You are on page 1of 3

1.

Ito ay isang sistema ng pamahalaan kung saan may kapangyarihan ang mga


tao na piliin ang kanilang pinuno sa pamamagitan ng malayang halalan. 
a. Monarkiya
b. Demokrasya
c. Aristokrasya
d. Diktatoryal

Sagot: b. Demokrasya
Monarkiya - pinamumunuan ng isang hari o reyna, emperador, o czar. Ang
kapangyarihan na pamunuan ang isang bansa ay ipinamana sa mga anak ng
maharlikang angkan.
Aristokrasya - ang kapangyarihang mamuno ay nasa kamay ng iilang tao o
pamilya lamang.
Diktatoryal - ito ang tawag sa pamamahala ng isang tao lamang .

2. Saang bansa nagsimula ang demokrasya?


a. Gresya
b. Pransiya
c. Italya
d. Espanya

Sagot: a. Gresya

Ang unang pamahalaang demokrasya ay nagsimula sa Gresya o Athens,


Greece noong 510 BC sa ilalim ng pamumuno ng Griyegong si Cleisthenes.

3. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas taong 1987, ang mga sumusunod ang mga
kwalipikasyon ng mamamayang maaaring bumoto maliban sa isa. Ano ito?

a. Mamamayan ng Pilipinas
b. Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong
bomoto nang hindi bababa sa limang buwan bago mag-eleksyon.
c. hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
d. 18 taong gulang pataas

Sagot: b. Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung


saan niya gustong bomoto nang hindi bababa sa limang buwan bago
mag-eleksiyon. (Tama: anim na buwan)
4. Ilang taon ang panunungkulan ng senador sa bansa sa loob ng isang termino?
a. tatlong taon
b. apat na taon
c. limang taon
d. anim na taon
Sagot: d. anim na taon

5. Anong taon ginanap ang unang automated election sa bansa?


a. 2010
b. 2012
c. 2014
d. 2016

Sagot: a. 2010 (May 10, 2010 – Pres. Benigno Simeon Aquino III (+)

6. Pang-ilang pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte?


a. Panglabinglima
b. Panglabing-anim
c. Panglabingpito
d. Panglambingwalo

Sagot: b. Panglabing-anim

7. Ilang sangay mayroon ang pamahalaan ng Pilipinas?

a. dalawa
b. tatlo
c. apat
d. lima

Sagot: b. tatlo (Ehekutibo, Lehislatibo, at Hudikatura)

8. Ang lokal na pamahalaan ay binubuo ng tatlong antas na yunit- gobernador,


alkalde, at punong barangay.
a. Tama b. Mali

Sagot: b. Mali

Ang Pamahalaang Lokal ay binunuo ng lalawigan, lungsod at bayan, at


barangay. Ang lalawigan ay pinamumunuan ng gobernador. Ang lungsod at
bayan ay pinamumunuan naman ng alkalde, punong barangay naman ang
namumuno sa barangay.
9. Ano ang tawag sa pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang
populasyon ay pumipili ng mga in`dibidwal na hahawak ng isang publikong
opisina?

Sagot: Halalan o eleksyon

10. KWailan gaganapin ang susunod na nasyunal at lokal na eleksyon sa bansa


ayon sa COMELEC?
a. Ika-9 ng Mayo, 2022
b. Ika-10 ng Mayo, 2022
c. Ika-13 ng Mayo, 2022
d. Ika-15 ng Mayo, 2022

Sagot: a. Ika-9 ng Mayo, 2022

You might also like