Professional Documents
Culture Documents
A. Panuto : Isulat sa patlang ang WASTO kung sinasang-ayunan ang pangungusap at isulat ang DI-
WASTO kung di sang-ayon sa pahayag.
3. Bakit kailangang matutuhang kilalanin ang mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon?
Patunayan ang sagot.
- Kailangang matutuhang kilalanin ang mga pinaghanguan ng mga impormasyon sapagkat sakanila
nang galing ang orihinal na ideya at impormasyon, kinakailangan ito ng malalim na
pagnanaliksik at pag aaral upang ito’y maidepensa. Dapat may pananagutan at mahalaga rin itong
bigyan ng kredit, dahil ang plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng
ating batas.
4. Paano nagiging maliwanag at organisado ang isang sulatin ? Paano ito maipapakita sa paraan ng
pagsusulat ?
- Maipapakitang maliwanag at organisado ang isang sulatin kapag ito ay pormal at malinis,
sapagkat mahalaga ang mga maayos na gramatika at bokabularyo dahil ito ay dapat nababasa ng
lahat, hindi ginagamitan ng di-pormal. Maraming proseso ang kinakailangan sundin upang
makagawa ng isang maayos na sulatin.
5. Anu-ano ang limang makrong kasanayan ? Alin sa mga ito ang iyong pinagpakasanayan at lagi
mong isinasagawa ? Bakit ?
- Ang limang makrong kasanayan ay ang PANONOOD, PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBABASA, PAGSUSULAT. Ang madalas kong isagawa ay ang pakikinig at panonood. Sa
aking mga napapakinggan, ako ay may natututunang bagay na hindi ko inaasahan, sapagkat sa
simpleng pakikinig mo lamang nakatatak na ang mga impormasyon sa iyong utak at mabilis mo
lamang siyang maalala. Sa panonood, ako ay may natututunan sa mga pelikula at bidyo na aking
pinanonood sapagkat ito ay mga nagbibigay kaalaman sa akin.