You are on page 1of 14

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro
Cruz, Jan Nell S. Villanueva, Aira Rezaleen C.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan
Baitang 7
Heading
Ikatlong Markahan
Kasanayang
Pampagkatuto 9.1. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at
DLC (No. & pagpapahalaga
Statement)

Dulog o Values Clarification (PNU ACES)


Approach

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C- Pangkabatiran: Naipapakita ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa


Panlahat na Layunin mga konsepto tungkol sa pagpapahalaga at birtud;
(Objectives)
DLC A- Pandamdamin: Naibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang
pagpapahalaga at birtud;

B- Saykomotor: Naipamamalas ng mga mag-aaral sa pang-araw araw na


buhay ang pagsasabuhay ng kanilang mga pagpapahalaga at birtud.

PAKSA
(TOPIC) Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga

Inaasahang
Pagpapahalaga Goodness (Moral Dimension)
(Value to be
developed)
1. Bognot, R. M., Comia, R. R., T.Gayola, S., Lagarde, M. A., Leaño, M.
SANGGUNIAN
R., Martin, E. C., Paras, R. T. (2014, March 12). K TO 12 GRADE 7
2

(APA 7th Edition LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.


format) Retrieved from Slideshare:
(References)
varied https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4
2. CrashCourse. (2016, December 6). Aristotle & Virtue Theory: Crash
Course Philosophy #38 [Video]. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=PrvtOWEXDIQ
3. Hasa. (2017, January 8). Difference Between Value and Virtue.
Retrieved from Pediaa:
https://pediaa.com/difference-between-value-and-virtue/
4. National Commission for Culture & the Arts. (2021, April 21). A
Study on Filipino Values (A Primer). Retrieved from NCCA.gov:
https://ncca.gov.ph/2021/04/21/filipino-values-primer/
5. Values: Definition, Characteristics, Importance, Types of Values.
(2021). Retrieved from iEduNote:
https://www.iedunote.com/values#:~:text=Haralambos%2C%20%E2%8
0%9CA%20value%20is%20a,%2C%20standards%2C%20and%20aspira
tions%E2%80%9D

MGA KAGAMITAN Laptop, Earphones/Headphones, Webcam, Powerpoint presentation,


(Materials) Youtube, Miro, Canva, Microsoft Word, Quizziz, Google Forms, Crello,
Adobe Sparks,

Pamamaraan/Strategy: Values Bingo Technology


Integration
Panuto: Gamit ang Bingo Card na ipapakita ng guro,
PANLINANG NA tukuyin ang mga pagpapahalaga na sa tingin mo ay Canva,
GAWAIN iyong isinasabuhay sa pang-araw araw. Ibahagi sa klase Microsoft
(Motivation) ang naging resulta ng Bingo at kung paano mo Powerpoint
naisasabuhay ang mga pagpapahalagang iyong tinukoy. Presentation,
Miro
3

Mga Tanong:

1. Ano ang naging batayan mo sa pagtukoy ng


iyong mga pagpapahalaga na nasa BINGO Card?
2. Paano nagkakaugnay ang pinahahalagahan ng
mo sa kilos o gawain mo sa pang-araw araw?
3. Bakit mahalaga na naisasabuhay mo ang iyong
pagpapahalaga?

Dulog o Approach: Values Clarification Technology


Integration
Pamamaraan/Strategy: Pagsuri sa Pagpapahalaga Powerpoint
Presentation,
Buhay Estudyante sa Gitna ng Pandemya - A Shor… Miro,
PANGUNAHING
YouTube
GAWAIN Panuto: Panoorin ang bidyo at kilalanin ang mga birtud
(Activity) at pagpapahalagang naipakita. Pagnilayan ang mga ito
at tukuyin alin sa mga naipakitang birtud at
pagpapahalaga ang iyong isinasabuhay sa kasalukuyan.
Mag-isip ng maaaring simbolo sa mga pagpapahalagang
ito at ilagay sa app na Miro.
4

Gamiting gabay ang mga katanungan sa ibaba:

