You are on page 1of 29

Araling Panlipunan

Unang Markahan- Modyul 1-4 8


Manunulat:
Mary Cristine M. Duran- LPENHS TVA
Elizabeth B. Valencia- LPENHS TVA
Welma G. Artoza- LPENHS
Angelita L. Ribalde- LPENHS
Leodelice J. Loayon- LPCNSHS
Rowena Ross - LPCNSHS
Ma. Eirish S. Zulueta- LPNHS

Balideytor sa Nilalaman:
Michelle C. Fenis- LPENHS TVA

Balideytor sa Wika:
Marilou T. Buenaventura, LPNHS

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Desiree G. Medina- LPNNHS

Konsolideytor:
Michelle C. Fenis- LPENHS TVA
Paano gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pansin ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

2
Aralin
1 Katangiang Pisikal ng Daigdig
Layunin: Nasusuri ang Katangiang Pisikal ng Daigdig, Anyong Lupa at Anyong
tubig, Klima at Yamang Likas

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, masusuri ang Katangiang Pisikal ng Daigdig, Anyong Lupa at
Anyong tubig, Klima at Yamang Likas

I. Tuklasin
Tuntunin sa mapa ang mga yamang likas, anyong tubig at anyong lupa ng
daigdig at isulat ang letra sa kontinente kung saan ito matatagpuan.

Yamang Likas Anyong Lupa Anyong Tubig


Koala (K) Mt. Everest (ME) Nile River (NR)
Redwood(R) Chocolate Hills (CH) Red Sea (RS)
Penguin (P) Krakatoa (KR) Angel Falls(AF)

3
Pamprosesong Tanong:
Bakit mahalagang pag –aralan ang Yamang Likas, Anyong lupa at Anyong
tubig sa mga kontinente ng daigdig?

II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni
sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 27-31 upang
mapalalim pa ang iyong kaalaman.

● Ang anyong lupa ay maaaring tumukoy sa pisikal na katangian ng daigdig


na binubuo ng isang heomorpolikal na bahagi.

● Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalalim na bahagi


ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana
Trench. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ay ang South China Sea,
Carribean Sea at Mediterranean Sea.

● Kung titingnan ang mundo 70 % ng kabuuang bahagi nito ay katubigan


at 30 % ay kalupaan

● Sa kabuuan ng Anyong Tubig 97 % nito ay tubig alat at 3% lamang nito ang


tubig tabang.

● Ang mga uri ng likas na yaman ay maaring Yamang Lupa, Yamang Tubig,
Yamang Gubat, Yamang Mineral at Yamang Lupa.

● Klima ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon


o lugar sa matagal na panahon.

III. Mga Gawain


A. Gawain 1: Talas-Isipan at Hanap-Salita
Tukuyin ang hinihingi ng bawat patlang at bilugan ang mga salita sa loob ng
wordbox.

1.Mga yaman na may buhay o walang


Buhay, ang mga uri nito at
Lupa,Tubig, Gubat, Mineral at Tao.

2. Ang kalagayan o kondisyon ng


atmospera sa isang rehiyon o lugar sa

4
matagal na panahon.

3. Pinakamataas na bundok sa daigdig at


bahagi ng kabundukan ng Himalayas

4. Pinakamalawak at pinakamalalim na
anyong-tubig. Maalat ang tubig nito

5. Tumukoy sa pisikal na katangian ng


daigdig na binubuo ng isang
heomorpolikal na bahagi.

