, nasa 70% naman na mag-aaral
ang naitalang hindi ganoon kalalim ang kaalaman sa lengguwaheng Ilocano, Bisaya, at
Chavacano.

Mula sa isinagawang pangalawang pagtataya natuklasan ng mga mananaliksik na ang


paggamit ng facebook bilang lunsaran ng pagtuturo ng mga wikain sa bansa ay
nakatutulong na mabigyang halaga ng mga mag-aaral ang Wikang Pilipino. Ang mga
kabataan ay mayroong akses sa mga social media platforms kung kaya ito ang nagiging
lunsaran ng pagtuturo ng mga wikain.

IV. Diskusyon
A. Lagom
- Natuklasan sa isinagawang pananaliksik na higit na nakatutulong ang paggamit ng
facebook bilang lunsaran ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng mga wikain sa bansa.
Makikita sa mga datos sa isinagawang pananaliksik ang pagiging epektibo at
positibong tugon ng mga kalahok sa isinagawang pag-aaral.

- Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na hindi


maalam ang mga mag aaral ng STEM 12 sa La Consolacion Manila sa iba pang
local na lenggwaheng Pilipino dahil sa mga sumusunod:

 Ang kinalakihang lugar ay ang Maynila.


 Nakasanayan nang gamitin ang wikangTagalog.
 Mas intiresado sa ibang lengguwahe tulad ng Hanggul, Nihonggo, at
Mandarin
 Ang malalim na pagaaral sa sariling wikang Filipino ay hindi kinahihiligan ng
interes.
B. Konklusyon

Mahihinuha ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na “Paggamit ng Facebook


bilang lunsaran ng pagtuturo ng Bisaya, Ilokano, at Chavacano tungo sa
pagpapahalaga ng Wikang Filipino” ay maaaring magkaroon ng
malaking ambag sa strand ng STEM dahil magkakaroon sila ng malalim na
pagkakaunawa sa ating kulturang kinabibilangan at ang karagdagang kaalaman na
naibahagi ay hindi lamang sa tagalog kundi na rin sa iba pang Wikang
Filipino. Sa pag-aaral ng ibang wika makakatulong ang facebook bilang
lunsaran sa pagbabahagi ng kaalaman sa iba pang wikang katutubo hindi
lamang Ilonggo, chavacano, Bisaya at ibang pang hindi kilalang wika.

C. Rekomendasyon
- Base sa mga datos at konklusyon, nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod:

1. Para sa mga mag-aaral, siguraduhin na sa paggamit ng social media(/Facebook)


ay hindi ito makakasagabal sa pag aaral. Gamitin ang social media(/Facebook)
upang makakuha ng mahahalagang impormasyon at mapaunlad pa ang kaalaman
na maaring magamit sa pag-aaral at araw araw na buhay.

2. Para sa mga Guro, dahil sa mas modernong at makabagong in teknolohiya,


dapat ay lubos na palawakin ang mga pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga
social media apps na siyang makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa mag
aaral.

3. Para sa iba pang gumagamit ng Facebook, maging responsable sa pagamit at


pag babahagi ng impormasyon upang mas makatulong pa sa pag papalawak ng
kaalaman ng mga mag aaral at iba pang gumagamit.
-

You might also like