1. Ano-ano ang naipakitang kilos at pagpapahalaga ni Technology


Integration
Bernard sa bidyo? (C)
Powerpoint
2. Masasabi mo bang magkaugnay ang kilos at Presentation
pagpapahalaga na ipinakita ni Bernard sa bidyo?
Pangatwiranan. (C)
3. Sa palagay mo, may pagkakatulad ba kayo ni Bernard
sa aspeto ng pagsasabuhay ng pagpapahalaga?
Ipaliwanag. (A)
MGA
4. Bakit mahalagang naisasabuhay mo bilang mag-aaral
KATANUNGAN
(Analysis) ang iyong pagpapahalaga lalo na sa gitna ng pandemya?
C-A-B (A)
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo ma-eendorso sa iba
ang pagpapahalaga at birtud na iyong taglay lalo na
ngayon sa panahon ng pandemya? (B)
6. Ano ang dapat gawin ng isang kabataang tulad mo
upang katulad ni Bernard ay maiugnay ang birtud o
kilos tungo sa pagsasabuhay ng iyong pagpapahalaga sa
konteksto ng pandemya? (B)

Balangkas Technology
- Kahulugan ng Birtud Integration
- Uri ng Birtud Powerpoint
- Intelektwal na Birtud at mga uri nito Presentation
- Moral na Birtud at mga uri nito
- Kahulugan ng Pagpapahalaga
PAGTATALAKAY - Uri ng Pagpapahalaga
(Abstraction) - Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga

Nilalaman (Content)

BIRTUD
Ano ba ang virtue o birtud? Ang birtud ay galing sa
salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang
“pagiging tao”, pagiging matatag at malakas. Ito ay
5

tumutukoy sa mga kaugalian o paggalaw ng isang


indibidwal na nagpapakita ng mataas na uri ng
moralidad o natural na kabutihan. Tanging tao lamang
ang mayroon nito dahil ang hayop ay walang kakayahan
ng anumang virtue. Hindi maaring sabihin na “virtue ng
anumang hayop”. Ito ay dahil ang tao lamang ang
biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob.

Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kaniyang


kapanganakan, ito ay gawi o habit na kinagawian sa
paglipas ng panahon. Batay kay Aristotle, mahalagang
malinang ng isang tao ang mabuting gawi upang
masanay ang tao sa paggawa ng mabuting kilos. Kung
kaya’t kinakailangang gumawa ng makatarungang kilos
dahil sa pamamagitan nito magiging makatarungan ang
isang tao. Halimbawa, ang hindi pangongopya ng isang
mag-aaral ay hindi resulta ng kanyang nakaraan, kundi
ito ay kanyang sariling desisyon o pasya sa kasalukuyan
sa paniniwalang ito ang makatarungan na gawin.
Ginawa niya ang pasiyang ito dahil isa siyang matapat na
tao. Tandaan, ang birtud ay hindi hiwalay sa kilos-loob
at isip ng tao. ang birtud ay pagpapasyang gawin ang
tama, na may tamang katuwiran at sa tamang
pamamaraan. Sinasabi sa Golden Mean ni Aristotle, ang
birtud ay hindi maituturing na labis o kulang. Kung
kulang o labis ang isang kilos, ito ay tinatawag na vice.
Dahil ay virtue ay palaging tama lang sa lahat ng
sitwasyon, hindi lumalabis at walang kulang. Halimbawa,
ang kawalang-ingat (recklessness) ay kasukdulan ng
lakas ng loob (courage) at ang kaduwagan (cowardice)
naman ang kakulangan nito.

Ang Virtue ay may dalawang uri ayon kay Aristotle:

A. Intelektwal na Birtud ay tinatawag din na “gawi


ng kaalaman” (habit of Knowledge) dahil ito ay may
kinalaman sa isip ng tao.

Mga Uri ng Intelektwal na Birtud

1. Pag-unawa (Understanding)
- Pangunahing birtud na tumutulong sa
pagpapaunlad sa isip ng isang tao. Ito ang
nagsisilbing gabay natin sa ating pagkatuto.
6

Kung wala ito, mawawalan ng kabuluhan ang


ating isip.

2. Agham (Science)
- Ito ay ang sistematikong lupon ng mga tunay at
tiyak na kaalaman mula sa masinsinang
pag-aaral, pagsasaliksik at pagpapatunay.
Mayroon itong dalawang klase; ang pilosopong
pananaw (last cause) at siyentipikong pananaw
(proximate cause)

3. Karunungan (Wisdom)
- Ito ay itinuturing na pinakahuling layunin ng
lahat ng kaalaman ng tao. Ang karunungan ay
ang nagtuturo sa tao na humusga ng tama at
gumawa ng kabutihan ayon sa kaniyang
pag-unawa at kaalaman, Ito ang tumutulong sa
tao na maunawaan ng maigi ang kalalabasan
(consequences) ng kaniyang mga kilos o gawa
bago niya ito gawin.