6. Isa sa pinakaaktibong bulkan sa Asya


na matatagpuan sa Indonesia

7. Pinakamahabang ilog sa daigdig na matatagpuan sa Africa.

A N Y O N G L U P A O L K J G R E

Y P R A Y B E S P I R I T Y H V E

F A I S K A R A G A T A N U E K V

O T M G O D K I N D P O S R I T I

R H L A I S W E R F D F E G N H Y

B E S T N W I T H H W S M B N F A

A M I L K G U S Y H T A Z X S D T

Y E T T O W L I K A S C O M E V S

B E K R A K A T O A T H E B E S T

V E R S I O N E L I N G O L I O F

5
B. Gawain 2: Hit React, Share and Comment!
Bigyang paliwanag ang mga pahayag batay sa impormasyon tungkol sa
katangiang pisikal ng daigdig. Itala ang iyong komento o suhestiyon sa
nakalaang kahon. Basahin ang rubric para sa pamantayan

A. Ayon sa isinagawang pananasaliksik sa Wuhan China,


posibleng nagmula sa paniki o ahas ang novel corona
virus o mas kinilala sa tawag na COVID-19 na nagdulot
ng pandemya sa sangkatauhan.

B. Angpag-alburoto
B.Ang pag-alburoto ng Bulkang
ng Bulkang Taal
taal na na nagbuga
nagbuga ng na
ng maiitim
maiitim
usok na usok
sa Metro sa Metro
Manila ay mayManila ay may
masamang masamang
epekto epekto
sa kalusugan
sa kalusugan
ayon sa DOH. ayon sa DOH.

6
C. CNN News: Unti-unting naghilom ang matagal nang
butas na Ozone Layer ng Daigdig dahil sa patuloy na
quarantine at lockdown na ipinatupad sa iba’t ibang
bahagi ng mundo.

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga pahayag ang may tamang paliwanag hinggil sa teorya ng


pagkakabuo ng mga kontinente sa daigdig?
A. Ito ay nabuo mula sa mabuting pagpapala ng Diyos
B. Ito ay nabuo mula sa mga bulalakaw na nagmula sa himpapawid at
tumama sa karagatan
C. Ito ay nabuo batay sa paggalaw ng continental plate kung saan
nakapatong ang mga kalupaan
D. Ito ay nabuo sa pamamagitan ng sabay-sabay na paglutang ng masa
ng lupa mula sa sahig ng karagatan

7
2. Bakit walang taong naninirahan sa Antartica?
A. Walang maaring makain sa kontinenteng ito
B. Ipinagbabawal ang manirahan dahil sa mga siyentistang nagsasagawa
ng pag-aaral dito
C. Maraming mababangis na hayop ang naninirahan dito na maaring
umatake sa mga tao
D. Ang kontinente ay natatakpan ng yelo kaya naman ang klima ay di-
angkop sa paninirahan ng mga tao

3. Paano ka mas madaling makatutulong sa ating pamahalaan sa


pagpapanatili at pangangalaga sa ating mga likas na yaman?
A. Kunan ng larawan ang magagandang tanawin sa bansa at paunlarin
ang turismo
B. Putulin ang mga matatandang puno sa kagubatan at magtanim ng mga
bagong puno
C. Alamin at sundin ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga likas na
yaman ng bansa
D. Magsagawa ng mga protesta laban sa mga sangkot sa illegal logging,
mining, kaingin sytem, dynamite fishing, at iba pang gawaing makasisira sa
kalikasan

4. Bakit nakararanas ng mainit na klima ang mga bansa o lugar na nasa


mababang latitude?
A. Epekto ng climate change
B. Malaking bahagi nito ang disyerto
C. Hindi direktang nasisinagan ng araw ang lugar
D. Ang mga lugar ay direktang nasisinagan ng araw

5. Piliin ang HINDI kabilang sa pangkat mga bansang may tropikal na klima.
A. Indonesia C. Malaysia
B. Japan D. Philippines

V. Karagdagang Gawain
Upang mas mapalalim ang iyong kaalaman sa Katangiang Pisikal ng
Daigdig, Anyong Lupa at Anyong tubig, Klima at Likas na Yaman. Magbigay ng
tig-limang (5)halimbawa ng hinihinging impormasyon sa bawat bilang.
1. Pinakamataas na Bundok sa Daigdig.
2. Pinakamalaking karagatan sa Daigdig
3. Pinakamalaking rainforest sa Daigdig
4. Pinakaaktibong bulkan sa Daigdig
5. Natatanging Likas na Yaman ng mga kontinente

8
Aralin
2 Heograpiyang Pantao
Layunin: Napahahalagahan ang mga natatanging kultura ng mga rehiyon,
bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etniko, wika, at relihiyon sa
daigdig).

