You are on page 1of 4

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


FACULTY OF BEHAVIORAL AND SOCIAL SCIENCES
COLLEGE OF TEACHER DEVELOPMENT
Taft Avenue, Manila

I. Heograpiya ng Amerika

Ang Amerika ay may tinatayang haba na humigit kumulang


labing pitong milyong kilometro kwadrado at binubuo ng
dalawang malaking kontinente mula sa western hemisphere o
kanlurang bahagi ng daigdig na hiwalay sa iba pang
kontinente ng mundo. Hindi tulad ng ibang kontinente sa
daigdig na madalas ay nahahati sa silangan at kanluran na
mga bahagi, ang dalawang kontinente na bumubuo sa
Amerika ay nahahati sa hilaga at timog na bahagi.

Ang Hilagang Amerika ay ang pangatlo sa pinakamalaking kontinente sa daigdig na may


500,000,906 milyong populasyon na sinusundan ng Timog Amerika na may 400,000,034
milyong populasyon. Ang dalawang kontinenteng ito ay pinagitnaan ng dalawang malalaking
karagatan; ang Atlantic Ocean sa kanan at Pacific Ocean sa naman kaliwa.
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
FACULTY OF BEHAVIORAL AND SOCIAL SCIENCES
COLLEGE OF TEACHER DEVELOPMENT
Taft Avenue, Manila

Ayon sa mga siyentipiko, mababa ang lebel ng tubig 30,000 taon ang nakalipas sapagkat
malaking bahagi ng kalupaan sa daigdig ay nababalot ng yelo. Dahil dito, may isang tulay na
lupa - ang Beringia - mula sa Siberia na kumonekta at tumawid ng dagat Bering patungong
Alaska sa hilagang Amerika. At sa pamamagitan ng tulay na ito, nakarating ang mga sinaunang
tao mula hilagang Asya patungong Amerika.

Ang migrasyon mula norte papuntang timog na bahagi ng Amerika ay hindi naging madali sa
mga sinaunang tao dahil sa magkakaibang climatic zones ng dalawang kontinente na siyang
nagpabagal sa pagkalat ng pag-unlad sa teknolohiya at mga kaparaanan ng pag-aalaga ng hayop
at halaman.

Ang Hilagang Amerika ay binubuo ng bansang Panama at


lahat ng bansa at teritoryo ng nasa hilagang bahagi nito.
Ang pinakamalaking bulubundukin na matatagpuan sa
Hilagang Amerika ay tinatawag na Rocky Mountain.
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
FACULTY OF BEHAVIORAL AND SOCIAL SCIENCES
COLLEGE OF TEACHER DEVELOPMENT
Taft Avenue, Manila

Sa Amerika o kung tawagin ay Western Hemisphere rin


matatagpuan ang dalawang tinaguriang earth's greatest
river system, ang Mississippi River na matatagpuan sa
Hilagang Amerika at ang Amazon River na matatagpuan
sa Timog Amerika.

Samantalang ang Timog Amerika naman ay binubuo ng lahat ng bansa at teritoryo ng nasa

timog ng bansang Pamana. Matatagpuan sa bahaging ito ng Amerika ang pinakamahabang


bulubundukin sa buong mundo - ang Andes Mountains. At ang Amazon River, ang isa sa earth's
greatest river system, ay tinaguriang pangalawa sa pinakamahabang ilog sa buong mundo.
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
FACULTY OF BEHAVIORAL AND SOCIAL SCIENCES
COLLEGE OF TEACHER DEVELOPMENT
Taft Avenue, Manila

References:

Celada, A.R. & Ramos, D.J. (2018). Paglinang sa Kasaysayan 8: Kasaysayan ng Daigdig. Diwa
Learning Systems Inc., 154-163.

Spielvogel J. (2005). World History. McGraw-Hill Companies, Inc., pg. 344-362.

Image link address:


https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/north-america-physical-geography/
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/south-america-physical-geography/
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Americas_(orthographic_projection).svg
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Quilted_Fields,_Andes_(8642623276).jpg
https://en.wikipedia.org/wiki/
File:Along_the_High_note_trail_atop_Whistler_Mtn._(7958950226).jpg
https://www.britannica.com/place/Amazon-River
https://www.usgs.gov/media/images/upper-mississippi-river-floodplain
https://www.historycrunch.com/aztec-economy.html#/

You might also like