You are on page 1of 1

PASAKOP

CORINTO 14:32-33
Ang kaloob na pagsasalita ng mensahe mula sa Diyos ay dapat
napipigil ng mga tumanggap ng kaloob na iyon, sapagkat ang Diyos ay
hindi Diyos ng kaguluhan kundi ng kapayapaan.

Lahat ay binibigyan ng karapatang magsalita ng mensahe ng Diyos at


ang mga tumanggap ng kaloob na iyon ay marapat na timbangin at
suriin ang mga ito para sa kapakan ng iglesia upang maunawaan din
ng lahat, hindi upang pagtalunan. Ang mga babae rin ay kailangang
pasakop ayon na rin sa Kasulatan.

Marami nang nagaganap sa kasalukuyan, naroon ang malayang


pagpapahayag ng kaisipan o ng kung ano ang saloobin ng isang tao.
Marami nga rin sa mga iglesia ang ganito ang nangyayari, ngunit
nasusunod ba kung ano talaga ang nararapat ayon sa Kasulatan? Oo
nga’t lahat ay may karapatang magsalita ayon na rin sa batas ng tao,
ngunit ayon din ba kaya ito sa batas ng Diyos?

Marahil nga ay malayo na ang nararating ng iba o ng karamihan dahil


na rin sa antas ng pinag-aralang natamo sa buhay, o sa angking
abilidad, ngunit dahil na rin siguro rito’y napapalayo ang kalooban ng
iba sa tunay na ‘kaloob na pagsasalita’ lalo na ng mga mensaheng
mula sa Diyos. Ito rin marahil ang dahilan ng ibang mag-asawa ng hindi
pagkakaunawaan dahil na rin sa antas ng edukasyon nila, na kung
saan ang asawang babae ang may mas mataas na antas ng pinag-
aralan kaysa sa asawang lalaki. Kung malalaman lamang nila tunay na
kaloob ng Diyos sa larangang ito, mauunawaan nilang may
pagkakamali sila na kailangang ayusin alang alang sa ikalulugod ng
nagkaloob nito, walang iba kundi ang Diyos.

You might also like