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa aralin na ito, bibigyang halaga ang mga natatanging kultura ng mga rehiyon,
bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etniko, wika at relihiyon sa
daigdig) na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang
henerasyon.

I. Tuklasin
Suriin ang mga larawan na nasa loob ng kahon at isulat sa patlang ang konsepto
na maaaring iugnay dito. Pagkatapos, sagutin ang pamprosesong tanong sa
ibaba.

1. 2. 3 .

Pamprosesong Tanong:
1. Magkakaugnay ba ang mga nasa larawan? Ipaliwanag ang kanilang
ugnayan.

9
II. Isaisip
Upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. isaisip ang mga sumusunod na
mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa
Kasaysayan ng Daigdig, pahina 31-34.

• Ang Heograpiyang Pantao ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa


interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran.

• Ang pag-aaral ng heograpiyang pantao ay mahalaga dahil nagkakaroon ng


pagkakakilanlan ng indibidwal o pangkat ng tao at umusbong ang respeto sa
identidad ng mga tao na kabilang sa isang pangkat.

• Ang mga saklaw ng heograpiyang pantao ay ang mga lahi, pangkat-etniko,


relihiyon, at wika.

● Ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakilanlan ng isang pangkat ng mga


tao gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.

•Ang pangunahing pamilya ng wika sa buong daigdig ay ang mga Afro-asiatic,


Austronesian, Indo-European, Niger-Congo, at Sino-Tibetan.

• Ang relihiyon ay may malaking bahaging ginampanan sa buhay ng mga tao


kaya naman marami ang naging tagasunod nito. Ang mga pangunahing
relihiyon sa daigdig ay ang mga Budismo, Hinduismo, Islam, at Kristiyanismo.

III.Mga Gawain
A. Gawain1: Hanger of Knowledge
Punan ng mga mahahalagang impormasyon ang dayagram sa pamamagitan
ng pagtukoy at pagsagot sa tamang salita na naglalarawan sa mga pahayag
na matatagpuan sa ibabang bahagi nito na may letrang A hanggang J. Ilagay
ang tamang sagot sa ilalim ng tamang konsepto na makikita sa loob ng Hanger.

10
HEOGRAPIYANG PANTAO

RELIHIYON
LAHI Pangkat WIKA 8.
1. -etniko 5. 9.
2. 4. 6. 10.
3. 7.

A. Mga wikang magkakaugnay na may iisang pinag-ugatan


B. Nangangahulugang buuin ang mga bahagi upang maging magkakaugnay
ang kabuuan
C. Salitang Griyego na nangangahulugang mamamayan
D. Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang Pangkat
E. Lahi ng tao na matatagpuan sa Silangang Asya
F. Relihiyon na may pinakamaraming tagasunod
G. Relihiyon na kinabibilangan ng Pilipinas
H. Bilang o dami ng buhay na wika
I. Ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono

J. May buhok na kulot na kulot, malapad at pango na ilong

Gawain 2: HAIKU
Sa araw-araw nating pamumuhay tayo ay mayroong nakakasalamuha ng ibang
lahi sa loob at labas ng ating lungsod. Sa bahaging ito, ikaw ay bubuo ng isang
Haiku (maikling tula na may 5-7-5 na taludturan) ayon sa temang “PAGKAKAISA
SA KABILA NG PAGKAKAIBA-IBA” at batay sa sumusunod na sitwasyon na nasa
loob ng kahon. Gawing batayan ang rubric upang maunawaan ang
pamantayan sa gawaing ito.

