You are on page 1of 1

Juan 6:24-35

Ang lumalapit sa akin ay di na magugutom, at ang nanalig sa akin ay di na uuhaw.

“Ano pong kababalaghan ang maiipakita nyo sa amin? Ano po ang gagawin nyo? (Jonh 6: 30)

Karamihan sa ating mga Pilipino proweba muna bago maniwala. Kailangan ng ng paliwanag
upang mas maintindihan at maunawaan natin ng maayus. Lingid sa ating kaisipan ang mensahe na
ibinibagay sa atin ng Mabuting Balita sa panahon ng pandemya sa ating bansa. Na manalig at lumapit
tayo sa kanya nang sa ganun lumalim pa ang ating pananalig sa kanya. Nang sa ganun di agad agad tayo
babagsak at susuko sapagkat kung may malalim tayong pundasyon, ang panalangin. Ang panalangin
natin sa araw araw ang syang magiging sandata natin upang maging matibay tayo sa oras ng problema
na ating kakaharapin. Na ang panalangin ay mabisang paraan upang tayo ay di basta basta panghinaan
ng loob. Ito ang marahil na sinasabi ng Diyos sa atin sa panahon ng pandemya na manalig, at lumapit sa
kanya sapamamagitan ng mataimtim na pananalangin.

Natura na sa mga tao ang pag hingi ng proweba bago maniwala sa sinasabi ng ibang tao.
Marahil gusto lamang natin manigurado kung tama ba ang sinasabi nila o kung mali ba. Dahil may ibang
tao na nangluluko ng kapwa. Ngunit di sa lahat ng pag kakataon kailangan mo ng paliwanag. Sabi nga ng
iba na walang paliwanag ang sasapat sa ataong ayaw maniwala. sapagkat sapat na ang isang paliwanag
sa taong marunong maniwala at mag tiwala. Kaya kailangan natin ng pananalig sa Diyos sa panahon
ngayon ng pandemya. Pagkat alam kong di nya tayo pababayaan at tutulungan nya tayo sa lahat ng oras
lalo na sa oras ng panganagilangan.

Sa panahon ng pandemya kaya ba natin na ibigay ang buong pag titiwala sa Diyos na walang
pag aalinlangan sa kanya? Kaya ba natin harapin ang pagsubok na ibinigay nya sa atin ng walang tulong
galing sa diyos?

You might also like