4. Maingat na Panghuhusga (Prudence)


- Ito ang pangunahing gumagabay sa ating kilos sa
paggawa ng mabuti. Alam natin na ang diwa ng
tao ay natural na maraming kahaharapin sa
buhay, kaya mahalagang marunong ang tao na
maging matalino sa kaniyang panghuhusga. Isa
rin sa layunin nito ang paghusga sa dapat at
hindi dapat gawin sa naturang pagkakataon.

5. Sining (Art)
- Ito ay ang tumutulong sa tao na makagawa o
makalikha sa tamang pamamaraan. Anuman ang
ating iniisip gawin ay mauuwi sa paglikha ng tao.
Kung ang sining ay paglikha, ito rin ang
kinalabasan ng katuwiran.

B. Moral na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali


ng tao. Kabilang dito ang mga gawi na nagtuturo sa atin
na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran. Ang mga
moral na birtud ay may kaugnayan sa ating kilos-loob.

Mga Uri ng Moral na Birtud

1. Katarungan (Justice)
7

- Ito ay isang birtud na ginagamitan ng ating


kilos-loob nang sa gayon ay maibigay sa tao ang
nararapat para sa kaniya, anuman ang katayuan
nito sa ating lipunan. Ito rin ang pangunahing
nagtuturo sa atin upang igalang at hindi
kailanman lumabag sa karapatan ng kahit kanino
man.

2. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)


- Ito ay ang pagkontrol sa sarili na gawin ang
bagay na maaaring makasama sa iyo o sa ibang
indibidwal. Ang taong marunong magtimpi ay
ang taong ginagamit ang kaniyang mga
kakayahan ng naaayon at mayroong
moderasyon.

3. Katatagan (Fortitude)
- Ito ay ang birtud na nagpapatibay sa isang
indibidwal at patuloy na humarap sa anumang
daraanang pagsubok. Maaaring ito rin ang
magsilbing sandata ng ibang tao na
makapagpigil o makapagtimpi sa tuksong
kaniyang kakaharapin.

4. Maingat na Panghuhusga (Prudence)


- Ito ay itinuturing na ina ng mga birtud, sapagkat
dinadaanan ng ibang mga birtud ang maingat na
panghuhusga bago niya ito isagawa.

PAGPAPAHALAGA
Ang pagpapahalaga ay nagmula sa salitang Latin na
valore na nangangahulugang pagiging malakas o
pagiging matatag at pagiging makabuluhan o
pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Makikita natin
mula sa salitang ugat nito na ang isang tao ay
kailangang maging malakas o matatag sa
pagbibigay-halaga sa anumang bagay na tunay na may
kabuluhan. Kadalasan, ito ay nagdidikta at ginagamit na
basehan sa paggawa ng desisyon. Halimbawa, kung
pag-aaral ang pinahahalagahan mo, gagawin mo ang
lahat upang magsikap at paglaanan ito ng oras at
pagtitiyaga na may kalakip na sakripisyo. Ang
pagpapahalaga ng isang tao ay hindi kailanman maaring
maangkin ng iba kung tayo ay may matatag at malakas
sa aspeto ng pisikal, emosyon, at pag-iisip.
8

Ang pagpapakahulugan ng pagpapahalaga ay iba iba sa


bawat tao. Maaaring para sa isang tao na inilalaan ang
kanyang oras sa paghahanap buhay para kumita, ang
pagpapahalaga niya ay maaari lamang ihalintulad sa
halaga ng piso laban sa dolyar. Kung para naman sa
isang magulang, ang pagpapahalaga sa kanya ang
maaring mga mithiin o pag-uugali na nais nilang iturong
sa anak.

Ayon sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay ang


anumang bagay na kaakit-akit, kaibig-ibig, kapuri-puri,
kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon, magaan at
kasiya-siya sa pakiramdam, at kapaki-pakinabang. Ito ay
may malaking impluwensya sa pag-uugali at saloobin ng
isang tao at nagsisilbing pangunahing patnubay sa lahat
ng sitwasyon.

Ayon naman kay Max Scheler, ang pagpapahalaga ay


obheto ng ating intensyonal na damdamin.
Mauunawaan natin ang pagpapahalaga sa pagdama rito.
Ang pagpapahalaga ay dinaramdam at hindi iniisip dahil
ito ay obheto ng puso, at hindi obheto ng isip.