11
Sa kasalukuyan, patuloy na dumarami ang mga dayuhan sa ating
bansa. Sa ating lungsod, malimit ay makakasalamuha ka ng dayuhang
tulad ng mga Chinese, Indians, Koreans, Africans at iba pa. Ang mga
dayuhang ito ay kalimitang iyong makikita sa mga commercial
establishment ng ating lungsod o maaaring iyong kapitbahay sa inyong
tinitirhang lugar. Karamihan sa kanila ay mga estudyante din na katulad
mo habang ang iba naman ay mga nagtatrabaho sa mga BPO na
matatagpuan sa ating lugar. Ang mga dayuhang ito ay mula sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig na may iba’t ibang kultura. Ngayong tayo ay
naninirahan na sa isang multicultural society, paano mo mahihikayat
ang iba na magkaroon ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba?

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailang


(10) (8) (6) an ng
pagsasanay
(4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
makahulugan ang makahulugan ang may lalim ang literal ang
kabuuan ng tula kabuuan ng tula kabuuan ng kabuuan ng tula
tula
Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwa simbolismo/pahiwa simbolismo na pagtatangkang
tig na nakapag-isip tig na nakapag-isip nakalito sa mga ginawa upang
sa mga sa mga mambabasa. makagamit ng
mambabasa. mambabasa. May Ang mga salita simbolismo.
Piling-pili ang mga ilang piling salita at ay di-gaanong
salita at pariralang pariralang ginamit pili.
ginamit
Gumamit ng May sukat at tugma May Walang sukat at
napakahusay at ngunit may pagtatangkan tugma kung
angkop na sukat at bahagyang g gumamit ng may naisulat
tugma inkonsistensi sukat at tugma man.
ngunit halos
inconsistent
lahat

12
IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong lahi ng tao ang matatagpuan sa mga bansang Tsina. Korea, Japan, at
Taiwan?
A Australoid B Caucasoid C Mongoloid D Negroid

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagsasaad ng kahalagahan


ng pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A Malalaman ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
B Magkakaroon ng pagkakakilanlang indibidwal o pangkat ng tao.
C Mabubuo ang malalim na pang-unawa sa ibang pangkat ng tao.
D Matututunan ang mga hangganan ng mga teritoryo ng bansa na
kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking hamon kung iba-iba ang


kultura, relihiyon, lengguwahe ng mga pangkat-etniko sa isang bansa?
A Ideolohiyang Politikal C Modernisasyon
B Pagkakakilanlan D Pagkakaisa

4. Ano ang kahulugan ng salitang Greek na Ethnos?


A dayuhan B katutubo C mamamayan D miyembro

5. Alin sa mga sumusunod na relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod?


A Budismo B Hinduismo C Islam D Kristiyanismo

13
V. Karagdagang Gawain
DORA D EXPLORER

Lakbayin mo ang mga bansang China, Congo at Italy at talakayin mo ang


kanilang heograpiyang pantao. Ilagay sa loob ng kahon ang iyong
matutuklasan.

WIKA (Family
BANSA LAHI RELIHIYON
Language)

CHINA

CONGO

ITALY

Pamprosesong Tanong:
1. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga bansang nilakbay batay sa
gawain?
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng kaalaman sa heograpiyang pantao ng
ibang bansa?
3. Paano makakamit ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi, wika,
at paniniwala?

14
Aralin
Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura
3 sa Panahong Pre-historiko
Layunin: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong pre-historiko.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, ating susuriin ang mahalagang pangyayaring naganap sa
panahong pre-historiko at ang bahaging ginampanan ng tao at kapaligiran sa
paghubog at pag-unlad ng sinaunang pamumuhay.

I. Tuklasin
Isipin na isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.
Anong 3 bagay sa palagay mo ang makatutulong sa iyong pang-araw araw na
buhay? Ipaliwanag ang napili.

Pamprosesong Tanong:

1. Alin ang inyong pinili?


2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung taglay mo ang
bagay na napili? Ipaliwanag ang sagot.

15
II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni
sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 41-44 upang
mapalalim pa ang iyong kaalaman.

