You are on page 1of 2

COVID-19 VACCINES ‘DI NAMIN

GAGALAWIN – CPP

BAGUIO CITY, Philippines — Nangako kahapon ang Communist Party of the


Philippines (CPP) na hindi aatakehin ng New People’s Army (NPA) ang pagbiyahe sa
COVID-19 vaccines.

Ipinangako ni Marco Valbuena, Information Officer ng CPP, na ang transportasyon ng


COVID vaccines ay ligtas na maidadaan sa mga kuta nito at sakop na teritoryo.

“It is a matter of principle for the NPA to respect all humanitarian undertakings that
benefit the masses,” pahayag ni Valbuena.

Ngunit ipinanawagan niya na kung maaaring hindi gamitin ng gobyerno ang AFP
military vehicles, lalo na ang mga hindi markado at may lulang armadong sundalo dahil
diumano’y paglalansi ito ng AFP sa operasyong militar sa kubli ng COVID restriction
operations.
Dagdag pa ni Valbuena, hindi mainam ang paggamit ng sasakyang militar sa
pagkumbinsi sa mga taong magpabakuna lalo na sa mga lugar na kung saan may
naranasang pag-abuso ng mga militar sa masa.

Kahit na nga ngayon, ayon kay Valbuena, nangangamba ang mga magsasaka na
magamit ang vaccination drive kontra-insurhensiya at pagpwersang pagsuko bago
mabakunahan.

Mungkahi pa ng CPP na kung maaring isagawa na lang ng International Committee of


the Red Cross at Philippine Red Cross o anumang civilian humanitarian agencies ang
transportasyon, pamamahagi at mismong pagbabakuna lalo na sa mga liblib na lugar
dahil sila naman ang may training at pasilidad para dito.

“Non-Red cross vehicles that will be used as Covid-19 vaccine transporters must be
clearly and properly marked with a red cross over white background,” sabi pa ng CPP
official.

Aking Reaksyon:
Base sa balita na nasa itaas, masasabi ko na maganda at maayos na hindi
gagalawin ang mga paparating na COVID-19 Vaccines. Maaaring makaapekto sa mga
taong kukuha ng bakuna kung ito ay gagalawin. Nararapat lamang na ganito ang gawin
upang masigurado ang kalidad at hindi napalitan ang mga nasabing vaccines.

Reaksyon ng Aking Magulang:


Ayon naman sa aking mga magulang, maayos na ganito nga ang gagawin. Dahil
maraming mga tao ang inaasahang magpapa-bakuna, mas makakasigurado na hindi
maaapektuhan ang mga vaccines kung hindi gagalawin ang mga ito. Dagdag pa nila,
sana ay dahil sa balitang ito, mabawasan ang pangamba ng ilang mga mamamayan.

You might also like