Professional Documents
Culture Documents
Balitaan 7
Balitaan 7
Ayon sa ulat ng Teleradyo, Martes, inililikas na ng Philippine Coast Guard ang mga
nasa Taal Volcano Island sa utos na rin ng Batangas PDRRMO kaugnay ng mga
naitalang seismic activity.
Makikita sa video na ito kung paano pinalilikas ng mga otoridad ng Talisay, Batangas
ang ilang residente habang pinaaalahanan ang lahat na huwag mag-panic.
Kinumpirma naman na National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC) ang naturang pagpapalikas sa isang pahayag ngayong hapon.
"[O]n-going ang evacuation sa mga residenteng na nasa Taal volcano mismo na dapat
No Man's land kaya kailangan sila palikasin. Ang mga pinapalikas ay mula sa dalawang
sitio ng Municipality of Talisay," tugon ng NDRRMC sa mga reporters.
"This order is for precautionary measure done in line with the recent activities of the
volcano pero hindi 'naga-alburuto' po ang Taal."
Kanina lang nang sabihin ng Phivolcs na nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 98
"tremor episodes" sa nakalipas na 24 oras, bagay na tumatagal ng lima hanggang 12
minuto.
"Activity in the Main Crater consisted of weak emission of white steam-laden plumes
from fumaholes that rose 5 meters high," ayon sa state volcanologists.