● PANAHONG PRE-HISTORIKO
400,00 -8,500 B.C.E
Nahahati sa 3 yugto ng panahon, Lower Paleolithic, Middle Paleolithic at Upper
Paleolithic
● Umaasa sa Kalikasan
● Kasangkapan yari sa bato
● Walang permanenteng tirahan/ nomadiko
● Unang nakatuklas at gumamit ng apoy
● Taong Peking, Tabon ,Neanderthal at Cro -magnon ang nabuhay sa
panahong ito.

PANAHONG NEOLITIKO
10,000 – 4,000 B.C.E.

● Hango sa salitang Greek na neos o bago at lithos o bato.


● May permanenteng panirahan at pamayanang neolitiko Catal Huyuk
● May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo
● Maunlad na ang agrikultura at pangingisda
● May kasanayan na sa paglilibing ng mga yumao sa loob ng bahay

PANAHONG METAL
4,000 B.C.E – Kasalukuyan

● Nagsimula sa pagtuklas ng tanso o copper


● Naging mabilis ang pag-unlad at paggamit ng mga kasangkapan na yari
sa metal
● Gumamit ng mga metal sa mga armas at palamuti
● Natutong makipagkalakalan sa mga karatig pook
● Mga pangkat ng Hittites ang unang nakatuklas ng gamit ng bakal.

16
Ebolusyong Kultural at Pag-usbong ng kabihasnan
Malaki ang bahaging ginampanan ng ebolusyong kultural sa kasaysayan
ng tao. Ito ang naging pundasyon sa pag-usbong ng mga dakilang kabihasnan
sa daigdig.

III. Mga Gawain

A. Gawain1: Hagdan ng Pagbabagong Kultural

Panuto: Ilarawan ang pag-unlad ng pamumuhay mula sa panahong Paleolitiko


hanggang sa panahong Kasalukuyan.

KULTURA/PANAHON KATANGIAN URI NG MAHALAGANG PARAAN NG


NG KASANGKAPAN TUKLAS PAMUMUHAY
BAWAT
PANAHON

Paleolitiko

Neolitiko

Metal

Kasalukuyan

Pamprosesong Tanong:

● Paano mo maiuugnay ang naganap sa pagbabagong kultural sa


kasalukuyang kalagayan ng pamumuhay ng tao? Pangatwiranan ang sagot.

B. Gawain 2: Case Study

Panuto: Magsaliksik ng lumang larawan sa inyong lugar. Maaaring pumili sa mga


sumusunod

17
a. Gusali-munisipyo/cityhall,paaralan
Tanggapan ,pamilihan
b. Hanapbuhay– agrikultural,teknolohiya, komersyo

Pagkatapos, suriin ang pagbabagong naganap kaugnay ng napiling


larawan. (noon at ngayon) sundan ang daloy ng Gawain sa Modyul ng Mag-
aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 41-44

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at itiman ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang HINDI naganap noong Upper Paleolithic?

ⒶNatutong gumamit ng apoy.


ⒶNagagamit ang apoy sa iba’t ibang paraan.
ⒶNanirahan ang mga tao malapit sa mga lambak.
ⒶNagkaroon ng komplikadong pagpapangkat sa lipunan.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI nagbigay daan sa pag-unlad ng agrikultura?

Ⓐdomestikasyon ng hayop
Ⓐ pagdami ng populasyon
Ⓐsurplus na pagkain
Ⓐ teknolohiya

3. Bakit naging mahalaga ang bakal kaysa sa iba pang metal?

Ⓐ dahil napadali nito ang pangangaso


Ⓐ dahil naging matibay ang mga tirahan ng mga tao
Ⓐ dahil ito ay mas matibay na pamalit sa mga kasangkapang yari sa tanso at
bronse
Ⓐ dahil ito ang naging pangunahing sangkap sa paggawa ng matitibay na
sandata

4. Ano ang pinakamahalagang tuklas ng tao noong panahon ng Neolitiko?

ⒶAgrikultura ⒶPakikipagpalitan
Ⓐ Paghahayupan ⒶKasangkapan

18
5. Paano mo mapahahalagahan ang nauubos na yaman ng dagidig bunga ng
walang katapusang pangangailangan at mga hilig ng tao?

