You are on page 1of 4

DOH: NEW COVID-19 VARIANT SA INDIA

‘HINDI PA OF CONCERN’; TRAVEL BAN,


EKIS PA

MANILA, Philippines — Hindi pa nagpapataw ng travel ban ang Pilipinas papunta at


galing sa India kasunod ng diumano'y "double-mutant" COVID-19 variant sa naturang
bansa — lalo na't variant under investigation pa lang daw ito sa ngayon.

Ilang eksperto na gaya ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng National Task
Force on COVID-19, ang nagbabala sa B.1.6.17 variant na nananalasa sa India,
dahilan para imungkahi niya na itigil ang lahat ng "direct flights" doon.

Ito ay kahit una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na walang direct
flights mula Pilipinas patungong India.

"The Philippine Genome Center has not reported to the IATF whether this has evolved
to become a variant of concern (VOC). This is still considered a variant under
investigation," ani Health Secretary Francisco Duque III, sa panayam ng CNN
Philippines.
"We’ll take this up in the IATF [meeting] — the matter of returning OFWs who might be
coming from India... There’s no [ban] on our OFWs because the policy on returning
OFWs upon the directive of the President, they must be allowed to travel back home."

Sinasabing nasa 1,200 ang overseas Filipino workers sa India, ayon sa datos ng
Overseas Workers Welfare Administration na inilahad ni Duque.

Umabot sa 352,991 ang new COVID-19 cases ng India nitong Lunes — ang
pinakamataas na pagtalon ng kaso sa buong daigdig sa iisang araw lang.

Variants of concern? Ano 'yun?

Tatlo pa lang ang kinukunsiderang VOC sa ngayon, na pawang "mas nakahahawa"


kumpara sa karaniwang COVID-19:

 B.1.351 (unang nadiskubre sa South Africa)

 B.1.1.7 (unang nadiskubre sa United Kingdom)

 P.1 (unang nadiskubre sa Brazil)

Pare-parehong may N501Y mutation ang tatlo, bagay na nagpapadali sa pagpalipat-


lipat ng virus mula sa isang tao patungo sa isa pa. Nakapasok na ng Pilipinas ang tatlo.

Travel bans, suspensions at advisories vs India

Nagpapatupad na ng sari-saring travel restrictions at advisories ang 15 teritoryo laban


sa India para maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19 sa kanila:

 United States (pinaiiwas sa lahat ng travels)

 Hong Kong (suspendidong flights)

 Pakistan (ban sa mga biyahe)

 New Zealand (suspendidong biyahe)

 United Kingdom (ban sa mga biyahe)

 Singapore (ban sa mga biyahe ng non-citizens)

 Oman (ban sa mga biyahe)

 France (restrictions simula Sabado)


 United Arab Emirates (suspendidong flights)

 Saudi Arabia (ban sa mga flights)

 Canada (ban sa mga flights)

 Kuwait (suspendidong flights)

 The Netherlands (suspendidong flights)

 Thailand (suspensyon ng paglalabas ng travel documents)

 Maldives (suspendidong biyahe)

"We cannot underestimate this virus. Definitely, if other countries are stopping the travel
of Indians to their countries, that is something our government should seriously
consider," ani Philippine Ambassador to New Delhi Ramon Bagatsing Jr. sa Laging
Handa briefing kanina.

"Variants play an important role. People are waiting for DOH DFA travel advisory/ban.
Sense of urgency is needed."

Kanina lang nang sabihin ni Bagatsing na dalawang Pilipino ang namatay na sa India
dahil sa COVID-19, habang 20 iba pa ang nahawaan nito.

Aking Reaksyon:

Base sa balitang aking nabasa, una sa lahat, labis akong nalulungkot sa


bansang India. Ayon sa aking nabasa, may naitalang 323,023 na kaso ng COVID-19 sa
isang araw lamang. Sa kabuuan, mayroon na silang 17.6M na kaso sa buong bansa.
Kulang na kulang na rin sila sa mga kagamitan sa hospital na nagdudulot ng
pagkamatay ng marami nilang mamamayan. Sana’y matulungan sila at mapuksa na
ang virus sa buong mundo. Sa kabilang banda, hindi naman ako sumasang-ayon na
hindi pa magpapatupad ng Travel ban ang ating bansa laban sa India. Dapat ay hindi
natin ipagsawalang bahala ang bagong COVID-19 Variant mula sa India lalo na’t kalapit
na bansa lamang natin ito. Dapat ay pagtuunan ito ng pansin hindi lamang ng
Gobyerno, kundi na rin tayong mga mamamayan.

Reaksyon ng aking Magulang:


Ayon sa aking mga magulang, “Tunay na nakakalungkot ang nangyayari sa
bansang India ngayon. Kahit ako ay nagulat sa balitang ito. Sana naman ay mawala na
talaga ang COVID-19 na ito.” Dagdag pa nila, “Hindi rin ako sang-ayon na hindi
magpapatupad ng Travel ban ang ating bansa laban sa India. Mayroon na ring mga
ilang bansa na nagsatupad ng travel ban kaya’t wala akong nakikitang dahilan upang
hindi rin natin ito isakatuparan. Kung hindi ito gagawin ng ating gobyerno, maaaring
magdulot pa ito ng masama sa ating bansa. Maaaring mas madagdagan pa ang ating
mga kaso at mapapahirap ang pagpapababa nito.”

You might also like