You are on page 1of 1

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung
kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon
kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.

5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa
paglutas ng suliranin.

6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo
ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may
malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting
tauhan.

You might also like