ⒶBibilhin ko lamang kung ano ang aking kinakailangan.


ⒶKapag may sobrang pera, bibilhin ko agad ang bagay na gusto ko.
ⒶMag-iipon ako ng salapi para may makukuha sa oras ng pangangailangan.
ⒶSa oras ng kalamidad, bibili ako ng marami para mayroong stock sa bahay.

V. Karagdagang Gawain

Tech-nimation

Panuto: Gumawa ng animation gamit ang mapipiling movie making software


upang ipakita ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga sinaunang
tao noong panahon ng pababagong Kultural.

19
Aralin Kaugnayan ng Heograpiya sa Pagbuo
at Pag-unlad ng mga Sinaunang
4 Kabihasnan sa Daigdig
Layunin: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa Egypt, Mesopotamia, India at China.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, iuugnay mo ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa Egypt, Mesopotamia, India at China.

I. Tuklasin
Suriin ang mapa ng daigdig at isulat ang mga sinaunang kabihasnang tinutukoy
sa callout.

Pamprosesong Tanong:
Mayroon bang impluwensya ang katangian ng heograpiya sa paglinang ng mga
sinaunang kabihasnan? Ipaliwanag ang sagot.

II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni
sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 57-62 upang
mapalalim pa ang iyong kaalaman.

20
● Ang mga sinaunang kabihasnan sa Egypt, Mesopotamia, India at China
ay sumibol sa lambak ilog.

● Ang Ilog Nile sa Egypt, Ilog Tigris at Euphrates sa Mesopotamia, Ilog Indus
sa India at Ilog Huang Ho sa China ay nakatulong upang maging mainam sa
gawaing agrikultural ang mga lupaing nakapaligid dito.

● Ang mga ilog bagama’t nakatulong sa gawaing pangkabuhayan ay


nagdulot ng kalamidad tulad ng pagbaha sa tuwing ito ay aapaw o taggutom
sa tuwing ito ay matutuyo.

● Ang mga likas na hangganan ay nakatulong upang maiwasan ang


pananakop ng ibang pangkat.

● Ang mga hamong pangkapaligiran dulot ng katangiang heograpikal ay


nagbigay-daan upang mapabuti ang kanilang irigasyon, matayo at mapatibay
ang mga hangganan at maisulong ang kalakalan upang matugunan ang
kanilang mga pangangailangan.

III. Mga Gawain


A. Gawain1: Ancient Geo Analysis Table
Basahin ang mga tanong na nasa unang hanay ng talahanayan at isulat ang
sagot sa ilalim ng bawat sinaunang kabihasnan.

Mga Tanong Egypt Mesopotamia India China


Saang lambak
ilog nalinang
ang sinaunang
kabihasnan?

(1 punto sa
bawat wastong
sagot)
Ano-ano ang
mga likas na
hangganan
ang
matatagpuan
sa mga
sinaunang
kabihasnan?

(3 puntos sa
bawat wastong
sagot)

21
Ano-ano ang
mga naging
pangunahing
kabuhayan ng
mga pangkat
na nanirahan sa
mga sinaunang
kabihasnan?

(2 puntos sa
bawat wastong
sagot)
Ano-ano ang
mga hamong
pangkapaligira
n ang
kinaharap ng
mga sinaunang
kabihasnan
dulot ng
kanilang
katangiang
heograpikal?