Mga Uri ng Pagpapahalaga


Hindi lamang iisang bagay ang pinahahalagahan ng tao.
Halimbawa sa isang tinedyer, ang pag-aaral, kaibigan,
pamilya. at pagmamahal ay ilan lamang sa mga bagay na
maituturing na mahalaga para sa kanya. Ngunit kasabay
ng pagbabago dulot ng pag-unlad ng teknolohiya at
modernisasyon, nahihirapan na ang tinedyer na kilalanin
ang tama sa mali at mabuti sa masama. Kung kaya’t
mahalaga na maunawaan niya ang dalawang uri ng
pagpapahalaga na magsisilbing gabay sa pagpili ng tama
at mataas na antas ng pagpapahalaga.

1. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute


Moral Values) ay ang pangkalahatang
katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng
tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ay ang mga
pagpapahalagang nagmula sa labas ng tao. Dahil
ito ay nakaangkla sa etikal na pamantayan
(ethical principles) na kung saan maaaring
hatulan ang mga katanungang moral, at kung
ang ilang mga kilos ay tama o mali, anuman
9

konteksto ng kilos. Samakatuwid, ito ang mga


pagpapahalaga na tumatagal, nanatilit at totoo
sa lahat ng tao, sa anumang sitwasyon, at sa
anumang konteksto ng kilos.
Ang mga pagpapahalaga tulad ng pag-ibig,
paggalang sa dignidad ng tao, pagmamahal sa
katotohanan, katarungan, kapayapaan,
paggalang sa anumang pag-aari, pagbubuklod ng
pamilya, paggalang sa buhay, kalayaan, paggawa
ay ilan lamang sa mga halimbawa ng ganap na
pagpapahalagang moral.

2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural


Behavioral Values) ay ang mga pagpapahalagang
nagmula naman sa loob ng isang indibidwal. Ito
ay maaaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat o
kultura. Layunin nito na makamit ang mga
dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin
(immediate goals). Halimbawa na lamang ang
pamumuhay ng isang Pilipino na lumaki sa
Pilipinas ay mas konserbatibo kung ikukumpara
sa mga Pilipino na naninirahan sa Kanluraning
mga bansa kung saan ang mga tao ay mas
liberal. Maaaring ang isang paniniwala o
kinaugalian ng isang kultura ay hindi
katanggap-tanggap sa ibang kultura.

Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga

Matapos natin malaman ang depinisyon at pagkakaiba


ng birtud at pagpapahalaga, tingan naman natin kung
paano nagkakaugnay ang dalawa. Paano nagkakaugnay
ang birtud at pagpapahalaga? Ang Pagpapahalaga at
Birtud ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating buhay.
Bagamat magkaiba, masasabing magkaugnay ang
dalawang konsepto. Kung babalikan ang depinisyon ng
mga ito, ang birtud ang mabuting kilos na isinasabuhay
ng tao samantalang ang pagpapahalaga ay ang
tumatayong batayan sa mga kilos na ito. Samakatuwid,
ang pagpapahalaga ang siyang nagsisilbing batayan ng
kilos o desisyon ng isang tao, maaari rin itong
tumutukoy sa mga bagay na binibigyang halaga ng isang
tao. Habang ang birtud naman ang mabuting kilos na
isinasagawa ng indibidwal upang maisakatuparan ang
10

pinahahalagahan. Halimbawa, ang isang mag-aaral ay


may pagpapahalaga sa edukasyon ay nagsisikap sa
paglinang ng kanyang karunungan upang makamit ito.
Dumaan man ang mga pagsubok na maaaring
humadlang sa pagkamit niya nito, hindi siya basta basta
nawawalan ng pagpupursigi at nagiging matatag siya
upang malampasan ang anumang balakid. Matutuhan
niya ang pagkakaroon ng pasensya sa proseso sa
kanyang pagkamit ng pagpapahalaga. Magiging din siya
sa mga hakbang na kanyang gagawin upang masiguro
ang tagumpay sa paglinang ng karunungan. Totoo rin ito
sa iba pang pagpapahalagang nais nating taglayin at
isabuhay. At ganito nagkakaugnay ang birtud at
pagpapahalaga.

