You are on page 1of 2

Bauzon, Karen Joy A.

BSMA 1-
2
Maikling Pagsusulit Blg. 1
1. Sapat ba ang aking wika upang ilahad, ipahayag, ang konsepto, suliranin,
karanasan at pangarap ng mga Pilipino? Ipaliwanag.

Wika ang pangunahin at isa sa mga nagsisilbing paraan upang tayo ay makipag
komunikasyon at talastasan sa ibang tao ng ating mga nararamdaman, saloobin at
pananaw. Sa ganitong paraan, alam natin kung ano ang nais iparating ng mga kapwa
pilipino, at lahat ay nakakaalam at nakakaintindi sa bawat isa sa pamamagitan ng
paggamit ng wika. Ang isang bansa ay nangangahulugang malaya kung ito ay may
sariling wika. Dahil sa wika ay nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Mayroong iba’t ibang
wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng
ating wikang Filipino. Ang ating sariling wika ang nagbubuklod sa atin sa ibang mga
bansa. Pinagkakaisa nito ang mga mamamayan at nagkakaroon ng mas madaling
komunikasyon. Para sa akin ay sapat na ang ating wika upang ilahad o ipahayag ang
konsepto, suliranin, karanasan at pangarap ng mga pilipino. Kung mag kakaroon man ng
suliranin ay malaking tulong ang ating wika upang mas madaling magkaintindihan at
makanahanp ng solusyon para dito. Ngunit sa ating panahon ngayon ay mas bihasa pa sa
ingles ang mga kabataan kaysa sa ating sariling wika. Ginagawang batayan sa
katalinuhan ang pagsalita ng ingles na hindi naman nararapat. Dapat ay mas bigyan natin
ng pokus at halaga ang ating sariling wikang filipino kaysa sa wikang di naman sa atin.
Wag tayong magpakain sa sistemang kolonyal, gamitin at wag nating ibaon sa limot ang
sariling atin.

2. Nakikita ko ba ang kahalagahan ng wika upang mapaunlad ang iba’t ibang


industriya (turismo, paggawa, medisina, kalusugan, agrikultura, hustisya, atbp.)?
Ipaliwanag.

Sa aking palagay ay malaki ang kahalagahan ng wika upang mapaunlad ang iba’t
ibang industriya. Kung mas tatangkilikin at bibigyan ng prayoridad ang ating wikang
filipino ay mas uunlaad ang iba’t ibang industiya at ang ating bansa. Isa sa mga suliranin
ng mga industriya ay ang di pagkakaunawa sa isa’t isa dahil hindi lahat ay bihasa sa
wikang banyaga kaya nagkakaroon ng di pagkakaintindihan. Kung mas magpopokus ang
iba’t ibang industriya sa paggamit ng ating sariling wika ay mas mapapadali at epektibo
ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa. Marami ang nagsasabi na ang wikang ingles ang
mas mahalaga kumpara sa wikang filipino sa kadahilanan na ang wikang ingles ay ang
pangunahing lenggwahe na mas ginnagamit nang karamihan kahit saan man sila
magpunta sa mundo. Ngunit kung ako ang tatanongin ay ang wikang filipino parin ang
napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino,
makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang
ang ating gamitin katulad ng bansang Japan na mas pinahahalagahan ang kanilang

This study source was downloaded by 100000840931037 from CourseHero.com on 02-21-2022 08:37:08 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131512477/BSMA-1-2-Bauzon-Karen-Joy-A-MaiklingPagsusulit1docx/
sariling wika kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa
at ngayon isa ang kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Kung
lahat ng Pilipino ay gagamitin ang wikang filipino sa pang araw-araw ay malaki ang
maitutulong nito upang mas magkakaunawaan ang lahat at magiging daan din ito
sapagpapabuti ng ating ekonomiya na tutulong sap ag unlad ng ating bansa.

3. Taglay ba ng mga Pilipino ang pagmamalasakit sa bayan nang hindi nangingibabaw


ang personal na interes? Ipaliwanag.

Marami pa naman ang mga pilipinong may pagmamalasakit sa ating bayan ngunit
mayroon paring iba na mas inuuna ang personal na interes. Sa kasalukuyan na mayroon
tayong kinakaharap na krisis dahil sa pandemiya, makikitang hindi lahat ay
nagmamalasakit para sa ating bayan. Ang mga nagtratrabaho sa ospital at mga frontliners
ang mga nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating bayan na walang halong personal na
interes. Ang iba sa ating gobyerno ay nakikitang nawawalan ng pagmamalasakit sa ating
bayan dahil inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan para lamang sa kanilang sariling
pang interes. Ang iba ay tumutulong lamang upang mapaganda ang kanilang imahe sa
nakararami. Kung totoong may malasakit sa bayan ay dapat bukal sa puso ang pagtulong
at ginagawa ito sa kadahilanang gustong makatulong sa kapwa. Kahit na may mga
pilipinong inuuna ang kanilang mga personal na interes ay naniniwala parin ako sa mga
may malasakit sa ating bayan na hindi nagpapasilaw sa kanilang mga personal na interes
at dadami pa tayong may malasakit hanggang marami ang naghahangad na magkaroon ng
pagbabago at pag unlad sa ating gobyerno at lipunan. Ang paglingkod ng mga mamayang
Pilipino ay dapat para rin sa pagunlad ng ating bayan para sa ikabubuti ng ating bansa,
hindi lamang sa pansariling interes at tagumpay.

This study source was downloaded by 100000840931037 from CourseHero.com on 02-21-2022 08:37:08 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131512477/BSMA-1-2-Bauzon-Karen-Joy-A-MaiklingPagsusulit1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like