(3 puntos sa
bawat wastong
sagot)

B. Gawain 2: Hamon tungo sa Katatagan


Suriin ang katangiang heograpikal ng Pilipinas gamit ang mga sumusunod na
datos at talahanayan. Batay sa datos, magtala ng tatlong hamong
pangkapaligiran na kinaharap ng Pilipinas, magtala ng mungkahing paraan
kung paano ito malulutas at kung paano ito magiging oportunidad para sayo
upang makatulong sa ating bansa.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na napaliligiran ng Philippine Sea sa


Silangan, Celebes Sea sa Timog, Sulu Sea sa Timog-Kanluran at Philippine
West Sea sa kanluran at Hilaga.
Ang Pilipinas ay mayroong mga bulkan tulad ng Bulkang Pinatubo at
Bulkang Taal.
Ang klima sa Pilipinas ay tropical at nakararanas ng pag-ulan dulot ng
southwest monsoon sa pagitan ng buwan ng Mayo hanggang Oktubre.
Nakararanas din ang Pilipinas ng mga tropical cyclone sa pagitan ng Hunyo
hanggang Disyembre.
Ang Pilipinas ay nasa bahagi ng Pacific Ring of Fire, kung saan ang mga
bansang kabilang dito ay nakararanas ng mga paglindol at pagputok ng
mga bulkan.

22
Hamong Dulot ng Mungkahing Paraan Sariling Aksyon
Katangiang Para sa Pamahalaan upang Makatulong
Heograpikal ng sa Pagharap sa sa Matagumpay sa
Pilipinas Hamong Pagharap sa Hamong
Pangkapaligiran Pangkapaligiran

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit sa mga ilog lambak sumibol ang mga sinaunang kabihasnan?


A. Nagbigay-daan ito para sa mabilis na transportasyon na humikayat sa
mga tao upang dito manirahan
B. Naging mainam ito para sa gawing agrikultural dahil sa banlik na iniwan
ng baha mula sa mga ilog
C. Ang paligid ng mga ilog lambak ay mayroong likas na hangganan na
nagbigay proteksyon laban sa mga mananakop
D. Madaling nakapagtayo ng mga pamilihan at institusyong politikal ang
mga tao dahil sa sapat na supply ng pagkain mula sa ilog

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hangganan ng China?


A. Disyerto ng Thar C. Tibetan Plateau
B. Philippine West Sea D. Yellow Sea

3. Alin sa mga sumusunod ang naging hadlang sa mga ibang pangkat upang
sakupin ang Egypt?
A. Pagdadala ng matinding takot ng mga Ehipsyo
B. Pagkakaroon ng malakas na kagamitang pandigma
C. Pagkakaroon ng mga disyertong nakapaligid sa Egypt
D. Pagkakaroon ng isang matatag at organisadong sandatahang lakas

23
4. Ano-ano ang dalawang ilog na nakapaligid sa Mesopotamia?
A. Ilog Euphrates at Ilog Tigris
B. Ilog Huang Ho at Ilog Yangtze
C. Ilog Indus at Ilog Ganges
D. Ilog Nile at Ilog Niger

5. Paano nakaapekto ang monsoon sa pamumuhay ng mga tao sa India?


A. Ang monsoon ay nagdulot ng kalamidad tulad ng taggutom at baha
B. Dahil sa monsoon ang India ay naging mainam na tirahan ng mga tao
C. Nakatulong ang monsoon sa pagkakaroon ng mataas na reserba ng tubig
tabang
D.Nakatulong ang monsoon upang maging mahirap para sa mananakop na
salakayin ang India

V. Karagdagang Gawain
Upang mas mapalalim mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa kaugnayan ng
heograpiya ng Egypt, Mesopotamia, India at China sa pag-unlad ng kanilang
sinaunang kabihasnan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang salik na nakaimpluwensya sa pagiging matatag ng sinaunang


kabihasnan ng Egypt?

2. Paano nakatulong ang katangiang heograpikal ng Mesopotamia sa


paglinang ng sinaunang kabihasnan nito?

3. Paano inilarawan ang sinaunang sibilisasyon ng India?

4. Bakit naging katangi-tangi ang sibilisasyon ng China?

24
25
26
27

You might also like