You are on page 1of 2

P7.

9 BILYONG COVID-19 ALLOWANCE NG HCWS


INILABAS NA

Health workers from the government-run Philippine General Hospital hold placards as they ask the
government to release their risk allowances amid rising Covid-19 coronavirus infections, in Manila on
August 26, 2021.

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department


of Health (DOH) ang P7.92 bilyon One Covid-19 Allowance (OCA).

Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa 526,727 eligible na public at private healthcare workers
(HCWs) at mga non-HCWs na ang trabaho ay may kaugnayan sa COVID-19 response.

Sa nasabing halaga, ang P4.50 bilyon ay para sa COVID-19 benefits ng nasa 100,313 DOH plantilla
personnel sa mga pampublikong ospital, tanggapan at mga rehabilitation centers kabilang na ang mga
military at state university hospitals.

Ang natitirang P3.42 bilyon ay para sa 426,414 health workers na nagrereport sa mga local
government units at mga pribadong health facilities.

Sa ilalim ng OCA, ang mga health workers na matutukoy na high risk sa COVID-19 ay makakatanggap
ng P9,000 kada buwan samantalang ang moderate risk ang exposure ay P6,000 at ang low risk ay
P3,000.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas pinabilis na ngayon ang pagpapalabas
ng nabanggit na allowance.

“Kung dati po kailangan naming i-validate at i-compute per specific allowance, ngayon po nasa isang
lumpsum na po siya na ibibigay natin sa health workers according to their risk classification…Lesser na
po ang tsansa para ma-delay ang pag-release natin ng kanilang mga allowances,” ani Vergeire.

Nilinaw din ni Vergeire na walang tinanggal sa allowance ng mga health care workers at ginawa
lamang na mabilis ang proseso.

AKING REAKSYON:
Para sa akin, maganda ang balitang ito sapagkat napapabilis ang proseso ng pagbibigay ng
allowance para sa mga health care workers. Ang mga HCWs ang mga pinakamatrabaho nang
nagsimula ang pandemya kaya naman nararapat lang silang bigyan ng mga benepisyo. Ang paglalaan
ng sapat na pondo para sa COVID-19 benefits ay malaking tulong para sa kanila dahil araw-araw
silang nae-expose sa virus. Maganda rin na paglaanan din nila ng pansin ang mga pasilidad upang
mas pagandahin pa ito at palakihin. Kapag maraming mga pasilidad ang mayroon para sa lahat,
maiiwasan na ang sitwasyong punuan ang lahat ng mga hospital. Sana rin ay bukod sa pagpapabilis
ng pagbibigay ng allowance ay dagdagan din ang kanilang sahod. Ang mga HCWs ay isa sa mga
pinakamahirap na trabaho ngayon ngunit ang kanilang sahod ay hindi sapat para sa kanila. Mahalaga
ang balitang ito sa akin sapagkat mayroon akong mga kamag-anak na HCWs, at ang balitang ito ay
magbibigay ng magandang balita sa aming pamilya. Dahil din sa balitang ito’y nagagawa kong
malaman ang kasalukuyang nangyayari sa mga HCWs at ang mga balitang may kaugnayan sa
COVID-19. Mahalaga ito sapagkat napapanahon ang balitang ito, kaya naman nararapat lang na
malaman ko ang tungkol dito.

REAKSYON NG AKING MAGULANG:


Ayon naman sa aking magulang, buti na lang daw at nagpagdesisyunan ng iba’t ibang
departamento na ilabas na ang budget para sa allowance ng mga HCWs. Magda-dalawang taon na
raw nang magsimula ang COVID-19 pandemic na ito at ang mga HCWs ang pinakanahihirapan, kaya
naman dapat ay i-trato sila nang maayos at bigyan ng maraming benepisyo. Ang ganitong panukala ay
dapat maging simula sa marami pang benepisyong kanilang matatanggap, sapagkat kailangan talaga
ito ng mga HCWs dahil sa kanilang mababang sahod at pagod sa panahong ito.

You might also like