Pamamaraan/Strategy: Tseklist Technology


Integration
Panuto: Gumawa ng isang listahan na magsisilbing Powerpoint
tseklis ng mga itinuturing mong mahalaga sa iyo. Presentation;
Sundan ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa. Canva;
Microsoft
1. Tukuyin at pagnilayan ang mga itinuturing mong Office;
mahalaga sa buhay mo. Itala lamang ang (3) Adobe
tatlo nito sa template/format na ibibigay ng
guro.
2. Mula sa pagpapahalagang iyong itinala, tukuyin
pa ang aspeto na nais mong bigyan ng pokus.
3. Sa ikatlong kolum, ilagay ang mga paraan o
Gawain sa kasalukuyan na tumutugma sa
PAGLALAPAT pagpapahalaga.
(Application) 4. Sa huling kolum, itala ang iyong reyalisasyon o
natuklasan sa iyong sarili sa bawat
pagpapahalaga.
5. Sundan ang halimbawa na ibibigay ng guro.
6. Maaring gumamit ng kahit anong free
applications/website (Canva, Prezi, Microsoft
Office, at iba pa) sa paggawa nito. Maging
malikhain at makabuluhan sa paggawa.

PAGPAPA ASPETO MANIPEST REYALISA


HALAGA NG ASYON SA SYON
PAGPAPA KASALUK
HALAGA UYANG
GAWAIN
11

Hal. Makatapos Nag-aaral Nagtutugm


Edukasyon nang nang a ang aking
pag-aaral mabuti. kilos at
na may Umiiwas sa pagpapahal
karangalan. mga aga.
kaibigan na
maaring
maging
masamang
impluwens
ya sa
pag-aaral.

1.

2.

3.

Mga Uri ng Pagsusulit: Diagram, Modified True or False Technology


Integration
PAGSUSULIT A. Google
(Evaluation/ Forms/
Assessment) Panuto: Batay sa ating pinag-aralan, bigyan ng Quizziz
kahulugan ang pagpapahalaga at birtud sa pamamagitan
ng pagsulat ng mga salita o konseptong kaugnay dito.
12

B.

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang hinihingi ng


pangungusap; kung ito naman ay mali, ITAMA ang
salitang may salungguhit upang mawasto ang pahayag.
Isulat ito sa patlang.

__________6. Ang birtud ay galing sa salitang Latin na


valore na nangangahulugang “pagiging tao”.

__________7. Ang mga intelektwal na birtud ay


mayroong kinalaman sa isip ng tao. Tinatawag din itong
gawi ng kaalaman.

__________8. Isa sa intelektwal na birtud ang agham.


Binubuo ito ng mga tunay at tiyak na kaalaman na
bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.

__________9. Ang Pagpapahalagang Kultural na


Panggawain ay isa sa katangian ng pagpapahalagang
moral na tumutukoy sa pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.

__________10. Ang mga moral na birtud ay mayroong


kinalaman sa pag-uugali ng tao.
13

C. Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang iyong saloobin


batay sa mga tanong na nasa ibaba. Maglaan ng tatlo
(3) hanggang limang (5) pangungusap.

1. Batay sa iyong pagkakaintindi sa ating pag-aaral,


ano ang kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud?

________________________________

________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng birtud ng isang indibidwal?
Anu-ano ang pwedeng maitulong nito sa iyo at
sa iyong kapwa?

________________________________

________________________________

Mga Kasagutan:
A.
1-5. (sagot ng mag-aaral)

B.
6. virtus
7. T
8. T
9. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
10. T

C.
1-2. (sagot ng mag-aaral)

Panuto: Gumawa ng Infographic ukol sa kaugnayan ng Technology


birtud at pagpapahalaga. Gawin itong kaakit-akit. Integration
Maaaring gumawa nito sa mga sumusunod na apps o Powerpoint
TAKDANG-ARALI
websites: Canva, Crello, Adobe Sparks. Presentation;
N
Canva,
(Assignment)
Crello,
Adobe
Sparks.
14

Pamamaraan/Strategy: Unfinished Sentences Technology


Integration
Panuto: Mula sa iyong pansariling opinyon, Powerpoint
Pagtatapos na kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. Presentation
Gawain 1. Ang mga natutuhan ko ngayong araw ay tungkol
(Closing Activity) sa...
2. Makatutulong ang aking mga natutuhan sa…
3. Ang aking napagtanto sa aralin na ito ay...

You might also like